KABANATA 51

1.6K 195 27
                                    

Senda's P.O.V.

Hindi ko man sigurado kung saan ako patutungo ay humangos pa rin ako papalayo. Kung saan-saan na ako nakarating, ngunit kahit saan ako lumiko'y nasusundan pa rin nila ako. Determinado akong makatakas kaya kahit batid kong kabisado nila ang lugar, at napakaliit ng pag-asa kong makatakas ay nagpumilit pa rin akong pumuslit hanggang sa makaabot na kami sa isang dalampasigan. Unti-unting bumagal ang aking pagtakbo dahil pamilyar ito sa akin. Sa unang tingin ko pa lamang ay parang nakarating na ako roon bagaman hindi ko matukoy agad kung kailan.

'Yung panaginip ko.' Sabi ko sa isipan ko, 'ito 'yung isla sa panaginip ko. Panaginip ko nga lang ba 'yun?'

"Mahal na prinsesa! Parang awa mo na!" nakalapit na pala sila sa akin nang hindi ko namamalayan. "Sa 'yo nakasalalay ang buhay namin!" Si Kapitanang Hilda ang natanaw kong nagsabi noon nang nilingon ko sila matapos kong tuluyan tumigil sa pagtakbo "Papatayin niya kami, lahat kami kapag wala kaming naiharap sa kanya.".

"Seryoso ba talaga kayo?"

Sa halip na sumagot ay sabay-sabay silang nagsiluhod sa aking harapan; nagsisitangis na rin ang mga ito.

"Mahal na prinsesa tulungan mo kami." Magkakasabay nilang sambit na tila nanalangin ang mga ito sa kin. "Mahal na prinsesa maawa ka sana sa amin."

"Hindi ka namin aabalahin, at hindi kami magpapakumbaba sa 'yo ng ganito kung hindi totoo ang banta sa aming buhay." Ani Kapitana.

"Hindi kita dadalhin dito kung hindi ganoon katindi ang aming pangangailangan." Noon ko lamang napansin na kasama rin pala si Inay Maria sa mga humabol sa akin. Nakaluhod din ito tulad ng iba.

"Pero bakit ako?" sagot ko, "ang dami-dami niyo oh, at lahat kayo ay 'di hamak na mas magaganda at elegante kaysa sa akin. Bakit isang ordinaryong babae ang kailangan niyong iharap sa inyong hari? Sa dami niyong 'yan, wala man lang bang ni isa sa inyo ang may mga katangian na hinahanap niya?"

Tumayo na si Kapitana upang lumapit sa akin, "ang hinahanap niya ay may lahing tao na tulad niya. Ayaw niya sa mga purong nilalang kahit na ito pa ang pinakamaganda sa kanilang lahi. Lahat kami rito ay purong mga engkanto kaya ni isa sa amin ay hindi papasa. Hindi man niya sinasabi sa kahit sino, ngunit batid kong ang hinahanap niyang hitsura ng babae ay ang kawangis ng kanyang inang hindi na niya nakagisnan. Ang kanyang ina na dating reyna ng sinaunang kaharian ng Elysio."

"Bakit? Kawangis ko ba ang kanyang ina?"

"Ako pa lamang dito ang nakakita sa larawan ng kanyang ina," ani Inay Maria, "nakita ko ito sa loob ng kanyang silid nang maging taga-silbi ako ng Panginoong Lucio noon, at masasabi kong hindi man kayo magkamukhang-magkamuka ay mayroong pagkakahawig ang bukas ng inyong mukha, kaya nga nang sinabi ko kay Patruska ang tungkol sa 'yo, siya mismo ang nakiusap sa akin na dalhin kita sa kanya sa pagbabaka-sakaling, kahit hindi man eksakto ang pisikal na katangian mo sa ipinahahanap niya ay magkaroon kami ng gatiting na pag-asa na matakasan naman ang kanyang kaparusahan. Masyado kasing maikli ang tatlong araw para mahanap namin ang gusto niya."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Napakunot-noo ako, "Patruska? Sinong Patruska?"

"Ako." Sagot ni Kapitanang Hilda. "Ako si Patruska, ang pinuno ng mga kortesana. Ito ang pangalan ko sa dimensiyong ito."

"Ano bang eksaktong katangian ng babae ang hinahanap niya?"

"Mamula-mula ang buhok." Sagot ni Inay Maria.

"Ha?!" Bulalas ko, "doon pa lang bagsak na ako ah! Hindi naman mamula-mula ang buhok k–" napatingin ako sa dulo ng buhok kong nalagyan ng langis.

"Hindi ka ba nananalamin, Senda?" nakangiting wika ni Patruska. "Kulang lang sa alaga ang buhok mo kaya tuyong-tuyo at buhaghag, pero tingnan mo, langis pa lang ang inilagay ko kitang kita na agad ang pagkakaiba."

"Dapat siguro palitan mo na ang maliit, luma at malabong salamin sa kubo mo, Senda." Biro ni Inay Maria. "'Yun kasi ang unang napansin ni Mylene sa loob ng bahay mo."

"Mamula-mulang buhok lang ba ang hinahanam niya? Marami namang tao ang may mamula-mulang buhok ah."

"Luntian ang mga mata." Ani Inay Maria.

"'Yan!" Muling bulalas ko, " sablay 'yan dahil hindi naman luntian ang mga mata ko!"

"Hindi halata sa unang tingin, Senda." Sagot ni Patruska, "ngunit kapag tinitigan ito nang mas malapitan," inilapit nito ang kanyang mukha upang sipatin ang aking mga mata, "kitang-kita ang ebidensya na magkalahi tayo," agad ko naman napansin na luntian din ang kanyang mga mata, "maraming tao ang may luntiang mga mata, ngunit tanging ang berdeng mga mata ng mga lambana lamang ang animo'y nagliliwanag na lampara kapag tinititigan."

Hindi ko alam ang mga bagay na ito sa aking sarili kung kaya't saglit akong natigilan at napaisip sa mga bagong nadidiskubre ko. "Y-yun lang ba ang hinahanap niya?"

"Berhen, ngunit magaling sa pagtatalik." Ani Inay Maria. "Berhen ka naman 'di ba?"

Napangibit ako, "Ha?! Eh napakalabo naman pala niyang hari niyong 'yan. Paano namang gagaling sa pakikipagtalik ang isang berhen?"

"Batid niyang matuturuan ko ito, tulad ng lahat ng mga berheng naiharap ko na sa kanya noon." Sagot ni Patruska."

Wala na rin naman akong takas kaya't mas minabuti ko nang magtanong pa, "'Yun lang ba?"

"Perpektong balat." Ani Patruska. "Mula ulo hanggang–"

"Pero hindi naman perpekto ang balat ko!" Agad kong pagsingit, "marami akong gasgas at mga pilat, hindi rin pantay ang kulay ko dahil sa pagbibilad sa–"

"Kaya kong remedyuhan 'yan, Senda." Nakabungisngis na wika ni Patruska. "May mga inalagaan na akong mas malala pa ang kundisyon ng balat kumpara sa 'yo at ang lahat ng iyon ay naremedyuhan ko naman."

"Sa loob lang ng dalawang araw?" tanong ko rito.

"Mas maikli pa ro'n."

Napabuntong hininga ako dahil habang tumatagal ang usapan ay lalo akong nababaon sa kumpurmiso. "Siguro naman 'yun na ang pinakahuling katangian."

Nagkatinginan si Patruska at si Inay Maria, "kung kinukumpirma mo 'yung sinabi mong kapag namatay kay ay siguradong mabubuhay ka ring muli, 'yun na nga ang pinakahuli sa listahan."

Alangan namang itanggi ko pa ang pananampalataya ko bilang isang Kristiyano.

****

Daig ko pa ang reyna nang makabalik kami sa kanilang kuta. Magkakaiba ang naglilinis sa magkabila kong mga kamay at mga paa. Iba rin ang naghugas at nag-ayos ng aking buhok. Iba rin ang nag-asikaso sa paglublob ko sa paliguang batya na puno ng gatas. Nilagyan pa nila ito ng iba't ibang talulot ng mga bulaklak.

"Huwag kang mahihiya sa susunod nating gagawin, Senda ha?" Ani Patruska. May hawak itong isang mangkok at tila may hinahlo ito roon. "Pagkaahon mo riyan, kailangan nating ipahid ito sa ano mo."

"S-sa ano ko?" hindi ko alam kung bakit ninenerbiyos ako.

"Sa..." tila nag-aalinlangan ito, "sa pagkababae mo."

"Ha?! Ano ba 'yan? Bakit?" niyakap ko ang sarili ko.

"Pinalagkit na pulot, asukal at kung ano-ano pa. Pantanggal ng buhok sa ibaba." Nakabungisngis na wika nito, "medyo masakit din ito kaya kaunting tiis lang, ha?"

"H-ha?! Kailangan ba talaga 'yan?"

Tumango ito, "oo, Senda. Para kapag sinisid ka niya riyan sa ibaba, matuwa naman siya."

"Eh bakit naman niya ako sisirin sa ibaba?" mangiyak-ngiyak na ako, "ano ako, dagat?"

[ITUTULOY]

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon