Chapter 11

7.9K 627 255
                                    

Tris

"Kelangan ko ng paunang bayad."

Napalingon ako kay Eris na nasa passenger seat ng sasakyan ko. Kakahinto ko lang sa tapat ng hindi kalakihan na bahay.

Pagkatapos kasi namin kumain ay nagpahatid ito dito sa inuupahan daw nitong bahay. Malayo sa inaasahan ko na kilalang mga condominium sa Metro. It's just one of a standard subdivision na halos wala pang katao-tao sa sobrang tahimik.

"Aren't you suppose to say, Thank you, Tris?"

Umangat yung kilay ni Eris. Natanggal na nito yung seatbelt nito at mataman na nakatitig sakin. "Ang sabi ko kailangan ko ng paunang bayad sa pagpayag ko na tanggapin itong singsing mo."

Naiilang naman na nag-iwas ako ng tingin dito. Pati titig nito nakakapaso na. Pakiramdam ko ay naengkanto yata ako. Siguro ay pinakulam ako ng babaeng ito.

"At bakit naman ako magbabayad sayo? Ikaw na nga itong nilibre ko ng lunch at inihatid pauwi?"

Bumuntong-hininga ito. "Bakit napakaslow mo?"

"Ano bang pinagsasabi mo dy-"

"Shut up!"

In a swift move, she's already sitting on my lap as my seat has been adjusted to give me more of my leg room.

I was damn shocked. How can she move that fast?

"Better." Ngumiti si Eris habang yung mga kamay ay ipinatong sa balikat ko. "Gusto ko sa first time natin ganito pwesto ko ha?"

"What? Umalis ka nga dyan, unggoy!" Feeling ko nagkukulay kamatis na ako sa sobrang pagkapahiya sa ginagawa nito.

Imbes na umalis ay mas lalo pa nitong idinikit yung katawan nito sakin. "Woy, kailangan ko ng down payment. I should know what I signed up for."

"You're not yet signing up for anything. Thank goodness! Magmamadre na lang pala ako. Letse ka! Alis!"

Tumawa lang ng malakas si Eris. Halatang aliw na aliw sa reaksyon ko.

"Chill, Tris. Nakadamit pa ko. Saka ka na magdesisyon ng ganyan pag wala na akong suot. Baka puro mura na lang ang mabigkas mo. O baka nga makalimutan mo na marunong ka pa magsalita. I wonder what kind of sound you can make." panunukso pa nito.

Ako tuloy yung nahihiya sa mga pinagsasasabi niya. "Bastos!"

"What? Ako ba ang nauna? Pinatulan lang naman kita."

"You're giving away innuendos. I'm not stupid. Saka bakit ka ba dito umuupo? Wala kang upuan, girl?"

"Puro agiw talaga yang utak mo. Parang hihingi lang naman ako ulit ng masarap na kiss bago ako matulog."

"Gago! Huwag mo akong utuin. Sa lahat ng palabas, hindi nakakaantok yung halik!"

Mas lalo itong natawa. Hindi ko naman alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Totoo naman na walang ganoon. Tyansing lang talaga itong hinayupak na babaeng unggoy na 'to.

"Tabi sabi!"

"Tabi sayo?" Nanunuksong pang-aasar pa nito. "Gaano katabi ba ang gusto mo?"

Sa sobrang inis ay hinawakan ko ito sa magkabilang bewang para maibalibag na lang paalis sa prenteng pagkakaupo sa kandungan ko. Kaso tila naman nanigas yung mga kamay ko sa pagkakahawak doon nang idikit nito yung bibig nito sa leeg ko.

"Got you busted." mahinang bulong nito. "Just stay put, okay? I am just affirming books and theories. This is for our own discovery. So relax."

Mas lalo yata akong natulos sa pagkakaupo ng yumakap sa leeg ko yung mga braso nito habang masuyong pinadadaan nito ng labi yung parteng iyon ng leeg ko. Malapit sa pang-ibabang bahagi ng tainga.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon