Chapter 6

7.6K 554 221
                                    

Tris

Ipinikit ko ng mariin yung mata ko nang marinig yung mahinang pagpinid ng pinto ng kwarto.

Eris is back.

That damn kid!

Eksperimento. That's what she's just after me. Damn her! How could I ever forget na isa pa din itong Silva? Para sa mga gaya nitong sobrang lohikal mag-isip, yung mga bagay na ginagawa ng mga ito ay siguradong laging may lohikal na rason.

Ganito ba ito pinalaki ng mga magulang nito? Cold. Distant. Gago.

How could she say such thing about intimacy and union? That's so valuable for our family. Pero kung makapagsalita ito akala mo nakikipagtawaran lang ito sa palengke ng bagay na gusto nitong makuha.

But she got a point, Tris. She's too logical and and realistic. Hindi sya kagaya ng mga tao sa paligid mo na pinapaganda ang mga bagay bagay.

Laging sinasabi ni Mama na tanging kay Elle lang daw ako nababagay. Yung mga ganoon kaganda. Matangkad. Appealing. Charming. Nakakaakit sa mata. Well-mannered. May magandang reputasyon yung pamilya.

Mga bagay na wala si Eris.

Lumaki ito sa Isla na malayo sa mga tao. That's why it isn't surprising that her choices is limited to our circle. Sa mga anak ng mga kaibigan ng magulang nito.

Besides, Eris doesn't have a good reputation as a Silva. May pagkasiraulo at baliw pa naman ang mga ito. They might be geniuses but the thin line between intelligence and madness is quite risky to take. Kaya naman walang nagkakagusto sa mga ito.

Siguro lumaki ito na tanggap na yung mga bagay na iyon. At marahil dahil na lang din sa sobrang taas ng ego nito ay hindi na ito umaasa na may mahahanap itong matino na magkakagusto dito. Kaya siguro ganoon na lang yung hinahanap nito sa mga tao sa paligid nya.

A one-time thing. No strings attached. No emotions involve than that momentary lust. Just like that.

Urgh! Kaya hindi talaga ako pwedeng maakit sa babae na yan. Hindi talaga pwede.

Goodness, Tris. Focus on your goal, okay? Kay Elle ka nababagay. Mataas ang standards mo. Don't stoop that low. Seriously, sa Monkey na iyon? Walang manners yang Eris na yan. Hindi din kagandahan. Pandak pa. Peke lahat ng dokumento nyan panigurado. So Nah. Na-da. Ta-da. Not with that woman.

Lalo akong napapikit ng mariin nang maalala yung kakaibang naramdaman ko habang kadikit ko yung unggoy na iyon kanina.

Yung pagkailang. Yung mainit na pagdaloy ng dugo sa katawan ko na para bang nabuhayan nang madikit dito. Yung para akong minamagneto na manatili lang sa tabi nito kahit pa nakakapaso iyon.

Why does it felt different? Why is it arousing strange emotions from me? Imposibleng attracted ako sa kutong-lupa na yan. Pero bakit nagrereact yung katawan ko gayung kanina doon sa babae sa bar ay pigil na pigil ko yung sarili ko na masuka habang hinahawakan ako? At sa huli, ay hindi ko din napigilan ang masuka.

Holy cow! What was that?

Bakit sa iba nandidiri ako ng husto? Bakit?

Napamulat lang ako nang marinig yung mahinang paglapat ulit ng sumaradong pintuan. Malamang ay nasa banyo na si Eris para maligo.

Sa isiping iyon ay napabangon ako at napaupo sa kama. Nilalamig na inangat ko yung binti ko at niyakap yung tuhod ko. Ipinatong ko yung baba ko doon habang mataman na nakatingin sa nakasaradong pinto.

What should I do? Am I really not that curious to dwell with the strange emotions I am having with Eris?

Paano kung ito pala yung daan para maging normal ako?

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon