KABANATA CCIII

4.9K 27 3
                                    

"Hindi niya ako kapatid pero kilala ko siya at hindi niya magagawang magnakaw!" Mahinahong sagot ni Shelly.

"Pero isang fact na nagnakaw siya." Sabi ng pulis. Dagdag pa nito sa mga magulang ni Darryl. "Totoong nagnakaw ang anak ninyo ng ilang cellphones."

Sobrang secretive ang undercover na ginagawa nila at Walang ibang dapat makaalam nito. Peri ayon sa kanilang standard operating procedures ay dapat na ipaalam ito sa miyembro ng pamilya.

Nagsalita ang naiinis at hindi makapaniwalang si Luna. "Si Darryl? Magnanakaw ng mga cellphone? Impossible. Presidente siya ng korporasyon at napaka successful niya kaya bakit naman siya gagawa ng ganoong bagay? Isa itong pagkakamali."

Nagsalita ang nabulabog at naiinis na si Daniel habang nasa higaan, ""Oo, isa itong pagkakamali! Kinamumuhian ni Darryl ang mga magnanakaw mula noong bata pa lamang siya. Kaya bakit naman magiging isa siya sa mga ito?"

Inabot ng pulis ang file at propesyunal na sinabi, "Yun ang hindi ko alam, pero tingnan niyo na lamang ang file kung iniisip ninyong nahuli namin ang maling tao."

Napaupo sa sahig si Luna at Daniel nang makita si Darryl na nakasuot ng inmate uniform.

....

Pamilya Lyndons.

Nasa living room ang naka long dress na si Lily habang nakaupo at kumakanta ng live sa harap ng computer. Sobrang ganda niya.

Malaki ang ngiti ni Samantha nang samahan niyo si Lily. Nagsimula sa ilang daang fans at matapos lamang ang ilang araw ay dumami na ang views ni Lily sa kaniyang live stream at umabit ng libo libong daan ang views! Mahalaga ang mabilis na pagdami ng views sa live streaming platform.

Biglang nag-appear ang misteryosong fan ni Lily na si Hill. Nagssend ito ng mga 'regalo' na nagkakahalaga ng libo-libong daan dahilan kung bakit sumikat ang live stream ni Lily at nag appear sa main page ng app.

Sobrang na-excite si Lily at gusto nitong magpasalamat. Pero sa tuwing natatapos itong magsend ng mga regalo ay kaagad itong nag-ooffline.

"Lily, mukhang mahal na mahal ka ng fan na iyon. Siguro ay isa siyang boss ng malaking kumpanya kaya dapat kang mag maintain ng mabuting pakikisama sa kaniya." Masayang sabi ni Samantha.

Tumango si Lily, kung hindi dahil kay Hill ay hindi siya masyadong kikita ng pera.

"Napansin ko rin na hindi nababawasan ang views kahit na hindi ka masyado naglalive stream ng ilang araw. Nirerecomend ka pa rin ng Longya Live Stream, bakit kaya?" Nagtatakang sabi ni Samantha.

"Siguro kasi maganda ako?" Masiglang sabi ni Lily.

Natawa ang dalawa. "Siguro nga! Ang anak ko ang pinakamaganda." Dagdag pa ni Samantha.

RING!

Nagtatakang nagtinginan ang dalawa nang biglang nag ring ang phone ni Lily.

110? Emergency number? Baka scam call to.

"Siguradong scammer yan! Tingnan natin kung ano ang magagawa ko sa caller na ito." Sabi ni Samantha at sinagot ang tawag nang naka loudspeaker.

"Hello, ito ba si Ms. Lyndon? Mula ako sa city police." Sabi ng isang lalaki.

Alam nila ang pangalan nito! Mukhang hindi naman scam.

"Ako nga, anong problema?" Sagot ni Lily.

"Naaresto ang asawa mong si Darryl Darby dahil sa mga krimen na nagawa nito." Malinaw na sabi ng officer.

Ano?

Nanginginig at kinakabahan na nagsalita si Lily. "Anong ginawa niya?"

"Nagnakaw siya ng dalawang iPhone. Umamin naman siya kaagad nang mahuli at pinatawad ng may ari ng store. Pero may sestensyang dalawang buwan na pagkakabilanggo ang ginawa niya." Eksplanasyon ng officer at sabay baba ng tawag.

Hindi napigilan ni Samantha na matawa. "Lily, tingnan mo ang talunan na iyan! Nagnakaw pa siya ng iPhones? Isang kahihiyan! Nakakagalaw ng maayos ang lalaking iyan pero nagnanakaw lang? Sinasabi ko sayo, pinakamagandang desisyon ang ginawa mo na iwan siya."

"Pero..." Napakagat ng labi si Lily. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Darryl. Pero pulis na ang nagparating ng balita at sino namang mamemeke noon?

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now