. . . ⇢ 91 ˎˊ˗

120 12 1
                                    

"cyril.."

"i left jake, okay na ba?"

hindi nakasagot si sylvia nang isagot 'yon ni cyril. nandito siya ngayon dahil may dinner sila at para na rin mapag-usapan kung ano ang magiging plano nila cyril at victon ngayong magsisimula na sila magsama bilang mag-asawa.

nang pumunta mag-isa si cyril dito, ibig sabihin non kusa na niyang tinatanggap si victon as her husband pero gagawin niya lang 'yon para sa mom niya dahil ayaw niya namang mawala ang pinaghirapan nito dahil lang sa kanya.

hindi niya kayang maging selfish pagdating sa pamilya niya.

gusto yakapin ni sylvia ang anak para i-comfort ito pero wala siyang kapal ng mukha para gawin 'yon. nahihiya na nga siyang hawakan ang anak dahil siya ang nagpilit dito na iwan si jake.

si jake na tumanggap at nagmahal kay cyril ng buo sa kabila ng lahat.

"i-i'm sorry.."

hindi sumagot si cyril at nauna na naglakad papunta sa dining area, iniwan si sylvia na napabuntong hininga na lang saka sumunod dito. pagkadating nila, bumungad sa kanila si mrs at mr. lee- victon's parents.

binati nila si cyril at bilang hindi bastos na bata, pinilit pa rin ni cyril ang sarili na ngumiti. sinenyasan siya nito na umupo na kaya 'yon ang ginawa niya. napatingin pa siya kay victon na nakatingin din pala sa kanya.

cyril just smiled faintly which made victon startle.

what was that? nagpapaawa ba siya sa'kin?

nagsasalita na sina mrs. lee sa unahan pero nananatili pa ring nakatingin si victon sa kanyang harapan- kay cyril na tila wala sa sariling tinutusok-tusok ang steak gamit ang tinidor tapos biglang bubuntong hininga.

victon shook his head, sinusubukan niyang 'wag pansinin ang presensya ni cyril pero hindi niya magawa. ang buong presensya nito ay nababalutan ng kalungkutan at hindi alam ni victon pero may kung anong meron kay cyril na nagpapahatak sa kanya na kaawaan ang dalagang nasa harapan niya.

"she looks pure.." mahinang usal ni victon sa kanyang sarili.

tuloy, hindi alam ni victon kung tama ba ang ginawa niya o ano. gusto niya lang naman talaga ng laro, ng thrill kasi bored siya kaya naisipan niyang sirain si cyril na wife niya daw kuno at ang boyfriend nitong si jake.

at 'yon naman ang nangyari, nasira niya ang relasyon nila at dapat masaya siya ngayon dahil successful siya sa ginawa niya pero bakit ganito? bakit imbis na maging masaya ay naaawa lang siya para kay cy?

"so victon, son, where's your brother?"

nabalik sa sarili si victon nang tanungin siya ng kanyang ama. napatingin siya sa kabuuan at doon lang napansing wala pala si damon sa dining table. napakunot ang noo niya at saglit na napaisip.

"i'm not sure but i think he went out with his friend." he answered.

hindi talaga siya sigurado kasi kung saan-saan lang naman nagpupunta ang kapatid niya kaya 'yon na lang ang sinabi niya. tumango lang ang parents niya at muling bumaling kay cyril.

"cyril, hija, how do you feel now that you're with your husband?"

muntik na masamid si victon sa itinanong ng mom niya sa dalaga. kunot noo niya itong tiningnan na nakatingin lang kay cyril. hindi makapaniwala si victon na 'yon ang itatanong ng ina niya e halata namang dinaan lang nila sa takot para sumama ito sa kanya.

cyril went silent for a moment, she heaved a sigh as he faced her. "to tell you the truth.. i'm not happy, i'm in pain after leaving my boyfriend."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon