7-2nd Day of Welcome Party

31.8K 1K 34
                                    


Kismeth 's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway dahil kararating ko lang. Nakakapagtaka lang dahil ni isang estudyante wala akong makita. Imposible namang nagkaklase na dahil maaga pa naman. Parang may mali. Tumingin ako sa paligid dahil may narinig akong kaluskos

"Ayan na dadaan na! Itapon mo  na '' bulong nung isang babae. Tss bistado na sila. Ano naman kaya ang itatapon sakin ngayon? Pasalamat sila hindi ako pwedeng gumanti! Pero di naman sinabi ni dad na bawal akong umiwas diba?

"Bibilang ako ng tatlo. 1,2,3 go!! " Nung pagkasabi ng go, gumilid ako ng konti para hindi tumapon sa akin yung kulay green na lime. Ang lapot

"Aish bat di tumama? Yari tayo kay Queen Myrtle neto eh!! " tumingin naman ako sa second floor at tinignan ng masama yung dalawang babae.

"Waaaaaah!! Baliiiiiiiiiw!!!! '' napangisi naman ako sa naging reaksyon nila. Tingin ko palang tumakbo na sila. Tsaka baliw agad?

Naglakad na ulit ako kaso may napansin akong makintab sa flooring. Wax? So ang inaasahan nila eh madulas ako dito?

"Mas mapapadali ang paglalakad ko " bulong ko sa sarili ko. Mahaba pa kasi yung hallway bago makarating sa hagdan. Pagdiretso mo ng hallway,liliko ka pakanan dahil nandoon ying hagdan  at katabi naman yung elevator. Ayoko namang gumamit ng elevator dahil mas nakakapagexercise ako sa hagdan.

Para di ako madulas o ano, ginawa kong skating rank yung hallway. Sarap magskate! Haha

Pagdating ko dun sa dulong part na wala ng wax, nakita ko namang nagtatago yung dalawang lalake sa gilid ng pader. Nagtago pa kita naman yung mga paa.

"Ang tagal naman madulas nun!! '' pano ko madudulas eh obvious namang may nilagay kayong wax. Sinong tanga ba naman kasi ang magpapahid ng PULANG wax sa PUTING tiles. Nakakagago lang shet

"Gag° wag kang maingay! Baka marinig ka di pa matuloy! Yari tayo pag walang picture na nakasalampak yung nerd na yun!  " naks DSLR pa gamit na camera.

Lumiko ako na parang walang nangyari pero wala naman talagang nangyari. Dumaan ako sa harap ng dalawang lalakeng alam kong  nakatingin sakin ngayon at nanlalaki ang mata kahit nakatalikod ako.

Bago ako umakyat ng hagdan, tinignan ko muna silang dalawa ng walang expression ang mukha. Hindi nyo ko maiisahan.

Nakarating ako sa room pero may nasesense pa din akong mali. Nandito ako ngayon sa labas ng pinto dahil pinapakiramdaman ko ang paligid. Kung hindi lang ako gangster iisipin kong normal na maging tahimik ang hallways at mga room. Pero dahil nga gangster ako, alam kong may mali.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa

*splash!! *

May tumapong isang balde ng tubig. Alam ko na. Tulad kanina balak nila kong basain. They really think na mahuhulog ako sa mga trap nila? Asa

Pumasok na ko sa loob ng room na parang walang nangyari. Dumiretso na ko sa pwesto ko para umupo. Kumpleto lahat ah. Daming audience. Nakita ko namang may dalawang babaeng nakahawak sa magkabilang braso ni Sydney na nakatayo at masama ang tingin sakin . Paglapit ko sa kanila pabalyang binitawan nung dalawang babae yung yung braso nya kaya napaupo si Sydney.

"You okay? '' tanong ko kay Sydney pagkaupo ko. Tahimik pa din sa buong room at lahat eh nakatingin sakin na para kong isang alien. (Pasingit! Nabanggit ang alien! Ang gwapo ni matteo do!! Hahaha ge bye!!! )

"Ayos lang ako. Ikaw? Nabasa ka ba? Nadulas ka ba?? Balak sana kitang tulungan kaso binantayan nila ko " Sydney at nginuso pa yung dalawang babaeng nakatingin pa din ng masama sakin.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon