. . . ⇢ 92 ˎˊ˗

128 10 4
                                    

"hyung, sigurado ka bang dito talaga 'yon?"

napakamot si heeseung sa ulo niya. honestly, hindi siya sure pero nag-search naman siya kung saan nakatira sila victon at ito ang binigay na address. but it seems like walang tao sa bahay na nasa harapan nila.

"sabi ito daw, don't tell me mali 'yung info na binigay ni google sa'kin?" sagot ni heeseung.

napabuntong hininga na lang si jake at akmang lalabas ng sasakyan nang pigilan siya ni heeseung. umiling-iling lang ang nakakatanda dahil hindi pwedeng may makakita kay jake dahil wanted siya ngayon sa kidnapping kuno.

"hyung-"

"no. diyan ka lang, magtatanong-tanong ako."

napangiwi si jake. "as if may gising pa, anong oras na kaya tayo nakarating."

"wow, kasalanan ko bang traffic? saka dumaan ako sa shortcut dahil baka may checkpoint at makita ka pa nila." dahilan ni heeseung.

"edi sa guard ka magtanong?"

"jake, you're the one who told me earlier na kilala ang pamilya nila at baka kapag tinanong ko e mapagkamalan pa 'kong masamang tao, edi hinabol ako ng baril non?" react ni heeseung na mas lalong ikinangiwi ni jake.

"ang oa mo, hyung."

"talaga? ha ha, salamat."

napailing-iling na lang si jake saka muling ibinaling ang tingin sa bahay na nasa harapan nila. nasa malayo sila dahil nag-iingat din sila at hindi nagpapahalata na may hinahanap sila.

sa totoo nan, sa likuran nga lang dumaan si heeseung para makapasok sa private subdivision na 'to and thank goodness dahil walang bantay sa likod. kung sa unahan kasi ay mag-iinterview pa at hahanapan ka ng appointment chuchu saka ic-check ang sasakyan mo.

imba talaga kapag yamanin ang mga nakatira sa isang subdivision.

"heeseung?"

parehong gulat na napatingin sila jake at heeseung sa unahan nang may biglang magsalita. otomatikong nagkuyom ang magkabilang kamao ni heeseung matapos makita kung sino ito.

kahit saan talaga may mga demonyong gala.

"damon."

tumaas lang ang kilay ni damon saka napasulyap sa sasakyan, napansin niyang may nakasilip doon kaya naman lumapit siya. pero hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay pinigilan na agad siya ni heeseung.

"anong ginagawa mo dito?"

natigilan si damon at napatingin kay heeseung. "this is our subdivision, how about you? at bakit may kasama kang kidnapper?"

parehong nanlaki ang mga mata nila heeseung at jake nang marinig nila 'yon mula kay damon. hindi nila inaasahan na mamumukhaan siya ni damon dahil nakatago naman si jake sa loob ng sasakyan!

"k-kidnapper?"

"sim jake. alam mo bang pinaghahanap siya ng mga pulis ngayon?"

jake clenched his fist, pinipigilan niyang lumabas para sugurin si damon. hindi niya maintindihan kung bakit ganito 'to magsalita. pakiramdam tuloy ni jake may alam si damon sa nangyari sa kanya.

no way in hell na magkakilala sila ni victon-

"if you were looking for cyril, umalis siya kasama si victon. i heard they're going to states."

jake froze. hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ni damon. so magkasabwat sila? kilala niya si victon? at ano daw? umalis si cyril kasama si victon para pumunta sa states?

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon