KABANATA 52

1.9K 186 17
                                    

Lucio's P.O.V.

Maingat akong bumalik sa hardin upang masigurong wala na roon ang pangkat nina Patruska. Wala na sila roon, ngunit wala na rin si Senda. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Nakatakas kaya siya?

"Ramiro!" Pagtawag ko sa punong sarhento ng mga ujier nang makabalik ako sa aking trono, "puntahan mo nga ang kuta nina Patruska sa palasyo. Nais kong siyasatin mo kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng mga kortesana."

"Masusunod po, panginoon." Agad din itong umalis.

Muli akong napaisip: Wala naman kay Senda ang mga katangiang ipinahahanap ko kay Patruska kaya malayo sa posibilad na ito ang inihahanda nila para sa akin. Para kaya saan kung bakit hinahabol si Senda ng mga ito?

Agad na nag-iba ng timpla ko nang pumasok sa aking isipan ang posibilidad na inihahanda nila ito para sa ibang lalaki sa loob ng aking kaharian, tulad ng ginagawa ni Patruska sa mga berheng kanyang nahihikayat na sumama sa kanilang samahan. Malaman-laman ko lamang na ito ang pinaplano nila kay Senda ay lalo silang malilintikan sa akin.

***

"Masyado pong tahimik sa kanilang kuta, Panginoon." Pag-uulat ni Ramiro sa akin makalipas ang kalahating oras. "Mukhang wala naman pong kakaibang nangyayari roon."

Hindi ako naniniwala. Siguro'y natunugan agad nila ang pagdating doon ni Ramiro. "Sige, makakaalis ka na."

Mukhang ako na naman ang kailangang humanap ng paraan para malaman ang nais kong malaman. Agad akong pumuslit patungo sa aking silid upang sikretong magsuot ng isa sa aking napakaraming maskara, na madalas ko namang ginagawa kapag naglilibot ako sa palasyo. Ganito ang ginagawa ko upang malaman ko ang mga nangyayari sa kapaligiran kapag ang sa tingin ng lahat ng mga nakatira sa Edenus ay nakatalikod ako. Ito ang ginagawa ko kapag may nais akong hulihin nang hindi natutunugan ng hinihuli ko. Ito rin ang gawi ko upang masaksihan ko ang mga bagay-bagay na nais kong masaksikhan na walang ibang nakakaalam kundi ako lamang.

Batid kong ang mga Sarangay at mga Aswang ang pinakamahihilig tumambay sa kuta nina Patruska. Ngunit dahil hindi naman naglalakad ang mga Aswang sa halimaw nilang anyo sa araw ay mas pinili ko nang isuot ang maskara ng Sarangay upang maikubli ko ang kabuuan ng aking ulo.

"Anak ng... ang init!" bulong ko sa sarili ko habang binabagtas ko ang madilim at mainit na laberintong patungo sa kuta nina Patruska. Hindi ko tuloy malaman kung pagsisihan ko na ang makapal at mabigat na maskara ng Sarangay pa ang aking isinuot. Mga sungay ng kalabaw pa lamang ay napakabigat na, dumagdag pa rito ang iba pang materyales na yari sa tunay na balat ng hayup.

Pawis na pawis na ako at hindi halos makahinga nang makarating na ako sa kuta, kaya nang masiguro kong wala namang nakatingin ay tinanggal ko muna ang maskara upang makalanghap ako ng sapat na hangin upang muli akong makapagpatuloy sa aking pagbabalatkayo. Nagmadali naman akong isuot itong muli nang makaranig ako ng hiyawan na nagmumula sa pinakaunang silid. Agad ko tinungo ang silid na iyon at pinakinggan ang ingay mula sa labas ng pinto. Hindi naman ako tanga at inosente upang hindi malaman na ungol ng babae't lalaking nagtatalik ang ingay na nagmumula roon.

Lumipat ako sa sumunod na pinto. Ganoon din ang narinig ko. Gayun din sa sumunod at sa iba pang mga silid na nadadaanan ko.

"Aba't ang mga inutil na ito." Nayayamot na bulong ko sa sarili ko, "kaya naman pala nangangawala sa paligid sa ganitong oras, puro kalibugan ang inaatupag. Tirik na tirik pa ang araw ah!" Patuloy akong naglakad at nakinig sa bawat pinto. Nagbabakasakaling mabobosesan ko si Senda kung sakaling naroon nga siya.

"Putang ina!" dala ng kabuwisitan ko nang makarating na ako sa dulo. "Ang mga walanghiyang ito! Ginawa niyo pang bahay parausan ang aking palasyo! Ito na nga ba ang sinsasabi ko! Kaya kailangan ko na talagang buwagin ang pangkat nina Patruska! Malaman-laman ko lang na inihahanda nito para sa mga inutil kong mga tauhan si Senda, hindi ko lamang ipagigiba itong kuta nila, ipadadala ko pa silang lahat sa balong walang hanggan upang doon sila pagpiyestahan ng mga demonyo!"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon