thirty five

102 11 0
                                    

" Luna , sino yang kasama ni Riki ? Taga ibang school ba yan ? " Tanong ni Kian . Kanina pa kasi niya tinitingnan ang kasama ni Riki .

Nasa gate sila ng school at nag aantay na ng sundo . Sina Riki at Ara naman ay nakatayo , di kalayuan sa kanila kasama ang mga kaklase ni Riki na para bang pinapakilala nito si Ara sa kanila  .

" Ahh , si Ara yan . Riki's friend from Japan , nagbabakasyon dito "

" Friend lang ba yan ? Eh kung makadikit kay Riki eh parang jowa niya lang ." Sabi pa ni Sunoo sabay taas ng kilay niya . Sa totoo lang ay kanina pa nakikita yon ni Luna pero hindi nalang niya pinapansin .

" Hayaan mo na , ganyan talaga sila . "

" Eh , ganyan din kayo dati eh .. nagbakasyon lang , nag iba na . May nangyari ba na di ko alam ?"

" Si marites ka ba ? Bakit ka nagtatanong ? Tara na nga !" Pag iba niya sa usapan para di na magtanong pa si Kian .. naiirita na rin kasi siya kapag naiisip sina Riki at Ara .

Aalis na sana si Luna nang bigla nalang dumating ang sasakyan ni Ethan . Siguro ay susunduin ang kapatid nito .

" Saan ka pupunta , Luna ?" Tanong ni Ethan nang makalabas ito sa sasakyan . Lumapit na din sina Riki sa kanila .

" Sasabay nalang ako kay Kian , kuya . Di pa dumadating si papa ." She explained

" Riki , samahan mo nga itong si Luna .. gagala lang kami ni Ara " utos ni Ethan pero tiningnan lang siya ng kapatid .

Feeling naman ni Luna eh ayaw siyang kasama ni Riki kasi parang labag sa loob niya ang inuutos sa kanya ng kuya niya .

" Huwag na kuya , isama niyo nalang siya . May kasama naman na akong umuwi . Ayokong makaabala sa iba "

Si Kian na nakatingin lang sa kanila ay bumulong nalang sa sarili "ayaw daw nakaabala sa iba tas ako yung aabalahin   tss!"

" Ahh hinde ! Ikaw Riki , sabay kayo ni Luna . Ikaw naman Ara , sumama ka sakin " sabi lang ni Ethan sabay hila kay Ara na mukhang ayaw din sumama sa kanya . Nakabusangot lang ito habang hinihila ni Ethan papunta sa sasakyan nito . May gusto kasi siyang puntahan na lugar kasama si Riki .

Si Kian , na halata naman ang gustong mangyari ni Ethan ay dali dali ding umalis sa tabi ng dalawa . Ethan even gave him a look earlier na para bang inuutusan itong umalis . At dahil awkward na din naman ang sitwasyon at ayaw niyang maging third wheel , umalis nalang siya . Wala din naman silang usapan ni Luna na sasabay ito pauwi sa kanya . At isa pa , hindi naman same way papunta sa kanila .

Aalis na din sana si Luna nang mapansin nitong wala na si Kian pero biglang tumikhim si Riki .

" Umm , Luna " he said while staring directly in her eyes .. na para bang nakikita nito pati kaluluwa ni Luna .

Na estatwa na lamang siya dahil napaka intimidating ng mga tingin nito .

" Halika ka na " dagdag pa ni Riki dahil di naman nakapagsalita si Luna . Unconsciously , she nods lightly that Riki understood as yes .

Sumunod naman si Luna sa kanya kahit na alam nitong mali ang dinadaanan ni Riki . Sa kabila sila dapat dadaan if uuwi sila . Pero kahit na ganon ay hindi nalang kumibo si Luna at nakasunod parin ito sa kababata . Na miss rin naman kasi niyang gumala kasama ito .

Almost 10 minutes na paglalakad nila ay huminto si Riki sa harap ng isang cafe .

" Pasok tayo sa loob ?" Tanong ni Riki kaya napatitig si Luna sa kanya .

" Luna ? " Tanong pa niya ulet dahil parang natulala lang si Luna sa kanya " huh ?!" Parang tangang tanong ni Luna

" Sabi ko , pasok tayo sa loob . Parang tanga naman 'to" natatawang sabi lang ni Riki kaya nakitawa rin si Luna " Sige "

Sa isip ni Luna ay siguro ito na ang start ng pagiging close nila ulit .

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon