20. He perceive

401 57 4
                                    

Farrah

Nakaramdam ako ng init dahil tila'y balot na balot ako sa kumot at parang may mabigat na pumapatong sa'kin.

Idinilat ko ang aking mga mata. Madilim ang paligid ngunit tanaw ko ang isang matangkad na lalaking nakapatong sa'kin. Nakaramdam ako ng kung anong bagay na matulis sa leeg ko.

"Kamahalan." Rinig ko ang panggigigil sa kanyang boses. Boses ni Fergus.

"Fergus." Sambit ko. Pinigilan ko ang aking sarili na matakot sa kanyang ginagawa.

"Hindi..." Usal n'ya.

Kinapa ko s'ya hanggang makarating ang palad ko sa kanyang pisnge, "kumalma ka..." Sambit ko.

Kinapa ko ang tabi ng kama kung may lampara at hinila ko ang tali nito upang bumukas ang ilaw. Tiningnan ko ang kabuuan n'ya at umiiyak pala s'ya.

"A-Anong problema?" Pagtataka ko.

Pinunasan n'ya ang kanyang luha at umupo sa gilid ng kama. Hawak n'ya pa rin ang kutsilyo ngunit tila'y wala na s'yang lakas ng loob na gawin ang kanyang binabalak.

Napagtanto ko rin na wala na ako sa kwarto ni Liam.

"Fergus, anong problema?" Tanong ko ulit. Tumayo ako mula sa kama at pumuntang bintana upang buksan ang kurtina. Paangat na ang araw.

"Hindi ikaw ang prinsesa." Anito. Nagulantang ako. Paano n'ya nalaman?

Nakatalikod ako kaya hindi n'ya makikita ang reaksyon ko. Naiyukom ko ang aking kamao. Wala na akong magagawa kundi umamin, ayoko ring mag-sinungaling at mamuhay na may pag-sisisi sa mundong 'to.

Huminga ako nang malalim dahil parang luluha na ako. Paano kung paslangin nila ako kapag nalaman nila 'yon?

Humarap ako sa kanya. Tumango ako, "oo, hindi ako ang prinsesa."

Tumayo s'ya at lumapit sa'kin na agad kong ikinaatras dahil may hawak s'yang matalim na bagay na nakatutok sa'kin, "kung gayon, nasaan ang tunay na prinsesa?" Seryosong tanong nya.

"H-hindi ko alam, hindi ko nga rin alam kung bakit naririto ako sa katawan nito." Kako.

Ibinaba n'ya ang hawak n'yang patalim, "nag-sagawa siya ng pag-lipat ng kaluluwa." Anito.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Kamahalan, ang lahat ng libro mo sa kwarto ay puro tungkol sa muling pagkakatawang tao at sa pag-lipat ng kaluluwa." Paliwanag n'ya.

"Sinabi ko na sa'yo hindi nga ako ang prinsesa kaya hindi ko alam 'yan. Tsaka, paano mo ba nalaman na hindi ako ang prinsesa? I mean, ginawa ko naman lahat para hindi ako mahalata..." Pagtataka ko.

"Nanibago lamang ako, dahil sa palasyo noong mga nakaraang araw ay hindi mo ako pinapansin o napapansin. Ni-hindi mo ako napansin na sumama rito. Noong mag-kita tayo sa ibaba ng palasyo ay dapat pinarusahan mo na ako no'n dahil sa pag-hawak ko sa'yo na walang permiso." Mahabang sabi n'ya.

Aa, yung muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa katangahan ko.

"Dahil lang doon?" Tanong ko ulit.

Tumango s'ya, "kailan man ay hinding-hindi mag-aalala ang isang Prinsesa Farrah sa mga ordinaryong tao." Anito.

"Sa tingin ko bibitayin na ako ng iba kapag nalaman nila ang pagkatao ko." Napanghilamos ko ang aking palad.

"Hindi 'yan, tutulungan kita." Sabi n'ya.

"Talaga? maalam ka ba sa prinsesa na 'to?" Tanong ko.

Tumango s'ya, "Sobrang layo ng ugali mo kaysa sa kan'ya. Literal na sobrang layo, siguro mula silangang emperyo hanggang ehipto."

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon