35: Denver's Birthday

14.8K 776 85
                                    

| DENVER'S BIRTHDAY |

STEVEN'S P. O. V

UMAGA na nang makarating ang lahat dahil natapos na raw nila ang mga misyon nila. Ang iba ay nagkaproblema habang ang iba naman ay agad daw natapos ang misyon pero pinili nilang magpahangin sa labas kaya natagalan silang makabalik.

Namo-mroblema kami hindi lang kay Ate kundi pati na rin kina Stella at Eunice.

Ayon kay Rance, napilitan raw barilin ni Stella ang lalaking papasugod sa kaniya at mula roon ay nanginginig na ito at natulala.

Ayon naman kay Vincent, takot daw sa dugo si Eunice. Bigla na lang daw itong bumagsak kanina nang barilin ni Lucifer sa leeg ang lalaki na muntik bumaril kay Vincent.

Based from their story, these two women can't fight with their fears.

Ate is still not coming out of her room. It's already lunch time and she really needs something to eat.

Nasa harap ako ng kwarto niya at susubukan ulit na kumatok baka sakaling lumabas na.

"Ate, kain na tayo. Maraming niluto sina Storm and Deth." Aya ko sa kaniya habang patuloy sa pagkatok.

"Sige, baba na lang ako."

Napangiti naman ako nang sumagot na siya. "Sige, ate. Hintayin ka na lang namin sa baba."

NANG makababa ako, nadatnan ko si Zairus na inaasikaso si Stella habang si Wolf naman kay Eunice. Ang mahaharot nga naman. Pero kahit ganiyang mga 'yan, maasikaso talaga sila lalo na kapag may nasusugatan sa amin kaya hindi ko mahaluan ng malisya maliban na lang kay Zairus na girlfiend na si Stella...?

Napapansin kong may kakaiba kina Chaos at Deth na nakaupo sa couch at may pinag-uusapan. Mukhang seryoso yata dahil sa itsura ng mga mukha nila. Siguro dahil ito sa saglit na pagkawala ni Chaos.

Nilingon ako ni Deth kaya napakamot ako ng ulo ko. "Bababa na raw si Ate."

"Good to know," sabi niya saka sabay silang tumayong dalawa ni Chaos.

"Let's eat," sabi ni Zairus saka hinawakan ang kamay ni Stella at iginiya papunta sa mesa. Ganun din ang ginawa ni Wolf kay Eunice na nanginginig pa rin ang mga kamay hanggang ngayon.

"Ate!" Sigaw ko nang makita kong pababa na siya.

"Ano'ng ulam?" Tanong niya nang makababa siya saka dumiretso sa mesa at naupo sa upuan. "Sino nagluto nitong tinolang manok at adobong manok? Parang liliparin na tayo nito after nating kumain, ah."

Mahina akong natawa saka itinuro si Deth at Storm. "Silang dalawa."

"Bakit nandito kayo Chaos at Storm? Pati na rin kayong dalawang maharot? Nakakain na ba ang mga alipores niyo sa kabilang room?" Tanong ni ate sa apat na hindi naman dapat nandito.

Tumaas ang isang kilay ni Deth. "Kung ayaw mo-"

"Sino'ng nagsabing ayaw ko?" Mataray na tanong ni Ate saka tumayo at nagsandok na ng pagkain. Umupo na rin kami nina Deth, Chaos, at Storm. Sina Wolf at Zai naman ay sinandukan na ng pagkain sina Eunice at Stella at inilagay sa harap ng mga 'to ang plato.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon