Chapter Twenty

2.4K 179 26
                                    

Thalya decided to attend James and Sora's wedding. Kahit gusto niyang hindi pumunta ay wala siyang nagawa sa labis na pangungulit ni Cece sa kanya. Umabot pa sa puntong ito mismo ang sumundo sa kanya sa opistal upang ideretso sa Estate nito upang doon muna pansamantalang tumuloy habang hinihintay ang araw ng kasal.

She couldn't understand why Cece was so adamant to make her attend the wedding. But because she owed her a favor, pumayag na lang din siya sa gusto nito. Hindi naman siya masyadong na-bore dahil nag-eenjoy din naman siyang makipag-laro sa dalawang anak nitong sina Zakki at Maverick. She helps Kara take care of them while Cece and Derrick are at work. So kahit papaano ay may ginagawa siya.

"Ate Thalya. Paki-karga muna si Zakki ah, ihahanda ko lang ang breastmilk ni Maverick."

"Sure."

Kinuha niya kay Kara ang bata. Habang nilalaro sa kandungan si Zakki ay panaka-nakang binabalingan niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. No messages or anything. Hindi na naman niya mapigilang mainis. She haven't heard about River for three days now. Matapos niyang ma-discharge sa hospital ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Hindi niya iyon maintindihan. As far as she knows, he's on vacation. At ayon kay Magnus ay hindi naman ito umalis ng bansa. So what else could he be doing at hindi man lang siya nito mapuntahan o matawagan?

Probably tumbling on the sheets with another woman?

Agad dumilim ang kanyang anyo sa naisip. For an unknown reason, the thought of him in bed with another woman pisses the hell out of her.

She took a deep breath then chuckled sarcastically.
"Kumalma ka nga Thalya. You do know you sound like a jealous girlfriend, don't you?"

Napapitlag siya ng isang marahas na hampas ang biglang dumapo sa kanyang mukha. Gulat na nagbaba siya ng tingin. Ang naka-irap na mukha ni Zakki ang sumalubong sa kanya.

"Did you just slap me?"

He just blabbered a series of nonsense speech. Ngunit pakiramdam niya'y tila siya nito pinagsasabihan sa klase ng tinging ipinupukol nito sa kanya habang nag-iingay.

He's only a child but his expression already speaks several words. Call her delusional but she could read the word 'stupid' from the way his blue eyes are staring at her.

Muli siyang natawa habang iiling iling.

"Alam mo, mana ka sa tatay mo." Marahan niyang inihilamos ang palad sa mukha nito. "Stop looking at me like that, brat. Magkaka-wrinkles ka niyan ng maaga sige ka."

To her surprise, Zakki started to wail as if to give her an answer. She laughed when he suddenly pouted. He looked so cute!

Pinanggigilan niya ang matataba at siksik nitong pisngi na ikina-ungol nito. Napangisi siya.

"I want to have a son like you someday. A cute baby boy with a pair of beautiful brown eyes, brown skin and a care free personality just like his father—"

Natigilan siya sa tinuran. Wala sa sariling kinuha niya ang kamay ni Zakki at ginamit iyon upang pasasampalin ang sarili. Pulang pula ang mukhang sumubsob siya sa dibdib nito.

Nababaliw ka na ba Thalya? How could you imagine a baby boy that resembles River? May balak kang magpabuntis sa lalaking iyon?



Comrades in Action: River Nuniez Book 8Where stories live. Discover now