WA 20 - Arro's Cursed Heir

78.4K 2.8K 1.4K
                                    

The end is near. Again, mabilis ang update kapag nag co-comment kayo ng maayos at hindi puro hingi lang ng update :)

CHAPTER TWENTY

ARRO'S CURSED HEIR

Nasa pinakagitna na ata kami ng kagubatan dahil mas mataas na ang mga damo dito. Masakit na rin sa paa dahil may ibang kumakapit sa balat ko. Masyadong matalahib.

"Aray!" Impit na sigaw ni Wina. Napatingin ako sa kanya na nakasalampak sa damuhan at namimilipit sa sakit.

"What happened?" Kaagad siyang dinaluhan ni Uryll. Napapangiwi siya sa sakit. "Hey, tell me..."

"May sugat ako." Sabi niya habang hinahaplos ang parteng masakit sa kanya. Kahit madilim, napansin ko ang malaking sugat sa may bandang tuhod niya. Lumuhod na rin si Briz at tinignan ang sugat niya.

"Shit! Uryll, malaki ang hiwa."

Dahil nataranta ako sa sinabi nila, naghanap ako ng pweding ipanlunas. "Hahanap ako ng halamang gamot." Sabi ko at iniwan sila para maghanap.

Nag-aalalang nagtatanong si Uryll, "Anong nakasugat sayo?"

"D-damo... hindi ko alam... basta naramdaman ko na lang na mahapdi na ang p-paa ko hanggang sa parang kinukutkot ang balat."

Tinuruan ako ni mama kung papaano gumamit ng herbal medicines. May kaunting kaalaman rin ako sa mga dahong pwedeng gamitin sa panggagamot.

"Uryll, masakit!" Halos humalukipkip sa damuhan si Wina dahil sa sakit.

Gale squatted and inspectioned the wound. "What the—may lason ang nakasugat sa kanya." Sabi niya at hinila si Uryll at Briz. "Pwede siyang maparalisa kapag hindi natanggal ang lason sa paa niya!"

Sumigaw si Briz. "Nathalia, ano na? Meron na ba? Nag pa-panic na sila dahil sa sinabi ni Gale. Umiling ako at itinuon ang atensyon ko sa paghahanap. Norman helped too. Sabi naman niya may alam siya kahit papaano. Pero natigilan ako nang maalala ko ang sinabi ni mama sa akin dati.

"Anak, kapag sakali mang matinik ka ng mga halamang may lason, gayahin mo kung papaano magtanggal ng lason kapag nakagat ng ahas. Sipsipin mo lang ang dugo at iluwa hanggang sa mawala ang lason at bubuti ang pakiramdam niya. Doon mo na lang lagyan ng panlunas para maibsan ang kirot at pamamaga."

Dahil wala na akong panahon para bumalik pa sakanila, sumigaw na lang din ako. "Sipsipin niyo hanggang sa mawala ang lason! 'Wag na wag niyong lulunukin.... Kayo muna ang bahala dyan at maghahanap ako ng panlunas."

"Sigurado ka ba dito, Delacroix?" sigaw ni Uryll na may halong inis sa akin.

Gusto ko siyang gawing abo sa mga oras na 'to! Pero dahil nasa panganib ang kaibigan ko, papalampasin ko na lang siya ngayon.

"Pwede bang gawin mo na lang ang sinasabi ko sayo kung ayaw mong malagay sa kapahamahakan si Wina!"

"I don't c—"

Natigilan kami nung nainis na sumisigaw si Briz. "I'll do it! Damn it! Ang ingay niyo!" Saka niya itinapat ang bibig niya sa sugat ni Wina. Walang pag-aatubiling sinipsip niya ang sugat at napaluwa pagkatapos. Ibinalik niya ulit.

Dada ng dada si Uryll! Puro sigaw.

Nakakabwisit talaga.

I felt the uneasy feeling when I saw Briz. Kailangan niyang mag ingat dahil kapag may natira sa bibig niyang lason, siya ang mapapahamak. That's what I thought.

Bumalik ang atensyon ko sa paghahanap hanggang sa may makita akong Cuef—halaman na pwedeng pamatay sa lason. Hindi man kaagad eepekto pero malaking tulong na rin 'to. Napag-aralan ko 'to sa bahay namin. Mabalahibo ang Cuef at medyo madulas kaya dinahan-dahan ko ang pagkuha. Pumitas ako ng marami at patakbong bumalik sa kung saan man sila ngayon.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon