29. Duo

264 36 5
                                    

Farrah

Nagising ako nang bumuhos ang malakas na ulan.

Nakatulog pala ako sa hita ni Aifrel. Look how careless I am.

"Na-istorbo ba kita?" Tanong n'ya nang bumangon ako.

Umiling ako at hindi bumigkas ng mga salita.

"Hana."

Lumingon ako kay Aifrel,

na sana'y hindi ko na lamang ginawa, kingina.

Hinugot n'ya ang gintuang kutsilyo mula sa loob ng kanyang kasuotan.

"Farrah ang pangalan mo kapatid ko, kaya pala iba ang kilos mo noong mga nakaraang araw." Kalmadong sambit n'ya at itinutok sa leeg ko ang kutsilyo.

Inilabas ko rin ang gintuang kutsilyo ko at dahan-dahang inilapit sa tagiliran n'ya.

"Malaking bagay ba para sa'yo 'yon?" Nakipaglaban pa ako ng tingin.

"Wala ka nang dapat itago Farrah dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag, si Fergus na mismo ang nag-sabi sa'kin... noong nasa silangan pa tayo." Seryosong anito.

'T*ngina, si Fergus...'

"Pinag-bantaan mo si Fergus? Nag-hahanap ka talaga ng away, kapatid ko." Idiniin ko ang kutsilyo sa kanyang tagiliran.

"Wag mo 'kong tawaging kapatid."

Sumuko na ako. Wala na akong magagawa, dahil alam ko ang kayang gawin ng kapatid nitong prinsesa.

"Sh*t..." lumayo ako mula sa kanya.

"Kung hindi lamang nagpaliwanag si Fergus tungkol sa'yo tiyak na kinitil ko na ang buhay mo ngayon." Anito at tinago na ang kutsilyo.

Pareho kaming tumahimik. Ni-isa ay walang bumasag sa katahimikan at ang tanging ingay lamang ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ng pag-kidlat.

Hindi ako makatiis, lalo na kung katabi ko lang ang katampuhan ko... jusko.

"Aifrel..." Usal ko at tumingin sa kanya, at syempre dahil nga may tampuhan ay 'di n'ya ako pinansin.

"Humihingi ako ng pasensya sa hindi pag-sabi ng totoo, hindi man ako taga-rito ngunit alam ko ang iilang patakaran dito at alam kong kapag nalaman n'yo na hindi ako ang prinsesa tiyak na papaslangin-"

"Wala kang kasalanan, nadamay ka lang din naman sa mundong 'to." Kalmado ang kanyang tinig habang nakaiwas pa rin ang tingin.

"Si Farrah ang dapat sisihin, ngayo'y inaako mo lahat ng problema at responsibilidad n'ya." Sambit n'ya.

'Tama s'ya... pero nag-sinungaling pa rin ako...'

Bumuntong hininga ako, "pero-"

Hinila n'ya ako at pinahinga sa kanyang dibdib ang aking ulo, "tumahimik ka nga muna dahil simula ngayon, sa ating dalawa'y ako na ang mas matanda."

"Anong pinagsasabi mo?" Pagtataka ko.

"Katahimikan, prinsesa." Anito.

'Siraulong Aifrel.'

"Teka, matagal pa ba ang byahe? Tiyak na binabaha na roon ang kaharian ng silangan." Aniko at lumayo ng kaunti sa kanya.

Naka-dekwatro s'ya habang nakatingin sa bintana.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi na ikaw ang dating Farrah, tiyak na mas lalaki ang gulo kung ikaw ang mamumuno sa emperyo." Sambit nito.

"Wala naman talaga akong balak na pamunuan ang emperyo at isa pa! Diba aalis na ako rito kaya tiyak na matatahimik na ang lahat." Positibo ang aking tindig.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon