Chapter 9

7.4K 557 174
                                    

Eris

"Hella bananas! You did what!?"

"Tone down your voice, Harrice. Ano ka ba?" I rolled my eyes at her before pulling her arm to get her back on her seat.

Kasalukuyan kaming nasa Japanese Resto na malapit sa bahay nila ni Elle.

"Sweet sugar! Sweet sugar!" paulit-ulit na mura nito habang napapakamot sa pisngi. "Are you nuts? Nagsayang ka ng pera sa babaeng iyon!? Gosh, Is! Daig mo pa yung mga matatandang hukluban na may isang dosenang sugar babies. Kadiri ka!"

"Ang OA mo."

"OA?" Pinanlakihan ako nito ng mata. "Ako, OA? Crappy cakes ka oy! Anong katangahan ang sumanib sayo para magbayad ng ganon kalaki? Hindi naman yummy yon si Tris."

"I can't affirm it yet. Di ko pa natitikman. Balitaan kita pag natikman ko na."

Sinamaan ako nito ng tingin. Mukhang gusto na ako nitong sapakin. "Nagbayad ka ng Fifty Million tapos wala lang? Jusko ka, Is. Malala ka na talaga. Ginto ba yung ano ng babaeng iyon? Jusko ka talaga!"

Nagkibit-balikat ako. Kung may pera lang talaga ako na pambayad dito ay hinding-hindi ako aamin kung saan ko ginastos yung pera nito. Kaso nga lang ay wala talaga.

In fact, tanging fifteen million lang ang naibalik ko dito dahil ayun lang ang laman ng savings ko. Hindi ko na nga alam kung paano ako hihingi kay Mom ng pera.

Guess I have to find extra jobs soon. Hindi ko na yata kayang buhayin yung sarili ko.

"Look, I can't justify what I did." Pagpapaintindi ko dito. Totoo naman kasi na hindi ako nag-isip noon. Maybe it was just my ego talking that time. "It's just one of the rarest spur of the moment where my braincells suddenly stop working, Harrie. So please don't ask me questions I couldn't give you any justifiable answers. Kasi walang ganon."

Natigilan ito sa sinagot ko. It finally dawn into her na wala na itong magagawa dahil tapos na nga. Nangyari na. Nandyan na. Wala na yung pera nito at hindi na namin mababawi pa.

Itinulak ko sa harap ni Harrice lahat ng pagkain sa mesa. Baka gutumin ito pagkatapos magalit.

"May gusto ka ba kay Tris?" kumalma na ito ng bahagya at saka bumalik sa upuan ng makita yung mga pagkain.

Kumuha ako ng sushi at isinubo dito. "Her body." walang gatol na sagot ko.

"Her body? Gosh, Eris! Akala ko mga hunk ang type mo?"

"Hunk naman si Tris aa?"

"Hunk?" Hindi makapaniwalang ulit nito. "Babae si Tris, Eris. Hunk is something you're only using for male personas. Anong hunk sa katawang yon ni Tris? Konti na lang at liliparin na nga iyon sa sobrang payat. Para na syang naglalakad na poste.

"Wrong." I argued back. "Hunk can be a large piece of something. Tris fits perfectly into that. Saka anong naglalakad na poste? Can't you see those muscles in their perfect places? Mas may boobs pa nga yon kesa sayo. Makapanglait ka dyan."

Sumimangot ito bago napatingin sa katawan nito." Kapal mo, woy! Elle can't even keep her hands off me."

"Mahal ka non e. Malamang."

"Mas sexy at hot pa din ako kesa kay Tris. Hindi ako papayag!"

I rolled my eyes. "Maitim ka ba? Anong laban mo sa Negra na yon na literal na nasunog na sa sobrang pagka-hot? Lahat naglalaway don."

"Hindi ako kasama sa lahat na naglalaway doon." Giit nito. "Naglalaway ka don? Kadiri ka."

"Appreciating someone's appeal is not a bad thing, Harrice. And please, stop subjecting me as one of the word lahat. I just find her hot. Pero di sapat maglaway ako. Kadiri yon."

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon