21. Covetous

380 50 3
                                    

Farrah

"Diba ano... tuwing kakain parang may mga iba't ibang tinidor or kutsilyo sila na ginagamit sa ano sa iba't ibang pagkain gano'n." Pagkausap ko kay Fergus. Naglalakad kami pabalik ng palasyo upang makapag-agahan.

"Ganito...Una, nasa kanang-itaas ang inumin. Kahit anong klase ng inumin ay nasa kanang-itaas." Panimula n'ya.

Tumango-tango ako, "E, sa kaliwang taas?" Tanong ko.

"Walang nakalagay do'n, bakante 'yon. Sunod, ang serbilyeta na nakalagay sa ilalim ng kubyertos ay iyon ang gagamitin mo pang-punas sa bibig mo. Iniipit iyon sa kwelyuhan ng kasuotan." Paliwanag n'ya.

"Ang malaking tinidor ay para sa karne na ihahain sayo o pwede rin sa lahat ng pagkain maliban sa sabaw. Kasama palagi ng tinidor ang isang kutsilyo. Ang maliit naman na tinidor ay para sa ensalada at panghimagas. Ang malaking kutsara ay para sa sabaw at ang maliit naman ay upang ihalo ang inumin katulad ng tsaa o kape." Dugtong n'ya pa.

"Wow, napakagaling mo talaga Fergus!" Pag-hanga ko.

"Maliit na bagay." Umakto pa s'ya na pinagpagan n'ya ang kanyang balikat na ikinatawa ko.

"Magandang umaga, kamahalan." Pagbati ng mga katulong habang nakayuko nang papasok kami sa palasyo.

Marahan akong yumuko pabalik at dumeretso sa silid kung saan kami mag-aagahan.

"Hmm? napaaga ata ang aming pag-dating." Sambit ko. Umupo ako sa upuan na may apat na pwestong pagitan palayo sa kanan ng hari.

"Tiyak na inaantok pa ang iba dahil sa nangyari kagabi." Humagikgik ang hari.

Marahan akong tumawa upang makisabay sa kanya. Hindi pwedeng mapahiya ang hari kahit kami lamang ang naririto.

"Fergus, puntahan mo si Aifrel at sabihan mo na inuuutos kong gabayan ka n'ya sa magiging posisyon mo." Bulong ko sa lalaking nakatayo sa tabi ko.

Yumuko s'ya sa'kin at gayundin sa hari bago lumisan.

"Dominique!" Pagtawag ng hari sa mayordomo na agad lumapit sa kanya.

"Ibigay mo sa prinsesa ito." Iniabot ng hari kay Dom ang nakatuping papel at naglakad patungo sa pwesto ko.

Tinanggap ko iyon at binuksan.

Nakasulat ang mga schedule ng mga pupunta rito mamaya. Nabasa ko ang Hari ng Kanluran at ang ama ko.

"Iyan lamang ang pupunta mamaya." Sabi ng hari.

"Ngunit bakit? May nangyayari ba at hindi sila makakadalo, kamahalan?" Tanong ko.

"Tiyak nga na wala silang alam sa mga nangyayari... sa tingin mo mahal na prinsesa, sino ang totoong kalaban sa emperyo?"

Hindi ako nakasagot. Nakatuon ang mata ko sa hawak kong papel.

'Sino nga ba ang kalaban?'

Sa isip ko ay wala akong masisisi nang walang ibedensya.

Agad kong itinupi at inipit sa manggas ko ang papel nang may pumasok sa pinto.

"Napakabihirang makita ka sa mesang ito na sasabay sa almusal namin, Liam."

Panunuya ng hari nang pumasok ang prinsipe.

Sinundan ko ng tingin si Liam habang papaupo s'ya sa kanyang upuan. Umupo s'ya sa kaliwang pwesto at halos sa katabi ng kanyang ama.

Tinignan ko ang mesa ko. Ayon sa mga sinabi ni Fergus ay naka-pwesto nga ang lahat ayon sa kanyang sinabi.

Tiningnan ko si Liam at ginaya ko ang kanyang ginawa na pag-ipit ng puting tela sa kwelyuhan.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon