Chapter 2

9K 581 389
                                    

Tris

Literal na napatayo ako ng upuan nang mabuga ni Kaylee yung iniinom nitong juice.

Nagmamadali tuloy akong kumuha ng tissue at inabot iyon dito. Matapos nitong makuha iyon para punasan yung bibig ay marahan ko namang tinatapik yung likod nito.

Magkasabay kaming kumakain ng breakfast sa hotel room nito.

"Fifty million!?" hindi makapaniwalang kumpirma nito.

Napapangiwing tumango naman ako. I know it really sounds crazy. Who will spend fifty million just to have a night with someone?

Literally no one! Just no one!

Except to that crazy mad monkey.

"Fuck, Tris." Ulit pa ni Kaylee at itinulak ako palayo. "Magpakulong ka na lang sa kwarto kasama si Eris. Wala akong ganoon kalaking pera. Isang gabi lang naman. Shocks! Ang mahal mo pala pag binenta."

"Wala din akong pera, Lee." tuluyan na akong napasimangot. Paano ko babayaran ngayon yung babaeng iyon? "Ikaw na lang yung mauutangan ko."

Ang yabang yabang ko pa na sabihin sa unggoy na iyon kagabi na titriplehin ko pa yung bayad ko. Tapos wala naman pala akong pambayad.

"Help me, Lee. Hindi ka ba naaawa sakin?"

"Goodness, Tris. Bakit naman kasi ang mahal mo? If that's only a million, I can lend you. But heck, Fifty million? Fifty!? Like heck, hella Fifty million?!" Paulit ulit pa nitong emphasize. "C'mon, higa ka na lang sa kama ni Eris. Wala tayong ganoong pera."

"Gago." hindi ko maiwasan na murahin ito sa sobrang inis ko.

"C'mon, Tris. What's for modesty? Sabi mo naman Eris is lusting after you, right? So just give her a night and let it begone. Tapos na din yung problema natin sa fifty million na yan."

"That's not easy, okay?" Inis na bumalik ako sa pagkakaupo. I put my arms cross over my chest while I leisurely drape my right leg over my left.

"What's not easy, Tris? Isang gabi lang naman. Saka hello, you can just bed Eris and begone in the morning. Nothing new for you. You've been doing that for as long as I can remember."

My gaze averted towards Lee. How can she say that to me as if I am not her best friend?Kung tutuusin naman ay kasalanan nito kaya ako nagkautang ng ganoon kalaking halaga. Dapat lang na tulungan nya ako.

I have been always helping her out of trouble. Ngayon lang naman ako nalubog ng ganito na kinakailangan ko nang humingi ng pabor dito pero heto na naman sya, always saving herself first.

"Fine. Uutang na lang ako kay Mommy." resigned na turan ko.

Tutal naman wala din itong mapapahiram sakin. Kahiyaan naman pag biglang sinabi ko sa tagabundok na babaeng iyon na wala pala akong pera pantubos sa sarili ko.

"No!" Mariing tanggi ni Kaylee. "Hindi pwedeng malaman ni Tita Sammie na may ganoon kang utang. Tiyak na magtataka yon. Anong sasabihin mo?"

Napakunot yung noo ko. Is there anything I can do? E wala nga syang maipautang sakin. Alangan naman na unahin ko pa yung galit ni Mommy.

"I'll tell her the truth that I am just helping you. Maintindihan naman nila sigurado iyon. Lalo na ni Mama."

"No!" Lee's voice raised a little bit higher. "Hindi pwede!"

"Why not?"

"Mauungkat yung tungkol kay Payne!" Lee seems a bit distressed at the thought that her girlfriend will be dragged in this mess. "Ano na lang ang iisipin nila Mommy pag nalaman nila na may perang pumapasok sa account ni Payne galing sa lugar na iyon? Kaya nga sayo ko ipinagawa."

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon