30. Condition

286 37 3
                                    

Farrah

"Ayoko."

"T-teka-"

"Paalisin n'yo ang prinsesa sa harapan ko."

'Teka lang kingina hindi pa ako tapos mag-salita.'

"Ano ba ang kailangan mo upang makinig ka muna sa'kin, heneral?!" Napataas ang aking boses.

Ngumisi s'ya, "lumuhod ka at mag-makaawa."

Upang hindi na mapahaba ang aming pag-uusap ay mabilis kong sinunod ang kanyang kondisyon.

Lumuhod ako, "heneral, nagmamakaawa ako sa ngalan ng gitnang emperyo... kailangan ko ang tulong n'yo sa Killaro, ngayon din."

"Hindi pa ako kontento, halikan mo sapatos ko-"

"HENERAL?" bungad ng kanyang mga kabalyero.

"Nag-bibiro lamang ako. Hinding-hindi ka sa'kin magmamakaawa prinsesa kaya tiyak na kakailanganin mo talaga kami." Anito at inayos ang kan'yang pustura.

"Ayusin mo nga ang iyong tayo at maghanda ka na, aayusin ko ang magiging iyong kagamitan."

Agad akong tumayo nang alalayan n'ya ako, "ano ba ang gusto mong gamitin mahal na prinsesa? Espada? O may gusto ka pang gamitin?" Tanong nito habang naglalakad kami palabas ng opisina.

Maliwanag na ang kalangitan ngunit basa ang kapaligiran.

Nag-isip-isip ako.

"Pana... gagamit ako ng pana at sasama ako roon." Sabi ko.

"Ang katapangan ng prinsesa, sige... Vernon, ihanda mo ang magagandang disenyo ng mga pana at ipakita mo ang iba't ibang uri ng lason na pwedeng ilagay sa pana."

Agad na kumilos si Vernon upang kunin ang ibat-ibang klase ng pana. Nga pala, si Vernon ang nag-hatid sa'kin sa opisina kanina.

"Hindi ka maaaring sumama sa gera kung hindi ka pa nakakapag-ensayo." Bilin nito.

"Kaya ko namang mag-ensayo, heneral." Sambit ko.

Nang makabalik si Vernon ay bitbit n'ya ang iba't ibang klase ng pana sa kanyang balikat, "narito na, heneral."

Nga pala ang heneral ng silangan ay siguro'y nasa singkwenta na ang edad.

"Sige na iha, pumili ka."

Lumapit ako kay Vernon at pumili ng pana na may iba't ibang disenyo. Agaw tingin ko ang isang pana na yari sa ginto at disenyo ng dragon.

"Kung may napili ka na, maaari na ba nating subukan?" Nagsimulang maglakad ang heneral kaya sumunod lang ulit ako bitbit ang pana.

Nakarating kami sa malapad na lugar kung saan pwede mag-ensayo ng pana dahil mayroong target sa 'di kalayuan.

'Di ko naman aakalain na maraming manonood na kabalyero rito. Sumulpot tuloy hiya ko.

Inabot sa'kin ni Vernon ang bala ng pana kaya sinubukan ko na iyon.

Mas matigas ang tali, mahirap ibalanse ang bala sa pana. Talagang napakahirap nito, walang halong biro.

"Kamahalan, marunong ka ba talaga nito?" Tanong ng heneral.

Teka...

Tama! Nahihirapan ako ngayon sa paggamit ng pana dahil katawan ito ng prinsesa at tiyak na wala pa s'yang karanasan sa paggamit nito.

"Oo tiyak ako." Sagot ko at inayos ang aking pustura. Kaunting pagsasanay lamang ay makukuha ko rin ang tamang paggamit nito.

Nanginginig pa ang kamay ko nang binitawan na ang pana at maganda naman ang kinalabasan nun. Marunong pa rin naman ako gumamit.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon