. . . ⇢ 86 ˎˊ˗

136 13 10
                                    

awkward.

"uhm.."

"shh..!"

napanguso lang si charlotte. kanina pa kasi siya pinipigilan ni joy magsalita, saka naguguluhan na din siya kung bakit ayaw pansinin ni joy si jay na ngayon ay nasa harapan nila. plus, ang awkward lang!

oh well, hinila kasi ni charlotte si jay nang makita nila 'to.

"ano ba kasing-"

unti-unting nanlaki ang mga mata ni charlotte, muling bumalik sa isipan niya ang sinabi ni sunghoon sa kanya noon. napasulyap siya kay jay at sunod naman kay joy, parehong hindi makatingin sa isa't-isa.

shems, oo nga pala!

"joy.. hehe.. sorry."

joy just frowned. nananakit na ang leeg at likod niya dahil kanina pa siya nakayuko at hindi rin siya makagalaw dahil pakiramdam niya isang galaw niya lang, magkakatitigan na silang dalawa ng lalaking nasa harapan nila.

kahit si lucy na kasama ni jay ay nakakunot lang ang noo, nagtataka. sa halos araw-araw na pagsasama nila lucy at jay, hindi pa rin sinasabi ng binata kung ano ang totoong nangyari sa kanila ni joy.

ni-hindi na nga marinig ni lucy sa bibig ni jay ang pangalan ni joy.

"joy-"

natigilan sila sunoo, heeseung at sunghoon nang makita nila si jay kasama si lucy. agad nalipat ang tingin ni sunoo sa kaibigan niyang si joy, nakayuko ito at nararamdaman niyang nahihirapan na ito dahil sa presensya ni jay.

and the fact that jay is with lucy? kumukulo ang dugo ni sunoo kay jay.

how dare he?

"anong ginagawa niyo dito, jay hyung?" walang emosyong tanong ni sunoo.

"hinatid lang namin si mom, kayo..?" sagot ni jay at pilit na ngumiti.

"ihahatid namin si charlotte." si sunghoon na ang sumagot.

"oh, ingat sa flight."

pilit lang ding ngumiti si charlotte, kanina pa talaga siya hindi mapakali. kung naalala niya lang sana edi hindi niya na hinila si jay papunta sa kanila kaso huli na, nandito na si jay.

matapos non ay wala nang nagsalita pa. at isa lang ang masasabi ko sa sitwasyon nila ngayon, NAPAKA AWKWARD LANG TALAGA!

"hey.."

napatingin si jay kay lucy at ngumiti lang si lucy sa kanya. "cheer up."

jay smiled back. "thank y-"

"JOY!"

natigilan si jay at agad napalingon kay joy nang marinig niya ang sigaw ng mga kaibigan nila. nakita niya si joy na ngayon ay namumutla na at walang malay. nakasandal ito kay sunoo dahil bigla itong hinimatay.

jay's eyes widens, akmang lalapitan niya si joy pero bigla siyang hinarang ni charlotte. "sunghoon told me everything kaya 'wag ka na lumapit pa. can't you see? she's still in love with you at alam mong hindi pwede 'yon kaya please, 'wag kang gagawa ng bagay na mas lalo niyang ikaka-fall sa'yo."

"p-pero.. paano siya?"

charlotte smiled faintly. "kami na ang bahala sa kanya."

after that, charlotte walked away. sumunod ito kila sunoo na buhat-buhat si joy. mabuti na lang dahil may ambulance agad na available kaya nakuha kaagad si joy at madadala na sa hospital.

"you can tell me everything, i'm here." bulong ni lucy.

malungkot lang na napangiti si jay. "bakit kailangan pa sa'min mangyari 'to?"

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon