17th Chronicle / The Epidemic

32 1 0
                                    

“Saan man naroon ang mga bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.”

Mateo 24:28

9:30 PM / February 11, 2040 / 4th Floor Apartment / Makati City

Thea Arcapeña

“Kumusta ka naman diyan sa ospital?”
“Heto! Nakakapagod! Ang daming pasyente. Tapos ang init pa ng suot ko dahil nakasuot na ‘ko ng face mask, may goggles pa at saka viroguard suit,” sagot ng pinsan kong si Paula.
Bakas sa boses niya ang pagod. Dinig ko rin mula sa kabilang linya ang ingay sa loob ng ospital, tila ingay ng mga taong nandoon.
“Napapansin nga rin namin na habang tumatagal, dumadami lalo ang mga pasyente. Siksikan na rito sa ospital. May mga itinayo na nga rin na tent sa labas para sa mga hindi na kayang ma-accommodate dito sa loob,” dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Isang buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ko.
“Ikaw pala? Kumusta ka naman diyan sa apartment mo?” tanong niya.
I heaved a slong sigh before I decided to answer her question.
“Ito! Para akong nakakulong dito dahil sa lockdown. Nakakainip! Saka isa pa, pili na lang  ang pumapasok sa ‘min para daw maiwasan ang maraming tao sa presinto. Sa loob ng ilang araw na lockdown, isang beses pa lang yata akong nakapasok. Naging rotational na lang kase ang schedule namin.”
“Ah, ganu’n ba? Eh, si tita? Kumusta naman?”
“Okay naman siya. Magkausap pa lang kami nu’ng isang araw. Hindi ko nga lang siya ma-contact ngayon, hindi kase siya sumasagot, eh. I think busy lang siguro si mama sa gawaing bahay lalo na dahil lockdown at siguradong sinubsob na naman niya ang sarili niya sa mga gawaing bahay.”
After what I have said, I just only heard a sigh from my cousin.
“Buti naman kung ganu’n! Ikaw mag-ingat ka. Wear mask kapag lalabas ka. Mas maganda na ang nag-iingat.”
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
“Oo na! Ikaw rin! Lalo na nasa ospital ka at napapaligiran ka diyan ng mga taong infected,” I replied while flashing a smirk on my lips.
“Ah, sige na, Thea. Paalam na muna ako. Kailangan kong mag-rounds. Kailangan ko rin i-check ang mga pasyente na handle ko. Loaded din kase ako ng pasyente, eh,” paalam niya.
“Ah, sige-sige! Ingat ka! See you after this,” I said.
“Sige, see you when I see you. Bye!”
Ibinaba ko na ang phone ko nang matapos ang usapan namin ni Paula. Oh, hell! Here we go again! Para na naman akong ewan dito sa apartment ko. Walang kausap. Nakakaboring! Pero mas okay naman na ito, compared naman doon sa mga nasa ospital at naghihirap ngayon.
Kanina pa ako nakahilata rito sa sofa. Magulo ang buhok at wala pang hilamos ngayong gabi. Ayaw ko pang matulog. Hindi pa naman din ako inaantok.
After a few moments. Nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko naman kaagad iyon at nang makitang si Efren ang tumatawag, sinagot ko kaagad iyon.
“Hello? Napatawag ka, Efren?” bungad ko.
“Ah, hello, Thea?”
“Yes? Bakit?”
“Kumusta ka naman?”
“Okay naman ako. Ikaw ba? Teka, parang kanina lang magkausap tayo, ah? May problema ba?”
“Ah, okay naman ako. Not exactly a problem… May sasabihin lang sana ako…”
Napakunot-noo ako nang marinig ang sinabi niya.
“Ah, sige. Ano ba ‘yun?” halos mautal ko pang tanong.
“Ano kase…”
Napahinto siya sa pagsasalita ng ilang segundo na tila nag-aalangan sa kaniyang sasabihin.
“Ano?” tanong ko.
“I was chosen to be part of PRT. Aware ka naman siguro sa kanila, ‘no?”
Upon hearing what he said. It means nothing to me. Wala naman sigurong masama kung mapabilang siya sa PRT? Since binuo naman iyon ng government for further reinforcement of the health protocols.
“Ah, yes! Aware ako tungkol du’n. Nababanggit pa nga sila sa balita, ‘di ba? Ano naman ba ang concern mo du’n kung mapabilang ka sa kanila?”
“Hmm. Wala naman. I just want to inform you lang sana…” despite what he said, tila mababakas sa tono ng boses niya ang pag-aalinlangan.
“Ah, ganu’n ba? Ikaw, kung okay lang sa ‘yo, go ka! Since ang role n’yo naman ay para makatulong sa pag-implement at reinforcement ng mga health protocols at security. Sa ‘kin okay naman. Wala naman problema ‘yon. Bakit? Ayaw mo ba? Nag-aalinlangan ka?” malumanay kong sabi sa kaniya just to calm the situation na tila nagpapaalinlangan sa kaniya.
“Ah, anyway! I’ll just accept the offer na lang. Since, maganda naman ang role ng PRT. Okay lang naman sa ‘yo, ‘di ba?”
“Yes, okay lang naman. Basta ang sa akin lang, mag-ingat ka, ha?”
“Yes-yes! Mag-iingat naman ako.”
“Saka nga pala, kailan ka ba magsisimula?” tanong ko.
“Bukas na raw, eh. Kailangan kong pumunta nang maaga sa headquarters ng PRT. Ibibigay din kase nila ang mga PPE na susuotin namin. Saka may kaunting orientation pa kase.”
“Ilan ba kayong napili diyan sa presinto ninyo?” I asked.
“Nasa sampu kami, eh. Walo kaming lalaki saka dalawang babae.”
“Hmm. Sige-sige! Basta mag-ingat ka bukas. Inform mo na lang ako bago ka magsimula sa duty mo,” I said in a concern tone.
“Sige-sige! Ikaw, mag-iingat ka rin!”
“Oo naman!”
“Thea?”
“Yes?”
“I love you.”
Sa sandaling pagkakataon ay natahimik ako. Hindi kaagad nakapagsalita. After a moment, I flashed an emotional smile.
“I love you too, Efren.”
Mula sa kabilang linya ay nadinig ko naman ang marahang pagtawa niya.
“I promise. After this pandemic, magpo-propose na ako sa ‘yo…”
Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba at excitement. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa sinabi niya. I feel the butterflies in my stomach. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang kaming napunta sa ganitong usapan.
“Aasahan ko ‘yan, Efren. Mag-iingat ka, ha?”
“Para sa ‘yo, mag-iingat ako…”
“Sige na. Ibababa ko na. Magpahinga ka na.” he added.
“Bye na muna.”
“Bye…”
Marahan kong ibinaba ang cellphone ko at makahulugang tumingin mula sa kawalan. Naguguhit naman sa mga labi ko ang ngiti na simbolo ng galak.
‘Pagkatapos ng pandemyang ito, magsisimula ulit ako. Magsisimula ulit ako kasama ang taong mahal ko.’ I thought.
After a few moments, nangibabaw ang katahimikan. Marahang akong napasandal sa sofa kung saan ako nakaupo. I crossed my arms. Napatingin lang ako sa kawalan.
Not until.
Nag-ring ulit ang cellphone ko.
Wait? Sino na naman kaya ang tumatawag?
Napaka-on demand ko naman yata sa araw na ito?
To answer my own question, I picked it up, and when I saw who’s calling, it’s my mom.
Teka? Bakit kaya siya napatawag?
“H-hello?” bungad ko.
“Anak…” it seems that there is something wrong with her voice.
“Ma? Bakit? May problema ba?”
This time ay kinabahan na ako. Tila may mali na.
Hindi siya kaagad sumagot sa tanong. Not until I heard a cough from the other line confirming something in my mind.
“Ma?”
“A-anak? Infected na ‘ko…” sabi niya sa pagitan ng mahinang paghikbi.
Sa hindi ko malamang dahilan ay naramdaman ko na lang bigla ang likido sa aking mga mata. Tila maiiyak ako sa sinabi niya.
I became speechless. Not knowing what will I answer from what she said.
“Anak? Madadala mo ba ako sa ospital? Nahihirapan na akong huminga…” she said in between deep breathe.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Lalong dumaloy ang likido sa aking mga mata. Sana naman ay huwag mangyari ang nasa isipan ko. Wala na nga si papa, mawawala pa ba si mama? Huwag naman sana!
Pinilit kong ibinuka ang aking bibig upang sumagot kahit na tila nanginginig ang mga labi ko dahil sa narinig ko.
“Pu-pupunta na ako, ma. Susunduin kita…” tanging iyon lamang ang naisagot ko.
Hindi ko inakala na ganoon ang sasabihin niya. Simula noong mga pangyayari sa north harbor, hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni mama dahil naging busy ako sa trabaho. Madalang na lang kaming mag-usap. Hanggang sa dumating na lang ang ngayon. Hindi ko inakala na pati siya dadapuan ng sakit. Ang ayos pa naman niya noong magka-usap kami ng mga nakaraang araw, tapos ngayon ay dadaing siyang infected na siya?
“Papunta na ako, ma…” dagdag ko at saka na marahang ibinaba ang cellphone ko.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dali-daling nagbihis at saka nag-ayos para sunduin si mama at maidala sa ospital.
Paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang tahimik na pasilyo. Mula naman sa hindi kalayuan ay nakita ko ang dalawang babaeng nag-uusap. Gaya ko ay may face mask din sila.
Sa aktong pagtingin ko sa kanila, binalingan kaagad nila ako nang masamang titig. Hindi naman na bago pa sa akin iyon. Alam kase ng mga tao sa apartment na pulis ako. Simula kase noong malantad ang nagyari sa north harbor, marami sa mga tao ang nagalit at isinisisi sa aming mga pulis ang pagkapasok ng mga infected illegal immigrants na sa kung totoo man ay maging kami ay hindi naman namin ginusto iyon.
Hindi ko na pinansin pa iyon at saka na ako naglakad at nagtungo sa parking area upang puntahan ang sasakyan ko. Gaya ng dati ay tahimik lang din doon. Pagpasok sa kotse ay kaagad ko nang ipinaharurot iyon upang puntahan ang aking ina sa kaniyang tinutuluyan.

Quarantine ChroniclesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora