Ep. 44: Unluckily Lucky

746 44 22
                                    

A/N: Hello! Most of you are aware that i've posted a vid on tiktok which i said there that i am looking for names for the future characters here in my story & this is one of the winners. Congratulations, @annedebbieee on tiktok! Don't worry, the search is not yet over. Still looking through the comments for more names. If you wanna suggest something, wether your name or anything you like, just go to my tiktok acc, @sandro.loml & comment in any of my videos about your name suggestions. (I love reading your comments!) Love lots! ♡

4 DAYS AFTER..

October 4, 2021

Nagising ako nang bigla kong narinig ang phone ko na nag ring. May pisteng yawa na tumatawag sakin sa kaaga-agahan na 'to. Agad ko naman itong sinagot. Shems, 50 missed calls galing sa magaling kong bff na si JC. Ano na naman kayang kailangan nito sakin?

"Shutabels ka, bakla! Buti naman at sinagot mo na rin yung tawag ko. At hindi ko na 'to papahabain pa. Mag bihis kana at lumipad kana papunta dito bakla dalii!!" Pag sigaw nya sa kabilang linya at agad namang nanlaki ang mata ko. Tinignan ko kung anong araw ngayon at bwiset! Lunes na lunes, malalate ako? HELL NO!

"Shucks! Bakla i forgottt! Yari ako neto sa prof natin!! 1 hour late na ko punyemas!" Pag sagot ko naman kay JC.

"Jusko, wag kana maraming dada jan! Bilisan mo na kumilos dahil nagiging dragon na itong si Mrs. Debbie!" Btw, si Mrs. Debbie ang nag iisa naming pinaka mabait na prof pero pinaka masama rin kung magalit kaya andaming sipsip na students sakanya para hindi nya masermonan. Nagpapahiya rin sya ng mga students lalo na kapag na late sa klase nya kaya pray for me.

At syempre, agad naman na kong kumilos para gumayak. Kingina, wala nang ligo ligo. Derecho bihis na ng uniform at derecho baba sa first floor. Madaling madali ako to the point na nakalimutan ko palang coding ang sasakyan ko. Punyeta! Kapag minamalas ka nga naman oh! Edi syempre wala akong choice kung hindi mag abang ng taxi. Hindi ko na inistorbo si Simon para tawagan pa at magpahatid, ang kapal naman na ng muka ko masyado nun. Dumerecho na ko sa hintayan ng taxi nang biglang nag text si JC.

"Gaga ka! Sinabi ko kay Mrs. Debbie na masama pakiramdam mo kaya ma-lalate ka pa. Sabi nya she will give you 30 minutes more at kapag hindi ka pa raw nakapunta sa school, ibabagsak kana daw nya sa mid terms natin!"

Gagi, medyo nakampante ako nung mga oras na yon. Sayang, sana pala naligo na ko at ang baho ko na oh fresh from the bed derecho labas. Dibale, akala ko hindi ako mahihirapan mag antay ng taxi pero sabi nga nila kapag minalas ka, mamalasin ka talaga buong araw. 10 minutes nang nakakaraan at lahat ng dumaang taxi rito ay may pasahero na. Jusko, lord! Ayokong bumagsak sa mid terms, baka mapauwi ako sa QC nang wala sa oras nyan! Pero never give up! I still patiently waited at nagbabakasakaling may dumating pa. Pero wala na talaga. I only have 20 minutes more at mag bibiyahe pa, jusko naman talaga anak ni maria!

-TIME SKIP-

Maya maya pa ay may pamilyar na kotse na huminto sa harapan ko. Hindi ko alam kung kanino 'tong kotse na 'to basta pamilyar talaga sya saakin. Hanggang sa binaba ng driver ang bintana sa passenger's seat at sinilip ko naman ito.

"Vinny?!"

Jusko, ang malas talaga. Nakita ko pa si Vinny. Eh wala na kong oras sa ngayon para makipag chikahan dito, madaldal pa naman.

"Get in!" Wika ni Vinny.

I pointed myself, nag bobobo-bobohan lang. "A-ako?"

He rolled his eyes, "May iba pa ba?" Wow, sorry ha! Sabagay ang tanga rin kasi naman ng tanong ko hehe. Btw, infairness ha mas magaling syang mag tagalog kaysa kay Simon.

I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now