IASWAKS2C36

464 63 10
                                    

Author's Pov

Sa hindi kalayuan naman ay samot saring emotion ang nararamdaman ni frances dahil sa kanyang natunghayan na naghahalikan si amanda at coleen.

Napakuyom siya ng kanyang kamao at galit ang nananaig sa kanya ngayon , naiisip niya na hindi maaaring balikan ni coleen si amanda at iwanan sila ni minho sa ere.

"Hindi ako papayag na maging kayo ulit at maiwanan kami ng anak ko! Pagbabayaran mo to amanda! Kung hindi magiging akin si coleen pwes! Hindi din siya pwedeng mapasa iyo! Papatayin kita amanda! Mag antay antay kana sapagkat bukas ng umaga ay paglalamayan kana pati yang hinayupak mong mga anak!" Inis at galit na galit na sambit ni frances saka kinuha ang kanyang cellphone sa may bulsa niya.

May tinawagan siyang tao at napapangiti siya habang kausap yung taong iyun saka unti unti na siyang umalis sa kinatatayuan niya.

Meanwhile

Si coleen ay napapahagulgol nalang sa iyak sapagkat nasasaktan siya ngayon na iwan muli si amanda , sa totoo lang ay gusto niyang mag stay pero pinanghahawakan niya yung pangako niya kay frances na hindi niya ito iiwan.

Kung hindi niya natupad yung pangakong iyun kay amanda ay kay frances niya tutuparin iyun , hanggang ngayon naniniwala siya na sadyang pinagtagpo lang talaga sila ni amanda at hindi itinadhana para sa isa't isa.

Mabagal lang ang pagmamaneho niya ng sasakyan sapagkat nahihirapan siyang makita ang daanan sa kadahilanan na may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Inihinto niya saglit ang kanyang sasakyan at tsaka pagkatapos nun ay pinaghahampas niya yung manibela ng kanyang sasakyan.

"Aaaahhhhh!!!! Mahal kita amanda! Mahal na mahal kita aaahh!!!" Sigaw niya habang tuloy tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha , wala siyang magawa kundi sundin ang nilalaman ng isip niya na huwag iwan si frances.

Ilang minuto siyang nag stay sa ganun at napapahawak nalang siya sa kanyang ulo dahil litong lito na siya.

Pero kinalaunan ay nahimasmasan na siya ng kaunti at pinunasan niya na yung luha niya saka binasa ang kanyang ulo ng malamig na tubig, nakabili kasi siya sa daan ng mineral water na nagyeyelo pa.

Nagsimula na siyang magdrive at binilisan niya na iyun sapagkat sa tingin niya ay kanina pa nag aantay si frances sa bahay nila pati si minho.

Alas 11 kasi ang flight nila ngayong gabi papuntang pilipinas at kasalukuyang alas 10 na ng gabi.

A few minutes later ay nakarating na siya sa kanilang bahay , nagtaka naman siya kung bakit walang nagbubukas sa kanya ng gate gayong nakailang busina na siya kung kaya'y siya na ang bumaba at binuksan iyun.

Napaisip din siya sapagkat parang walang nga guard sa paligid at unting ilaw lang ang nakabukas sa loob ,medyo hindi na maganda ang naiisip niya ngayon kung kaya't dali dali na niyang ipinasok yung susi ng bahay at tsaka binuksan iyun.

Bumungad sa kanya ang nakatali na anak niya sa may bandang sofa , na panay ang iyak ngunit hindi masyadong rinig iyun ganoong may nakalagay na damit sa bibig nito.

Dali daling lumapit si coleen kay minho saka tinanggal ang pagkakatali nito , napaiyak nalang siya nang makita niya ang pasa sa katawan ng kanyang anak.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now