Chapter 14

8.1K 619 175
                                    

Eris

"Bakit dyan ka nakapwesto?" Takang tanong sakin ni Tris nang makalabas ito ng bathroom at abutan akong naglalatag sa sahig.

Katatapos lang nito maghalfbath. Nakasuot na din ng pantulog. Kung pantulog man na matatawag yung suot nito ngayon. Tris is wearing nothing but her silky nighties. Hindi man lang umabot sa kalahati ng hita nito. Ganyan talaga sya matulog?

Matapos kasi yung dinner namin kasama ng pamilya nito ay inimbita pa ako ng Mommy ni Tris na makipaglaro muna ng chess. Nabalitaan kasi nito kay Mom na magaling ako maglaro niyon at hindi ako nito matalo-talo.

Actually, chess is just one of the games I've mastered when I was a kid. Dahil nga sa isla kami lumaki, limitado din yung mga laro na alam namin ni Essex. Lahat yata ng board games at card games ay pinagsawaan na namin.

A planned one-game chess with Tita Sammie has been followed by another whe she lost at the first game. Nang matalo ulit ito sa pangalawa ay humiling pa ito na maglaro pa kami ng isa pa. Hanggang sa nasundan iyon ng nasundan. Nalibang na kami pareho at nakalimutan na alanganing oras na pala.

Kung hindi pa lumapit si Tris at sinabihan ako na ihahanda na nito yung kwartong tutulugan ko dahil alanganin na para sa akin ang umuwi ng ganitong oras, ay hindi pa kami hihinto ni Tita Sammie sa kakalaro.

Her mother insisted that Tris and I can share the same room. She joked that it's fine so we wouldn't have to sneak rooms at the middle of the night. Saka tutal naman daw ay magpapakasal din naman na kami ni Tris.

Tingin ko ay hinuhuli lang kami nito kung totoo nga na may relasyon kami ng anak nito o wala. Kaya naman hindi ko na kinontra ng pinagpilitan nito na sa kwarto na ako ni Tris matulog ngayon. Mas okay na din iyon para makauwi din ako agad pag tulog na si Tris. Sigurado naman ako na hindi din ako makakatulog dito.

"We can share the same bed, Eris. Hindi naman ako malikot matulog." Giit ni Tris.

"I won't be sleeping yet. Magigising ka lang sa galaw ko." Inayos ko yung pagkakasalansan ng unan sa hihigaan ko. "Saka okay lang ako sa sahig matulog. Mas gusto ko nga iyon kesa sa malambot na kama."

"Ang kulit mo." Lumapit si Tris at isa isang inilagay yung unan pabalik sa kama. "Tabi nga tayo. Ayoko matulog sa sahig."

Ibinalik ko din pababa sa latag ko yung mga unan na kinukuha nito. "Sinabi ko bang sa sahig ka din matulog?"

"Ano na lang ang sasabihin nila Mommy pag nalaman nila na sa lapag kita pinahiga? C'mon, Eris! You're being unreasonable again. Nakakatulog naman na tayo ng magkatabi kahit noon. What with this right now?" Kumunot yung noo nito. Nagtataka ng husto kung bakit ayokong tumabi sa kanya.

Magkaiba kasi yung sitwasyon namin dati sa ngayon. Bahay nila 'to. Dati ay sa ibang lugar iyon.

Home is something you aren't making memories with someone. Lalo na sa mga kalaro mo lang.

Tris is just like that. A temporary playmate. At ayoko na magkaroon ng memories na kasama ito dito sa mismong kwarto nya. That's too intimate.

This is surely Tris' personal space and I feel like I'm invading her territory. Ayoko mag-iwan ng kahit ano dito sa lugar na ito. It might haunt me.

"I just don't want to. Hindi ba pwede yon?"

"Why?" Umangat yung kilay nito. "Are you scared that I might do something to you?"

Tumitig ako sa nang-uusig nitong mga mata. Halatang hindi ito papayag na hindi ito yung masunod sa aming dalawa.

I took a deep breath. Iginala ko yung paningin ko sa loob ng kwarto ni Tris.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon