Chapter 139

878 70 9
                                    


Dumiretso kami ni Otis sa tanggapan o Opisina ni Bisconde Stodge tulad ng binanggit sa akin ni Otis. Naririto na ang lahat. Sa tingin ko, mahalagang anunsyo ang ibibigay sa amin nina Vencel kaya kami pinatawag dito. Ang tanging wala lang dito ay sina Ceola at Rina, maski ang kapitan mula Afoini na si Kapitan Averescu, maigi na din siguro 'yon, para naman aliwin nila si Rina, para na din hindi magtaka 'yon kung bakit hindi ko muna siya masasamahan o makakausap muna. Dahil ang totoo niyan kaya kami naparito ay dahil sa pakiusap mismo ni Bisconde Stodge at ngayong araw mag-uumpisa ang misyo na personal na ibinigay sa amin ni Vencel.

Pareho kami nagbigay-pugay sa mga naririto. Lahat ng prinsipe mula sa limang Imperyono ang tanging nakausap nina Vencel at ng Bisconde, maliban lang sa mga kapatid ko at sa mga kapatid ni Otis pero ngayon, naririto na sila, maliban naman kay Raegan dahil kausap nito ngayon si Binibining Miva na palihim kong ipinagdadasal na sana ay maging maayos na sila. Pero ipinagtataka ko lang kung may alam din ba sina Vencel, Eomund at Cederic na may isa pang Eryndor? Iyon ay ang anak ni Raegan pero base sa kwento ni Binibining Miva, wala na ito at namatay.


Kahit na labis na ikinalulungkot ko sa nangyari sa kanilang relasyon, kailangan ko pa rin maging focus sa magiging misyon. Kailangan ko muna isantabi ang personal kong nararamdaman sa trabaho namin. Kailangan munang unahin ay ang kaligtasan nina Maria at ang pamilya nito. Pati na din ang mamamayan ng Corbin. Hindi dapat sila madamay ni isa sa kanila. Hindi rin maalis sa isipan ko ang misyon din na ibinigay ko mismo kay Berrian, hinihiling ko na sana ay maging tagumpay din siya, ang hanapin ang partikular na tao na 'yon sa lalo madaling panahon. Kung hindi man niya mahanap ito, sana ay makakuha din siya ng maraming impormasyon mula sa labing dalawang taon nang nakalipas.

"Ngayon ay naririto na ang lahat." seryosong panimula ni Vencel. Prente siyang nakaupo sa sofa na pang-isahang tao lamang ang maaaring umupo doon. "Natatandaan ninyo pa naman siguro kung ano ang pakay natin dito sa Corbin."

"Opo, kamahalan." sabay naming tugon.

"Hangga't maaari, huwag na huwag ninyong ipapahalata na may ibang pakay pa tayo kaya't tayo naririto." sunod niyang sinabi saka humalukipkip siya't nagdekwatro. Binalingan niya ang Bisconde. "May balita na ba sa mga araw na nagdaan? Patuloy pa rin ba sila nagpapadala ng liham ng pagbabanta?"

"Ang totoo po niyan, patuloy pa rin po ako pinapadalhan ng mga liham, kamahalan. Subalit, mas lumala po ang nakasaad doon. Sinasabi po nila na kapag hindi ko pa rin daw po ibibigay ang kanilang hinihingi, nagbabalak na daw po silang dukutin at paslangin ang aking panganay na anak na si Maria." halos manginig na ang kaniyang boses.

"A-ano?" hindi kami makapaniwala, lalo na si Calevi.

Nagtiim-bagang siya. "Mga walang hiya, mga tampalasan." matigas niyang sambit. "Sa oras na mahuli ko sila, hinding hindi ako magdadalawang-isip na unahan sila."

"Huminahon ka muna, Calevi." kalmadong pigil ni Otis. "Bago mo man gawin ang bagay na 'yan, mas maganda siguro kung malaman muna natin kung saan nila gagamitin ang mahiwagang bato na 'yon. Kung ano ang pinakarason nila kung bakit masyadong malaki ang interes nilang maangkin ang bagay na 'yon."

"Tama si Prinsipe Otis, Prinsipe Calevi." sang-ayon ni Prinipe Ting Fei. "Sa oras na makuha natin ang lahat ng kasagutan, malaya mo nang gawin kung ano ang kaparusahan na ipapataw mo sa kaniya... O sa kanila."

"Pero natatandaan ninyo naman ang sinabi sa atin ng kasalukuyang pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong-ilalim, sa pamamagitan ng mahiwagang bato na 'yon, ito rin ang isa sa mga susi upang gumising ng isang tao mula sa pagkahimlay, kahit anong nilalang pa." wika naman ni Dilston. "Naisip ko lang, hindi kaya nagtatrabaho ang mga ito sa mga sinasabing demonyo upang gisingin ang kanilang Panginoon?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon