Chapter 20

444K 18.8K 17.3K
                                    


"I'm sorry for what happened back there. Madalas talaga silang magtalo, pero nagkakaayos din naman agad," Kobe told me as we walked out of the mansion.

I couldn't understand. Imposibleng hindi ko malaman kung bakit sila nag-away gayong nakatingin lang ako sa kanila. Their mood changed after I told them my name. Kitang-kita ko ang disgusto sa mga mata ni Tita Penelope. Pero hindi naman ako makapag-isip ng rason kung bakit ayaw niya sa pangalan ko. I just thought it was too shallow.

"Hey," Kobe held my elbow. "Are we okay?"

Tumingin ako sa kanya at nabasa ko agad ang paninimbang sa mga mata niya. He looked worried and nervous at the same time.

"May hindi ka ba nagustuhan sa nangyari? Does my family bother you?" tanong niya ulit.

Umiling ako. Hindi ko dapat pag-isipan ang pamilya niya. They treated me good. Buong dinner ay hindi ako nakaramdam na parang minamaliit nila ako. Baka may hindi lang ako naintindihan sa nangyari. Baka may pinagtalunan sila na hindi ko nakita.

I completely ignored what happened that day. Kinumusta ako ng mga kaibigan ko tungkol doon at sinabi kong maganda ang pakikitungo sa akin ng mag-anak. Hindi na rin naman nagtanong si Kobe dahil mukhang normal sa mag-asawa ang pag-aaway. Hindi ko rin nalaman kung nagkaayos na sila.

Everything went pretty normal after that. I finished my second year in college, and both Mari and Mill moved on to the last year of their college life.

"Paano? Aalis na si Ate Kat sa apartment n'yo?" tanong ni Eddie. "Nakahanap na ba ng trabaho?"

Ilang buwan matapos maka-graduate ni Ate Kat ay nakakuha siya ng trabaho sa isang kumpanya sa probinsya. She was always so vocal about her dream of working in a more peaceful environment. Ni hindi niya sinubukang mag-apply sa big companies dito sa syudad.

The fact that she had to leave saddened me. Alam kong may sari-sarili kaming buhay, pero nasanay kasi akong nariyan siya.

"Oo, baka next week," sagot ko kay Eddie.

"Ikaw pala talaga ang mahuhuli sa apartment, 'no?"

I nodded. We would go our separate ways after finishing college. Kung noon ay araw-araw kaming magkakasama, ngayon ay paniguradong bihira na lang kami makumpleto. Hindi ko masyadong pinagninilayan ang isiping iyon dahil hindi ko maiwasang malungkot. I grew up with them. Parang nakakatakot sumabak sa mundong hindi ko na sila kasama.

"May nag-text sa 'yo," saad ni Eddie sabay nguso sa cellphone ko na nakapatong lang sa mesa.

From: boyfie ❤️
What are you doing?

Narinig ko ang pagsinghal ni Eddie nang ngumiti ako nang malapad.

"Jusko, ha! Ilang buwan na kayo n'yan pero kinikilig ka pa rin?" pang-iinis niya na hindi ko na pinansin.

To: boyfie ❤️
lunch lang kasama si eddie :) ikaw?

Balik sa pagiging abala si Kobe kaya hindi kami madalas makapagkita. Mabuti nga at naitatago naming mabuti ang relasyon namin dahil hanggang ngayon ay sila pa rin ni Jennifer ang inaakala ng mga tao na magkasintahan. Kahit tapos na ang music video ay marami pa rin kasing kumo-contact na producers and investors sa kanila.

From: boyfie ❤️
Just resting. I miss you.

To: boyfie ❤️
mish youuuu! pakita ka naman. gusto ko kiss :<

From: boyfie ❤️
I'll give you plenty on Saturday.

Nag-init ang pisngi ko.

To: boyfie ❤️
bas2s!!!!

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon