. . . ⇢ 99 ˎˊ˗

220 13 7
                                    

"lee heeseung."

"sim jake."

"park sunghoon."

"kim sunoo."

"nishimura ni-ki."

"kim julie."

"park joy."

"lee cyril."

"choi danica."

"jung maelary."

nagkatinginan silang lahat matapos marinig ang kanilang mga pangalan. mukhang alam na nila kung saan 'to tutungo kaya nauna na tumayo si heeseung para pumasok sa dean office, sumunod ang natitira sa kanya.

at ngayon, lahat silang tinawag ay nakaharap sa dean nilang disappointed na nakatingin sa kanila. "i think you already know why you're here."

walang nagsalita.

humugot ng hininga ang dean. honestly, nanghihinayang talaga siya sa mga estudyanteng 'to at sinubukan niya ang lahat para hindi sila mapasama pero hindi kaya. ang dami nilang absent at ang daming kulang sa performance tasks at written works.

kaya saan kukuha ang mga professor ng pagbabasehan nila kung halos blangko silang lahat? medyo okay naman ang second semester nila pero kulang pa rin talaga dahil ang daming nawala nung first semester at ang laking kawalan non.

at kahit sabihin natin na naging okay ang second semester nila, after ng mga nangyari hindi na sila makapag-focus ng maayos kaya siguro mas maganda kung magsimula sila ulit.

"i'm sorry to say this pero hindi kayo pasado, kailangan niyo umulit ng first year." ani ng dean.

tumango lang si heeseung at tipid na ngumiti. "we're sorry."

of course, expected na nila na ganito ang kakalabasan at hindi na kailangan pang magulat. ganun pa man, tulad ng dean na nasa harapan nila, disappointed din sila sa mga sarili nila.

"nakakadismaya lang pero naiintindihan ko naman ang pinagdaanan ninyo. kaso kailangan natin sumunod na ang mga bagsak ay kinakailangan talagang umulit."

"naiintindihan po namin at susubukan naming makapasa this time." si joy ang nagsalita at ngumiti lang ang dean.

"aasahan ko 'yan."

lahat sila ay napangiti bago tuluyang nagpaalam sa dean at lumabas ng office. pagkalabas, malungkot silang napangiti sa isa't-isa pero biglang natawa si sunoo, sinusubukan pagaanin ang atmosphere.

"cheer up, may next school year pa."

natawa lang sila saka nagsimulang maglakad palabas ng gate ng university. ngayon na ang simula ng bakasyon nila at kung naging maayos lang sana ang takbo ng buhay nila, sana next school year 2nd year na sila.

kaso wala e, sinubukan din naman nila isalba ang pag-aaral nila pero kulang pa rin talaga.

"si jay ba 'yon?"

agad napatingin si joy sa unahan nang marinig niya ang pangalan na 'yon. napaiwas lang siya ng tingin nang mapansing nakatingin din pala si jay sa kanya. ang iba nilang kaibigan ay natawa lang.

"jay hyung, bagsak kami." salubong ni ni-ki.

natawa si jay. "talaga? ako rin!"

"ikaw lang yata 'yung bagsak na natutuwa pa." natatawang komento ni jake.

jay winked at him. "syempre may karamay ako."

"harot." nasabi na lang ni sunghoon na ikinatawa nila.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon