IASWAKS2C29

427 70 21
                                    

Coleen's Pov

Madaling araw na at nakakapagtaka sapagkat may panay doorbell sa gate namin na siyang dahilan din upang magising si Frances.

Napatayo na ako saka lumabas na ng kwarto si frances naman ay sumama at kasalukuyang nakakawit sa may bandang kamay ko.

Naglakad lakad na kami palabas at tsaka tinignan sa cctv kung sino yung taong nasa labas bago namin iyun pagbuksan at laking gulat ko nang makita si Kryshalyn kasama ang isa sa pamilyar na tao na nakita ko nung may birthday party sa may restau.

Napakamot nalang ako sa may ulo saka dahan dahan nang tinanggal yung mga lock sa gate.

"Boss Cocz! May sasabihin kami sayo nitong ni jhoe! Wag ka sanang mabibigla!" Bungad na sabi sa akin ni krysha at halatang halata naman sa mukha ng kanyang kasama na mukhang may pinoproblema ito.

"Damn! Krysha? Alam mo ba kung anong oras na? Bakit ka nandito at tsaka gaano ba kaimportante yang sasabihin mo na ngayon mo pa talaga naisipang pumunta? Alas dos na for pete sake!" Medyo inis na saad ko , nagambala niya pa yung tulog naming mag asawa at tsaka baka nagising din si minho dahil sa ingay ng doorbell.

"Boss cocz! Sorry pero kailangan ka ni Amy ngayon! Si cody? Nasa hospital at kailangan ng donor ng dugo at ikaw lang ang makakatulong sa amin" aniya naman ni krysha na siyang ikinalaki ng mga mata ni frances , napatingin siya sa akin na tila bay parang niloko siya.

"Hon? I know what's your thinking but? I just met amy nung nakaraang araw , Im sorry i didn't tell you about that kasi ayoko naman nang pag awayan natin yun and don't worry wala namang ibang naging ganap" pagpapaliwanag ko kay frances baka kasi kung ano isipin niya dahil lang doon.

"So what's the matter here krysha huh? Anong kailangan ng so called ex fiance ni coco! At kailangan na kailangan niya itong tulungan?" Iritang sabi ni frances kay krysha na medyo kinakabahan dahil sa tono ng pananalita ni frances.

Kilalang kilala niya na ito at alam niyang Hindi nagugustuhan ni Frances yung nagiging usapan ngayon.

"Hindi naman sana matatawag na ex fiance ni amy si coleen kung hindi ka lang haliparot eh" mahinang sabi ni kryshalyn kay frances habang nakayuko , di alintala na medyo narinig ni frances yung mahinang sinasabi ni krysha.

"Excuse me! What did you say? Pakiulit nga krysha!" Tumataas na ang boses ni frances kung kaya ay hinawakan ko na siya upang medyo kumalma.

"So ano nga ang patutunguhan ng usapan na ito krysha? Pwede bang i direct to the point mo nalang yung gusto mong sabihin nang hindi na tumagal ang usapan? Look i still have a lot of projects and meetings to do bukas kaya need ko na ng rest" mahinahong sabi ko sa kanya napatango naman ito at bigla nang sumingit sa usapan yung kasama niya na tila'y kinakabahan sa pagsasalita.

"Ahm it's time na malaman mo ang totoo coleen? Si Cody At Zai na nagcelebrate ng birthday nila sa restau mo ay anak niyong dalawa ni amanda!"

"You're insane you know! The two of you get out of house! I don't want to hear kung ano pang kalokohang sinasabi niyo! Hon tara na sa loob" pangduduro ni Frances sa dalawang kaharap namin ngayon pinigilan ko naman siya na hilahin ako papasok sa loob.

"Wait lang hon? Krysha pakisabi sa kasama mo ngayon na stop this nonsense ah? Umuwi na kayo kung maglolokohan lang tayo ngayon" mahinahong sabi ko sa dalawa , inaantok pa naman ako at hindi ko na alam kung ano ang pinagsasabi nila at kay hirap din paniwalaan.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now