28. Gallant

280 42 4
                                    

Farrah

"Anong gusto mong gawin ko sa iyong buhok, kamahalan?" Tanong ni Aida habang inuusisa ang aking buhok.

"Kahit tirintasin mo na lamang ito upang hindi sagabal sa mukha ko, salamat." Sagot ko.

Tiningnan ko ang kabuuan ng aking sarili sa tapat ng salamin habang nakaupo sa upuan.

Komportableng kayumanggi na blusa at itim na pantalon ang suot ko ngayon. Boots naman ang nasa paa ko at itim na gloves sa kamay.

"Kapatid ko? Nakahanda na ang sasakyan." Pag-katok ni Aifrel.

"Pumasok ka muna at hintayin ako." Bilin ko.

Agad naman s'yang pumasok at dumeretso sa kama ko. Kita ko lamang s'ya mula sa repleksyon ng salamin kaya alam ko ang kanyang ginagawa.

Humilata s'ya sa kama na animo'y pagod na pagod.

"Anong nangyari sa'yo?" Marahan akong humagikgik.

Napabuntong hininga lamang s'ya, "hindi ko alam na mas mahirap pala mag-handa ng kalesa kaysa makipaglaban sa gera." Anito.

Napatawa ako sa kanyang sinabi, "huwag ka nga mag-salita na parang wala kang nalalaman sa mundong 'to."

Kung makukumbinsi ko ang heneral ng silangang kabalyero, sana mag-tuloy-tuloy na ang swerte bago sa araw ng aking paglisan.

"Farrah!"

Napatigil kami nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko kilala ang boses ng babae.

'Bagong kikilalanin nanaman? Hayst'

Agad na bumangon si Aifrel at tumayo sa pinto kasabay ng pagpasok ng babae.

"Kumusta Aifrel, gusto ko sanang batiin si Farrah."

Sumilip ako sa kanila at kita ko ang babae na dumudungaw upang masilip ako ngunit nakaharang si Aifrel.

"Batiin saan?" Seryoso ang tindig ng kapatid ko.

"Kalma Aifrel, hindi naman ako lilikha ng gulo."

"Kilala kita Krishanj, bakit ka pumarito? Ano ang iyong pakay?" Hindi nagpatinag si Aifrel.

Mahinhing tumawa ang dalaga, "kukumustahin ko nga lamang ang prinsesa atsaka narito ang kambal kaya 'wag ka ngang hibang d'yan."

"Tsk, siguraduhin mo lang."

Nagbigay daan si Aifrel sa kanya upang makapasok s'ya sa silid at lumapit sa'kin.

Nagtama ang mga mata namin mula sa repleksyon ng salamin. Napakaganda n'yang bata...

"Kumusta Prinsesa Farrah, nabalitaan ko ang pangyayari mula sa silangan na nilalaglag ka ng Prinsesa Penelope." Ngumiti s'ya. Ngiti ng kaplastikan.

"S-saan mo nalaman 'yan?" Pagtataka ni Aifrel.

"R'yan lang sa tabi-tabi." She dumbfounded.

"Wala kang dapat ipag-alala rito munting prinsesa, maayos na at planado ang lahat." Sambit ko.

Pagkatapos ayusin ang buhok ko ay tumayo na ako at humarap sa kanya, "ayoko nang malaman ng iba ang tungkol sa isyu na 'yun. Hindi tayo magkakasya sa loob ng hukuman."

"Patawad ngunit.. may tainga ang lupa at may pakpak ang balita." Ngisi nito.

"Krishanj! Napakagaling mo talaga mag-kalat ng balita." Iritadong si Aifrel.

"Hindi ako ang nagpakalat..." aniya sabay iling.

"Sino?" Tanong ko.

"Si Crishen." Paninisi nito sa ibang tao.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon