UNA

93.6K 1.1K 223
                                    


WARNING AGAIN! BAWAL PA RIN PO ITO SA BATA. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 1


I dropped my bag on the table and looked back at my secretary. “When was the last time I told you to sent me an email on weekends?! Hindi ka pa rin nagtatanda, ha, Lily?!” I scold her, upset and pissed-off.

Kahapon pa ako nagtitimpi sa galit dahil sa mga email na pinadala niya sa akin. I wasn't so sure kung sinasadya ba niyang galitin ako o wala lang talaga siyang kokote para isaksak lahat ng pinapaalala ko.

“Sorry, Miss Talia. Galing po kasi sa foreign investors natin iyong mga emails. And they need your approval asap,” paliwanag pa niya na hindi makatingin sa akin ng diretso.

Hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya. Wala akong pakialam kung sinong mga investors pa ang sabihin niya. Basta weekends at wala ako sa opisina, ayokong nagta-trabaho... especially at night.

“Stop making excuses. Hindi ako mayaman para maghabol sa mga investors. If they really want us, they will wait.”

I'm a multimillionaire at the age of twenty. And now, after nine freaking years... I can buy everything I want, even someone's time or it could be that someone.

Kaya hindi ko kailangan ng investor na masyadong feeling special, dahil ako lang 'yon.

“Sorry po ulit, Miss Talia.”

Napahilot na lang ako sa sariling sintido bago umupo sa swivel chair ko. “Lumabas ka na nga.” Turo ko sa pinto. “Dalhan mo na rin ako ng kape,” I ordered.

She just nodded before stepping out. Baka kung ano lang ang magawa ko sa kan'ya sa mga dahilan niya sa akin. Nakakawala siya lalo nang bait.

Itinuon ko na lamang lahat ng galit ko sa pag-aayos ng gamit. Considering as one of the successful businesswoman in the world, I won't tolerate any kind of excuses against me. That's not possible at all, 'cause I'm Talia.

Pagkatapos nang lahat nang meetings at mga paper works ko ay umuwi na agad ako. I'm a busy person with a secret identity.

When I'm at work, I just work, that's why when I'm not at the office hindi ako nag-uuwi ng trabaho lalo na ang tumanggap trabaho. Boss ako at wala na silang magagawa roon.

Hindi ko rin naman sila inaabala kapag wala sila sa opisina, 'cause I know where to limit everything. Kapag trabaho, trabaho lang. But when we get home, kan'ya-kan'ya na kami ng buhay. Wala nang pakialamanan.

“Can you prepare my dress for tonight, Manang Diday,” utos ko sa nag-iisang kasama ko sa bahay.

Simula nang mawala ang mga magulang ko at bilang nag-iisang anak wala na akong tinuturing na pamilya. Pinaghirapan ko ang lahat ng mayroon ako kaya ako naririto sa tuktok.

Wala naman silang lahat noong kailangan ko nang tulong. Dahil lahat sila magaling lang kapag alam nilang mapapakinabangan ka nila. They're a user, not a family.

“Anong dress, Ija? Iyong bang dala mo noong isang araw?”

Umupo ako sa sofa at saka sumandal doon. “Yes, Manang. Thank you,” mahinahong sabi ko bago marahang pumikit.

Siguro ay matutulog muna ako bago umalis mamaya. Dahil hindi p'wedeng magtungo ako sa El Paradiso nang pagod at hindi fresh. I'm paying millions tapos hindi ako mag-e-enjoy? No fvcking way!

Kailangan ko ng maraming energy. Day and night.

“Hey, that's rude!” sigaw ng babaeng nabangga ko. Kasalanan ko ba na patanga-tanga siya dahil lang sa lalaki? Ikaw ba namang halos magpakain na sa lalaking hindi mo naman kilala.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon