Epilogue

97.1K 1.8K 435
                                    

"I'm so excited to meet your triplets. Paniguradong kasing gwapo ng mga 'yan si Alistair." Shanelle giggled while caressing her womb.

Mabilis na lumitaw ang ngiti sa labi ni Miracle nang marinig 'yon.

"Hindi ko nga alam kung anong klaseng pag-ire gagawin ko sa tatlong 'to. Baka mahimatay ako sa labor pa lang," she joked around.

"Oh gosh. Why? Nahirapan ka ba manganak noon kay Alistair?" tanong ng kaibigan.

She shook her head. "Hindi naman. Isa lang kasi siyang lumabas. Ngayon, tatlo 'to. Baka masapak ko si Trigger habang nanganganak ako."

Shanelle chuckled with her answer. "Sasabihin ko na sa asawa mo ngayon pa lang na huwag na sumama sa delivery room. Delikado na ang buhay niya."

Malakas na napahagikhik si Miracle. "Binibiro lang kita. Ayaw kong ibuntong sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko 'no. After all, enduring the pain of labor and delivery are worth it when you finally see them. Noong pinanganak ko si Alistair, masakit manganak pero nawala 'yung sakit na naramdaman ko noong nakita ko na siya. It's fulfilling to be a mother, Shanelle."

Tumango ang kaibigan. "That's why I'm sad for those female who can't have one."

Umiling siya. "I guess we don't have to feel bad for them. A woman is not required to have children if it's against her will. And a woman who can't bear a child should not be pitied and feel guilty. It doesn't make someone less a woman if she can't have a child, Shanelle. Siguro, oo, para sa atin pakiramdam natin kumpleto tayo kapag nasabi nating may anak tayo. Pero sigurado naman akong masaya at kumpleto rin 'yung ibang mga babae na nagdesisyong hindi magkapamilya."

Her friend pouted her lips before nodding her head.

"Sabagay, tama ka. Desisyon nga naman talaga ng mga babae kung anong gusto nilang gawin," pag-sang ayon nito.

"Mommy!"

Sabay silang lumingon sa pintuan nang pumasok si Alistair doon, kasunod ang asawa niya.

Miracle quickly kissed her son's cheeks. "Hello, baby. Where have you guys been?"

Tiningala niya ang asawa na hinalikan siya sa labi. Lumuhod si Trigger paharap sa tiyan niya at hinalikan ito nang marahan. She giggled when Alistair kissed her tummy also.

"Alistair wanted to play basketball for a while. Our son always want to explore things and do everything he can as soon as possible. Konti na lang alam niya na lahat gawin," pilyong saad ng lalaki at ginulo pa ang buhok ng panganay.

Alistair just flashed a smile as he went to Shanelle to greet. "Hi, tita Shanelle."

"Hello, pogi kong inaanak. Pawis na pawis ka, ah. Halika, punasan muna kita." Miracle mouthed 'thank you' to her friend when she carried Alistair towards the kitchen.

Nilingon niya ang asawa na marahang hinahaplos ang tiyan niya.

"Napagod ka ba? Alistair is naughty sometimes. Magpahinga ka kaya muna?" she worriedly said.

Trigger shook his head. " I promised to buy you your favorite food, right? Aalis din ako mamaya. I just want to greet my little babies."

Hinalik-halikan pa nito ang tiyan niya na dahilan para pumuslit ang ngiti sa kaniyang labi.

Her hand went to his hair as she comb it using her fingers. "Thank you, Trigger. For making my pregnancy more easier. Thank you for taking care of me and Alistair. I owe you everything, baby."

Her husband leaned forward to kiss her lips. "Our pregnancy."

"Opo," natatawa niyang sagot.

"I'll take you to our room for a while, okay? You need to rest. Kanina ka pa walang matinong tulog. I'll just change Alistair's clothes and I'll take him with me. Hindi naman pasaway ang panganay natin so you don't have to worry about him," malambing nitong sabi habang tinutulak ang wheel chair niya.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon