32: First Mission

16.5K 766 127
                                    

| FIRST MISSION |

LUNA'S P. O. V

Masakit ang buong katawan ko nang magising ako pero napawi ito nang makita ko ang itsura ng mga kaklase ko na may kani-kaniyang pwesto ng upo at paghiga sa nakalatag na banig sa sahig.

Para silang magkakapatid sa mga yakapan, tandayan, at pagpapasandal ng ulo sa balikat sa isa't Isa. Dahan-dahan kong inalis ang kumot ko saka naglakad papunta sa pinto. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko saka ako muling bumalik sa clinic. Mukhang pagod na pagod silang lahat at ang hihimbing ng mga tulog. Nandito ang lahat maliban kina Denver, Knoxx, at Lucifer.

Naupo ako sa kama saka binuksan ang camera at kinuhanan sila ng litrato. Nakangiti akong tumayong muli at malapitan silang kinuhanan ng litrato.

Si Rance na nakapatong na ang ulo sa hita ni Gavin habang si Gavin naman ay nakasandal ang ulo kay Chaos. Si Chaos naman ay nakayakap sa braso ni Zairus at nakapatong ang mga binti sa binti ni Chaos habang si Zairus naman ay nakayakap sa paa ni Wolf na nakabaliktad ang higa. Ganun din ang pwesto ng iba, magulo at halatang pagmumulan ng away kapag nagising sila nang ganito pa rin ang mga pwesto nila. Nagtala naman ako kung bakit wala manlang ni isang nahiga sa dalawang sofa.

"Bakit ba kayo rito nahiga?"

"Ang naging usapan, walang mahihiga riyan for fairness or else bubugbugin siya."

Nanlaki ang mga mata kong nilingon ang nagsalita at nakita si Denver na nakaupo sa nakabukas na bintana at mukhang bagong gising din dahil sa gulo ng buhok nito at inaantok na mga mata.

Pero ganito naman palagi ang itsura niya.

"Huwag mong ipakita sa kanila 'yang mga kuha mong litrato kung hindi makakasaksi ka ng World War 3 and I swear, nothing and no one can stop that," sabi niya saka bumaba ng bintana at nahiga sa sofa kaya kumunot ang noo ko.

"Eh bakit ka hihiga riyan kung papatayin ka nila?"

Pingkrus niya ang mga braso niya at ipinikit ang mga mata niya. "Unting kaluskos o ingay lang, nagigising ako agad kaya kung sakaling may magising sa kanila, malalaman ko at makakaalis na ako agad."

Iba ang lakas pala ng senses nitong tao na 'to kung ganun.

Nagmulat siya ng mga mata. "Magpahinga ka na at masakit sa katawan ang gumulong."

Nanlaki ang mga mata ko. No one knows what happened to me! "P-Paano mo nalaman?"

"Nakita ko 'yung katangahan mo, Luna," walang emosyon niyang sabi.

Ngumiting aso ako. "Eh bakit hindi mo ako tinulungan?"

"Kumportable na ako sa pagkakaupo ko sa sanga ng puno kaya bakit naman ako bababa para tulungan ka?" sabi niya saka muling ipinikit ang mga mata.

Akma ko siyang susuntukin nang bigla siyang nagmulat ng mga mata. "Susuntukin mo ako?"

"Kukunin ko lang 'yung apple." Pagdadahilan ko saka ko inabot ang apple sa mesa na nasa uluhan niya at kinuha kapagkuwan ay bumalik na sa kama ko at naiga.

Nakakainis! Nakita niya na nga ang katangahan ko! Hindi pa ako tinulungan dahil sa kumportable niyang pwesto para matulog?!

"Ano siya, kabute? Kung saan-saan nagsusuot?" Pagkausap ko sa sarili ko bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko.

NAGISING ako sa sobrang ingay kaya naiinis na binato ko ang unan sa gilid ko na tumama sa pinto. "Kung magsisigawan kayo, magsipaglabas kayo!"

"Ate!" sigaw ni Tev saka ako nilapitan at niyakap.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon