. . . ⇢ 88 ˎˊ˗

131 13 9
                                    

"joy, are you okay!?"

ayan na agad ang bumungad kila joy nang tuluyan silang makabalik. ngumiti lang si joy at niyakap sila danica at mae pero agad din silang humiwalay at ang sunod na nangyari ay hindi inaasahan ni joy.

"j-julie.."

julie hugged her.

my best friend.

"gaga ka, ayusin mo buhay mo kung gusto mo pa tumagal sa mundo." rinig ni joy na bulong ni julie saka natawa.

sa gulat ay hindi pa rin makapagsalita si joy. ang tagal na rin kasi noong huli siyang niyakap ni julie. ni-hindi nga siya pinapansin nito kahit magkasama sila sa lamay ni hera or maybe pinapansin siya pero saglit lang at iiwas na agad sa kanya.

miss niya na ang gaga niyang best friend sa totoo lang. at itong biglang pagyakap ni julie sa kanya ay sapat na para mapaiyak siya sa lungkot at tuwa. ikaw ba naman hindi pansinin ng best friend mo ng matagal, hindi ka ba magiging emosyonal?

napangiti si sunoo saka lumapit kila joy at julie. hinila niya ang dalawa para mag-group hug na parehong ikinagulat ng dalawang dalaga. pero napangiti lang si julie at niyakap pabalik sina sunoo at joy.

"i missed you mga gaga." usal ni julie dahilan para matingin lang ang dalawa sa kanya. nagtataka namang tiningnan ni julie ang dalawa. "bakit-"

hindi na natapos ni julie ang sasabihin niya nang sila sunoo at joy naman ang sumugod ng yakap sa kanya. oo, kaka-group hug lang nila kanina pero niyakap pa rin siya ng dalawa na parang mga batang ngayon lang nakita ang ina.

"gaga ka, na-miss ka rin namin. mas sobra pa sa rebisco!" ani sunoo na ikinatawa ni julie.

"putangina mo julie 'wag kang tumawa diyan, ang dami mong utang sa'min!" si joy naman ang nagsalita.

"i know and i'm really sorry. susubukan ko na limitahan ang pagiging matigas ng ulo ko."

"dapat lang!"

"iuumpog ka namin sa pader kapag inulit mo 'yon!"

"share your problems kasi gaga ka. problema mo, problema nating lahat!"

"tama, damay-damay na 'to!"

si julie at ang mga kaibigan nilang pinapanood sila ay hindi maiwasang matawa sa mga pinagsasabi nila sunoo at joy. masaya din sila dahil kahit papano may magandang nangyari matapos ang nangyari kay hera.

sana lang nandito din si jungwon.

"wait." humiwalay si joy mula kay julie at napangiti na parang sira. "nakita kita kanina kasama si heeseung, ibig bang sabihin non..?"

hindi nagdalawang-isip na tumango si julie dahilan para manlaki ang mga mata ni joy at sunoo, nagkatinginan din sila. si sunghoon ay napatingin lang kay heeseung at lihim na nag-thumbs up dahil finally, nagkausap na sila.

ngumiti lang si heeseung kasi sa totoo lang, hindi niya inaasahan na magkakaayos sila ni julie agad-agad. inaasahan niyang matagal pa o baka after mailibing si hera, who knows?

pero kanina, naunang umuwi si heeseung kaysa kila sunoo dahil may kukunin siya pero narinig niya si danica at napansing kausap nito si julie. at 'yon na nga ang dahilan ng pagkakaayos nila.

siguro?

well, hindi pa talaga ayos ang lahat. hindi pa hangga't hindi napagbabayaran nang taong gumawa ng hindi makataong-gawi kay julie. pero sa ngayon, masasabi ni heeseung na okay na sila ni julie.

"pero hindi pa kami nagkakabalikan." si heeseung ang nagsalita.

"hindi pa? bakit hindi pa, jowain mo na ulit si julie para walang takas!" ani joy.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon