4

13.8K 497 47
                                    


NAYUMI was sipping her Irish creme-flavored coffee. Another time, she would have enjoyed her coffee. She was a coffee lover. Pero hindi sa araw na iyon. Nakatitig siya sa paligid pero wala naman talaga siyang nakikita. Ni hindi niya napapansin ang paglabas-masok ng mga customers sa TGIF. Hindi niya alam kung bakit doon siya nagtungo. Marahil dahil doon sila unang nagkita ni Ranjo.


Gusto niya itong tawagan upang magkita sila roon. But she dismissed the idea immediately. They both cancelled their date tonight. Isa pa'y gusto niyang mapag-isa, mag-isip. Ang natuklasan niya'y masyadong personal at hindi pa niya maaaring ipagtapat sa ibang tao.Dapat ba niyang kasuklaman si Adora sa paglilihim nito? O si Alvaro? Totoong nakikita niya at nararamdaman ang pagmamahal ni Adora sa kanya. Hindi lang sa kanya, kundi maging kay James. Ginampanan nito ang pagiging ina sa kanila ni James.


She loved Adora, too. Tulad din ng pagmamahal ni James dito. Wala siyang natatandaan sa buhay niyang hindi ito kasama sa lahat ng pagkakataon, malibang nasa Amerika siya. Gayunma'y naroon lagi ang reserbasyon. Gaano man kalapit si Adora sa kanilang magkapatid, naroon pa rin ang pader na hindi ito miyembro ng pamilya.


Sana'y ipinagtapat ni Adora na ito ang tunay niyang ina noon pa man. Nothing would have mattered. Alam ng mundo na ampon siya ng mga Navarro and she never felt bitter about it. She was thankful and blessed. May mga kabataang lumaking kilala ang sariling mga magulang subalit hindi nakaranas ng tunay na pagmamahal at kalinga.


Minsan man ay hindi naging issue sa mga Navarro ang pagkatao ni Nayumi. James loved her that he would kill anyone who would try to hurt her. Renz, Cameron, and Drew loved her, too... unconditionally. At kahit ang mga tiyuhin niya, at ang Lolo Franco at Lola Beatriz niya.


Hindi ba siya nakahandang patawarin si Adora sa paglilihim nito? Napakarami niyang pagpapalang tinanggap sa buong buhay niya. And Adora had been there all her life; nakadarama ng pait dahil hindi man lang nito maipahayag ang damdamin bilang kanyang ina.


Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maagaw ang atensiyon niya ng tawanan ng mga lalaking umupo sa likurang mesa. Sandalan lang ang nakapagitan sa kanila. At kung sinulyapan man siya ng mga ito'y ulo lang ang makikita sa kanya. Nagtatawanan pa rin ang mga ito habang ibinibigay sa waiter ang order ng bawat isa.


"Ang palad mo talaga, pare. Paambon naman diyan," wika ng isang tinig. "Super-ganda na tisay na iyon ay super-yaman pa. Ito ang pinakamatindi sa lahat ng diskarte mo."


"Sabihin mo'y ito ang pinakabata," sabi ng ikalawang tinig. "Pulos gurang ang dinidiskartehan nitong kumpare natin, eh. Mga matatandang mayamang naghahanap ng batang lover."


Napapangiwi si Nayumi sa uri ng usapang naririnig niya. Maraming bakanteng mesa pero hindi niya maisip kung bakit sa bahaging iyon umupo ang mga ito. She took another sip of her coffee. Subalit nabitin sa ere ang mug ng kape nang marinig ang isang pamilyar na tinig.


"Ang sabi ko sa inyo, mga pare, huwag pulos trabaho iyang inaasikaso ninyo. Umistambay kayo paminsan-minsan sa parking lot at tingnan kung sinong bebot ang walang kasama.Tingnan mo ako." Isang kompiyansang tawa ang pinakawalan nito bago itinuloy ang sinasabi. "Magkaka-girlfriend ako ng tagapagmana. At ni hindi niya alam na alam ko kung sino siya at na matagal ko nang alam kung saan siya nakatira."

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon