Chapter 2

14 1 0
                                    

Every Step Leads to You - Chapter 2

Isang linggo na ang nakalipas mula noong nahimatay ako sa school at isang linggo na rin simula nung nakilala ko si Ashton formally. I didn't really dwell much on it and thought about weird things, I was extremely thankful to him because he helped me that day. Kung hindi niya siguro ako dinala sa clinic nakahilata lang ako roon hanggang may teacher na makakita .

Nagiisa akong nakaupo sa panghuling row sa classroom namin habang nagbabasa ng libro dahil parang matatagalan ang teacher namin, she's five minutes late. Might as well use the time to study. Time is gold, baka mamaya magpa surprise quiz na naman mga teachers namin.

"Kawawa ka naman tingnan, Yarrah. Wala nang lumalapit sa'yo no?" Nakangising lumapit si Allie sa akin, yung pinuno sa pang-aasar sa akin. Feeling nakakataas, akala mo talaga may ikakabuga. Bumusangot ako kasi nadidistract ako sa kanila. "Let's go girls, baka mahawa tayo sa ugali ng bastardang 'yan. Hambog." Tumawa siya kasama ang mga "kaibigan" niya at lumayo. Ako pa talaga hambog ngayon? Nananahimik nga yung tao eh. I don't want another pain in the ass anymore kaya hinahayaan ko nalang sila.

It's been a week now and the gossips died down, pero wala pa ring sumusubok na makipag-usap sa akin. Napakaingay ng mga kaklase ko, may nag babatuhan ng papel, naggigitara at kung ano pa.

Inabutan nalang ng recess yung teacher namin nung second period, hindi pa rin siya nakabalik.

Lumabas na lang kami pagtunog ng bell. Dumiretso ako sa canteen at bumili ng chicken sandwich at coke in a can para kumain sa mga benches sa grounds habang nagbabasa. Habang kumakain ako may nakikita akong mga students na naglalaro ng dodgeball sa gitna ng field, they look like freshmen enjoying their youth and adjusting to the high school life.

Hindi ako masyadong nakapaglaro ng ganiyan dati. Lagi lang akong sa bahay dahil hindi ako pinapayagan lumabas, wala rin akong masyadong kaibigan noong elementary. Nagka-"kaibigan" lang ako ng marami noong grade 7. Ngumingiti akong mag-isa habang ngumunguya at nakatingin sa kanilang pawisan at malalaki ang mga ngiti. Marami ring kumakain dito dahil hindi mainit kasi may mga puno.

"Mama naman, bakit ka ba kasi umalis ng maaga nang hindi ako iniiwanan ng pera pang kain? Nagugutom na ako ma." Napatigil ako sa pagkain nang marinig ang isang estudyante na may kausap sa telepono. "Tsk, sige na. Bye, ingat ka." padabog niyang ibinababa ang cellphone niya.

"Pst." tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin. I motioned him to come closer to me and lumapit naman siya. "Nagugutom ka 'di ba? Tara sama ka sakin, ililibre kita sa canteen." Ngumiti ako sabay tayo. "Huh, seryoso ka po ba? Nakakahiya naman, 'wag na po. Okay lang ako." nahiya pa siya pero hindi 'yon tatalab sa akin. "Oo, seryoso ako. . . ano nga pala pangalan mo?"

"David po, ate." simpleng sagot niya. "Sophomore?" tumango siya. Napansin ko kasi dahil sa kulay ng i.d. Strap niya. "Call me Ate Yarrah."

"Halika na, David. Baka magbago pa isip ko. Joke lang, Tara." bumigay rin siya, siguro dahil nagugutom na talaga siya.

"Ano gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Ikaw na bahala ate, okay lang ako sa kahit ano." ang typical naman ng sagot niya. Binilhan ko nalang rin siya nung tulad sa akin tapos isang brownie. Hinatid ko siya sa classroom nila bago matapos ang recess.

"Salamat talaga ng marami, Ate Yarrah. Sa totoo lang gutom na gutom na ako. Buti nalang mabuting tao ang nakarinig sa akin." ngumisi siya. "Wala 'yon, ako na naman ilibre mo next time ah?" I joked. "Oo ba!"

"Oh, would you look at this? Mga bata pala ang bet mo, Yars?" At kung minamalas ka nga naman. Bakit napadpad 'tong bruha na 'to dito? "Pumasok ka na, David. Kumain ka na. 'Wag mo na yang pansinin. Bye-bye!" Kumaway ako sa kanya at umalis agad roon.

Each Step Leads to YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu