22: Good

17.6K 881 252
                                    

| Good |

LUNA'S P. O. V

DUMAAN muna kami sa botika dahil may bibilhin daw si Gavin. Inaasar ko pa nga siya dahil ilang hampas lang sa tiyan niya ang natanggap niya pero nangangailangan na siya ng gamot.

Lumabas siya sa botika at galit na tiningnan ako. Papaikot na sana kami ng kabilang street nang may bigla namang humarang sa amin na kalalakihan na lagpas sampo ang bilang.

Maglalakad na sana ako nang harangan ni Gavin ng kamay niya ang daraanan ko. "Stay back."

"May babae? Girlfriend mo ba 'yan o ng kapatid mo?" tanong ng isang lalaki na halos kasingtangkad lang ni Gavin.

"None of your business," may diing sabi ni Gavin.

Naririndi na rin ako at napagbintangan na naman kaming magjowa! Nakakainis naman!

"Nasaan na ang kapatid mo?" tanong nung isang kalbo na may hawak pang cute na pusa pero teka-Ha?! Si Rance na naman?! Ano ba'ng pinagggagawa nung gunggong na 'yon sa buhay niya at kulang nalang ay puting ilaw ang sumunod sa kaniya.

"Ano na naman ba'ng gulo 'to, Gavin?" bulong ko sa kaniya. Kunot-nuong nilingon niya ako. "Rance did. Bumalik kana sa school at ako na ang bahala rito. Mapapalayo ka nga lang kung sa kabila ka dadaan pero mas okay na 'yun. Now, go."

Tumalikod ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Chaos, Storm, Wolf, Leo, Steven, Rance, at si KAMATAYAN!

"Backup ba need mo, tol?!" Natatawang sigaw ni Wolf na ikinangiti naman ni Chaos. "Hulaan ko. Away 'to ng magaling mong kapatid..." Napatingin siya kay Rance.

Sumasakit ang ulo ko sa mga 'to. Para silang sabik sa away na ewan.

"Rance! Bakit ka sumama sa kanila?!" sigaw ko sa kaniya na may benda ang ulo at litaw ang sugat sa mukha. Nakapikit pa ang kanang mata dahil sa black eye na tinamo niya mula sa pagkakasuntok ni Gavin.

Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti.

Ayan na naman ang pesteng ngiti niya!

"Dalhin niyo na 'yang lalaking 'yan! Baka mapatay ko pa!" sigaw ni Gavin na hindi naman kami nililingon.

Yieeeee! Nag-aalala lang siya! Alam ko na uy! Huwag ako.

Umatras ako hanggang magkatapat kami saka siya siniko. "Uy, nag-aalala 'yan?"

"Gusto mong mamatay?" tanong niya na madilim ang mukha kaya nakangiting umiling na lang ako. Napanguso ako nang makita si Rance. "Hoy, Rance! Ano ba'ng mga gulo ang pinapasok mo, ha?! Una 'yung mini gang tapos eto nam-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang takpan ni Gavin ang bibig ko kaya malakas kong siniko ang tiyan niya dahilan para mapabitaw siya. "Ang ingay mo talaga kahit kailan."

"Ate!" Sigaw ni Tev na may patalon-talon ng kaliwang paa pang nalalaman dahil sa injured niyang kanang binti hanggang sa makalapit siya sa akin at yumakap. "Ate huhu pinagalitan ako ni Deth! Sabi niya bakit daw kita iniwan huhuhu Ateee!" Sigaw niya kaya marahang hinawakan siya sa braso niya at bahagyang itinulak. "Masakit sa tenga, Tev. Bakit ba kasi sumama ka pa rito, ha? Baka mapaano ka pa. Tapos 'di mo pa dala 'yung crutch mo." Sermon ko saka binalingan ng tingin si Leo. "Leo, ano? Hindi mo kinaya?"

"Ngumawa, e," sabi ni Leo na ikinakunot ng noo ko. Mahina namang natawa si Rance kaya binato ko siya ng hawak ni Tev na lollipop. "Ikaw naman! Ang dami mong pinasok na gulo at injured ka pa tapos nandito ka pa."

"Sorry naman, Ate."

"Anong ate ka riyan?!" Sigaw ni Tev at tatalon-talon na nilapitan si Rance. "Ate ko siya kaya shut up ka na lang."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon