CHAPTER 24

1.9K 67 0
                                    

Pagka gising ko ay umaga na at wala na rin yung pananakit ng aking birthmark nag in-in muna ako saglit sa aking higaan bago ko mapag pasyahang tumungo sa banyo at naligo ako at ginawa kona din yung morning routine ko pagka tapos ay umupo ako sa bandang ibaba ng aking kama nang mag sawa ay nag tungo naman ako sa bintana at tinanaw ang magandang tanawin sa labas ang sarap ng hangin napaka sariwa

Ambilis ng araw tatlong linggo na agad akong nandito at iniisip ko pa din kung paano ko mahahanap ang mga sagot sa tanong ko haystt.

Nang mag sawa ako sa pag tanaw ay bumalik na ako sa aking kama wala pa akong balak na bumaba hindi pa naman ako nagugutom

Ngunit sa pag panhik ko sa kama ay may napansin akong liwanag na nag mumula sa naka awang na drawer kaya naman nilapitan ko yun pagka bukas ko ng drawer ay bumungad sa akin ang isang libro kaya kinuha ko yun at tinangkang buksan ngunit ayaw sinubukan kong muli ngunit ayaw talaga hanggang sa may lumabas na mga letra sa unahan,isa isa itong nagsi labasan at ang nakasulat ay

Ang makakabukas daw mg librong ito ang magliligtas sa 'Buong moonlight kingdom'.

Inilipat ko ito sa sunod na page at nakita kong unti-unting may sinusulat ang libro nito.

'We finally found you'

Yun ang unang nakasulat sa libro. Parang may Invisible na tao sa tabi ko at may sumusulat sa libro.

'You are our saviour'

Nangunot ang noo ko. Saviour? Bakit naman ako? Bakit sa lahat ng tao sa mundo. Ako pa?

'You are the chosen one'

Chosen one? Sino? Sino ang pumili sa akin? Yun bang palaging nasa isipan ko na nagsasalita?

'You're highness'

Kahit na ang bilis ng tibok ko ay hindi ko ito sinara at patuloy na binabasa ang mga nakasulat dito sa libro.

'Your our----'

Hindi ko natapos ang pagbabasa ng makarinig ako ng pagsabog sa labas. Dali kong sinara ang libro at nag teleport papalabas. Meron ng mga nagtatakbuhang estudyante sa hallway.

'ATTENTION! MERONG DARK USER ANG NAKAPASOK SA PAARALAN NATIN! KAILANGAN NATIN SIYANG MAHANAP PARA ALAMIN KUNG ANONG PASIYA NIYA DITO!'

Sabi nung speaker. Tumakbo ako papalabas ng building na iyon at nakita kong maraming umaaway sa isang napakalaking halimaw na pilit na sinisira ang barrier.

Ang barrier ay para protektahan ang school na ito. Once na mabasag ito ay ang mga dark users ay makapasok dito.

Nakita ko narin ang mga Royalties na pilit na kinakalaban ang halimaw. Nasaan na yung dark user?

Luminga-linga ako at nanliit ang mata kong nakita ko ang nakaitim malapit sa gubat dito sa school. Nakita ko pang ngumingisi ito habang nakatingin sa royalties. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may binubuo siyang dark ball sa kamay nito. Lalaki ito at nakangising nakatingin sa mga royalties. Mukhang may binabalak siya.

Luminga ako saka ako nag Teleport papunta doon sa kagubatan. Nasa taas siya ng kahoy. Luminga-linga ulit ako saka ako nag teleport sa likod niya. Mukhang hindi niya ako napansin.

Déjàvu!

Nangyari na ito noong mga nakaraang araw lamang at ito na naman nangyari na nama haist mamaya kona iiisipin to kailangan ko muna tumulong.

"At your back" bulong ko at napalingon ito sa akin na nanlalaki ang mata. Ok lang hindi naman niya ako makikilala dahil sa mukha kong merong mask at sa mataas kong bangs tapos naka hoodie pa ako.

Itatapon niya sana sa akin ang Dark Ball na nasa kamay niya ng unti-unti itong nawala. I smirked at him at tiningnan niya ako ng nanalalaki ang mata.

"Anong ginawa mo?"

Nag cast lang naman ako ng spell para patigilin siya. Nakatingin ako sa kanya ng walang emosyong makikita sa mukha.

Maya-maya lang ay nakita ko na lamang siyang pinulupot ng mga vines dito at mga dahon.

It is one of my power. Plant Manipulator.

Nakita kong nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Pumikit ako saka ko siya tiningnan ng deristo. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

"Your eyes. K-kulay Violet"

Nabigla ako pero kalaunan ay tiningnan ko siya ng walang emosyong makikita.

"Anong pasya mo dito?" tanong ko sa kanya pero nakatingin lang ito sa mata ko.

"You're---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng nawala ito na parang bula sa harap ko. Kung matagal siyang tumitig sa aking mata, ay mamatay siya. Pero hindi ko narinig ang sinabi niya sa huli.

Kasabay ng pagkawala niya ay ang pagkawala ng halimaw sa harap ng gate. Nakita kong napatigil na ang mga royalties at ang iba naman ay nagdiriwang. Siguro inisiip nila na sila yung nakatapos sa halimaw. Mabuti na yun.

Bumaba ako sa kahoy at tiningnan ang barrier saka ako ng cast ng spell. Ng matapos iyon ay nasisigurado kong hindi na iyon masisira. Mas pinatatag ko pa ang barrier.

Nakaramdam ako ng panghihina sa katawan ko kaya't nag teleport ako papunta sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama inisip ko kung paano ko nagawa yun nag dagdag ako ng barrier haistt bat ba lagi nalang kumikilos mag isa tong katawan ko hindi ko alam kung paano ko napapalabas to malapit na din ang kaarawan ko ngunit wala man lang akong kasama na mag ce celebrate wala si mom

Pero bumalik sa isipan ko yung sinabi ng dark user kanina .Anong dapat na sasabihin niya sakin aishh bala na nga

Tumitig pa ako sa kisame hanggang sa bumigat ng paunti unti ang talukap ng aking mata..

And everything went black...

Third Person POV

Sa kabilang banda, sa Dark Kingdom. Ang hari na sinasanto ng mga dark user na si Xenon, ang kanilang hari ay prenteng nakaupo sa trono nila ng may pumasok na isa sa mga inutusan niyang puntahan ang Sparley Academy.

"Mahal na hari"

Yumuko muna ito saka niya tiningnan ang hari niya. Ang hari naman ay nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Nagawa niyo na ba ang inutos ko sa inyo?" makapangyarihang sabi ng hari nila.

Nanginginig na nakatingin ang inutusan niya sa hari niya. Sa isipan niya ay ito na ang huling araw niya sa mundo dahil alam niyang papatayin siya nito.

"P-pasensya na po m-mahal na h-hari. Nabigo po kami"

Ng dahil sa sinabi ng inuutusan niya ay tumayo ang hari nila at tiningnan ng seryoso ang inutusan niya.

"Anong ibig mong sabihin na nabigo?" walang emosyong sabi nito.

"Si Honward, namatay siya. Malapit na sanang mabasag ang barrier ng Academy ng nawala ito na parang bula at doon ko nalaman na patay na siya. M-merong pumatay sa kanya m-mahal na hari"

"Sino?"

"H-hindi ko p-po alam"

Ng dahil sa sinabi iyon ay kinuyom ng hari ang kamao niya kasabay dun ang pagtaas ng inutusan niya habang nakahawak sa leeg nito. Nahihirapang hininga.

"Alamin mo! Sa lalong madaling panahon!" sigaw ng hari at napatango naman ang inuutusan niya.

Pabagsak siyang tinapon ng hari at napahawak ito sa leeg habang habol na habol ang hininga.

"A-aalamin p-po namin s-sa lalong m-madaling p-panahon"

Hindi na ito tinapunan ng tingin ng hari senyales na umalis na ito sa harapan niya. Napaupo ang hari sa trono niya habang iniisip kung sino ang maaring may gawa nun. Sino iyon? At patayin ito sa lalong madaling panahon.

The Long Lost Princess Of Majestic Kingdom (Majestic Moonlight Academy)Where stories live. Discover now