3

11.8K 419 20
                                    


NAHINTO sa paghakbang si Nayumi kasabay ng malakas na singhap. Napalingon sa kanya ang dalawa. Sa loob ng ilang saglit ay nanatiling walang salitang namutawi sa kanilang tatlo.Adora recovered first. Mabilis itong tumayo mula sa sofa at humakbang palapit sa kanya. Pero bago siya nito malapitan ay mabilis siyang umatras sa pinto at itinaas ang kamay upang huwag siyang mahawakan nito.


"N-Naya..."


Hinayon niya ng nag-aakusang tingin si Alvaro na muling nagbuntong-hininga at umiling. "Tell me all about it," aniya sa gumagaralgal na tinig.


"A-ako ang magsasabi sa iyo," ani Adora na nagsisimula nang umiyak. Sa paningin ni Nayumi ay tila tumanda ito nang maraming taon. Si Alvaro ay humakbang patungo sa wine tray at kumuha ng alak mula sa decanter at nagsalin.


Muling bumalik si Adora sa sofa at umupo. "Tulad ng alam mo'y naging nurse ako ni... Kristine... ni Mrs. Navarro, and later on, bilang private nurse ni Don Franco. Isang taon pa lang ako sa Amerika nang mga panahong iyon. Nakarating ako doon sa pamamagitan ng pagsasangla ng mga magulang ko ng kapirasong lupa. Inaasahan nilang tutulungan ko silang maiahon mula sa kahirapan at mabayaran ang lahat ng pagkakautang simula nang ako'y mag-aral... When your father died, I was lost. Hindi ko alam ang gagawin ko."


"What about my father's parents?" Nanginginig ang tinig niya nang magtanong."Ang ama mo'y lumaki na papalit-palit ng foster parents. He had nothing but the job he held at the hospital as nursing aid. Nang malaman ni Doña Beatriz ang problema ko'y inalok niyang ampunin ka...


"Wala akong pagpipilian, Naya. Hindi kita gustong ipaampon, subalit sa Amerika'y agad na kukunin ng social service ang sino mang batang hindi kayang palakihin ng mga magulang nang maayos. Ipapaampon ka nila sa kung sino mang may kakayahang buhayin at palakihin ka. Or worst, you would be raised by foster parents all your life... j-just like your father." Itinakip nito ang kamay sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng hagulhol.


Pagkuwa'y hilam sa luhang tiningala siya nito. "Nang ampunin ka ng mga Navarro ay pumayag ako sa kondisyong ako mismo ang mag-aalaga sa iyo."


"Why, that's a poor imitation of what Jochebed have done to her son Moses," sarkastikong sabi niya, ikinompara ang eksena mula sa Bible.


"Naya..." Alvaro's tone was gentle but reprimanding. "Your mother did what she had to do.""My mother..." usal niya, napuno ng kapaitan ang tinig. "Buong buhay ko'y hindi ko miminsang pinangarap kung paano ang magkaroon ng isang ina... ang yakapin at pagsabihan ng lahat ng mga nasa dibdib ko... ng mga pangarap ko... ng mga kabiguan at tagumpay ko..."


"Narito akong lagi, hindi ba?" ani Adora, gumagaralgal ang tinig.


"Bilang yaya!" she cried. Tumalikod siya upang lumabas ng pinto nang tawagin siya ni Alvaro. Nilingon niya ito. "I love you, Papa. So much. Minsan lang sumagi sa isip ko kung sino ang tunay kong ama. You've given me so much love I could never ask for more. Ipinagpapasalamat kong lahat iyon. And what you did was no big deal. Still, it was a deception."


"Ginawa ko lang ang alam kong tama para sa iyo, Nayumi," depensa ni Alvaro.She gave a bitter smile. "Lagi namang ganoon, 'di ba?" Binigyan niya ng huling matalim na sulyap si Adora bago lumabas ng silid.


Humabol si Adora pero pinigil ito ni Alvaro. Ito ang nagmadaling humabol kay Nayumi. Inabutan siya nito sa sala palabas ng mansiyon.


"Nayumi, hija..."


"Huwag kayong mag-alala, Papa. I promise, I'll be fine. Gusto ko lang mag-isip. At hindi ko magagawa iyan dito." Tinungo niya ang kotse sa garahe subalit naharangan iyon ng Wagon Hummer ng ama.


Nilingon niya ang driver na nakahandang ialis sa garahe ang sasakyan kung iuutos niya. But she was just in a hurry to get away.


"Give me the key."



*******************Parang ang bilis ng phasing ng story nito ni Nayumi :((( . Dami agad ganap parang ako laging may ganap sa amin ni baby Ivan char hahaha. Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat. - Admin A ***********************************

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon