Chapter 1

17.1K 645 262
                                    

Eris

"I need passes, Carrie. Do you have passes here?" binanggit ko yung pangalan ng exclusive club na hindi ko malaman kung bakit kailangan puntahan ni Tris.

Sa totoo lang, bwisit na bwisit na ako sa kakasunod dito. Kung hindi lang para kay Harrice ay nunca na gagawin ko ito. Wala naman kasi akong mapapala. Pero dahil sa ipinangako ni Carrie na pera na ibabayad nito sakin para lang siguraduhin na hindi makakagulo itong Negra na ito sa eksena ng pagbawi ni Harrice kay Elle ay wala din akong magawa.

I need money. I badly need a lot. Para kahit hindi ako magtrabaho na gaya ng ginagawa ni Ember ay ayos lang. Ayoko din naman talaga na matulad dito na nakatali na lang sa negosyo ng pamilya namin.

"That woman already made an entry. I don't know how but she surely have her ways." Sabi ko pa sa kabilang linya nang mapansin na tuluyan na ngang nakapasok si Tris. Ilang tao pa ang agwat ko bago sa main door. Iniisa isa kasi yung paghahanap ng passes doon at pagscan sa metal detector.

"No. No." I shake my head slowly even though Carriete can't see me. "I don't think she had passes. I don't know what she bailed to enter the place though."

Ilang minuto na natahimik si Cariette sa kabilang linya. Nang sumagot ito ulit ay may sinend na itong passes sa email ko.

"How'd you get this?" I asked out of curiosity. Matamang pinagmamasdan yung membership pass na ipinasa nito.

Sa amin kasi, sigurado ako na yung side ni Tita Candice yung pinakamatitino. Mas inaasahan ko pa nga na si Ember ang malamang na may passes sa ganitong klaseng lugar. Kaya kataka-taka na si Carrie pa ang meron at si Ember ang wala.

Well, Carrie used to be involved with drug dens becuase of her mixes. She's a well-known Dimitri Blue Ice. It's not a surprise really.

When it's my turn for entry, I just showed them the passes that Cariette gave me. I surprisingly got escorted inside. May mga usherettes pa nga na nag-assist sa akin patungo sa isa sa mga reserved tables for VVIP habang may nakasunod sa aking dalawang lalaki na nakathree-piece black suit pa at kumikintab pa yung kulay itim na suot ng mga ito na sapatos. Sa sobrang linis, pwede ka na siguro magsalamin doon.

The whole place is such a stunner. Pagpasok pa lang ay mamangha ka na sa mga mamahaling illuminated light paintings na nakadisplay sa malamlam na hallway. Kahit yung amoy ng lugar. Amoy pang mayaman.

Classic. Rogue but undeniably classy.

The lights are dim while the whole interior is dark-themed. Tanging yung malalaking chandelier lang ang nagsisilbing liwanag ng buong lugar. Not just a typical chandelier that can be seen anywhere. It is a chandelier that's made of a hundreds of thousand pieces of sparkling swarovski crystals.

The lounges are unexpectedly leopard print which suits the place even better. Para bang nagbibigay iyon ng kakaibang spice sa ambiance ng lugar. A certain way of displaying wildness and ambiguity.

Mga bagay na hindi ko sigurado kung dapat ba na nandito pa din ako.

"Red wine?" Tanong pa sakin ng isa sa mga waiters na nagmamadali na lumapit sa mesa ko.

Yung isang serbidor ay pinaghatak ako ng upuan. Samantalang yung isa naman ay nilapagan ako ng appetizer at inayos yung plate setting ko. Samantalang yung isang lumapit na may hatak na rolling serving cart na kinalalagyan ng iba't ibang klase ng wine ay parang pinapapili pa ako kung ano ang gusto ko.

Out of knowledge about wines and the likes, I just pointed the gold-colored bottle of sparkling wine. I immediately inhaled the seductive flavor as he pours the drink in my glass.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon