Chapter 11

91 17 17
                                    

Chapter 11

KAINIS! Simula kahapon, nung nakakahiyang scene na yon, jusko nakakahiya! Sana kinaina nalang ako ng lupa.

Hanggang ngayon nahihiya parin ako kahit na ako lang naman ang nakakaalam ng mga bagay na yun.

Anong bagay? Yung part na munti na akong maniwala sa sabi sabi. Na kung magslow motion daw— ugh, I f*ckin' hate this thing!

'Ilusyunada kasi.' sigaw ng isang bahagi ng isip ko. 'Oo na! Ako na feelingera... Kasi naman, eh.'

"Miss Guerrero, are you listening?!" napabalik ako sa katinuan dahil sa malakas na sigaw ni Ma'am Wendy, siya ang teacher namin sa Earth and Life Science.

Napakastikto niya, nung first class meeting namin takot na takot kami sa kanya, pero sabi niya strikto siya kung sa klase niya dahil gusto niya may matutunan kami sa kanya. Kung wala naman kaming klase friendly naman siya pero 'wag daw siyang gawin barkada, dapat palaging may respeto sa teacher and dapat lahat daw ng student alam ang limitation ng pagiging friendly sa teachers. May isa kasi kaming classmate, si gold, kung naalala niyo pa, si Mia, ginawa niya barkada ang teacher and my pa-palo-palo pang nalalaman kaya ayun, opening palang pahiya agad.

"Miss Guerrero!"

"M-ma'am?" takot na usal ko. Patay na naman ako neto.

"Kulang ka ba sa tulog at ganyan ka sa klase ko?!" nakakatakot na tanong niya. I heared my classmates laugh. Aw, happy yarn? Mabulunan sana kayo! Hindi sana kayo i-crush back ng crush niyo! Wala sana kayong love life gaya ng writer ng story na'to!

"Napuyat po kasi ako kagabi ma'am." pag-aamin ko. Totoo naman kasing napuyat ako. Dahil yun sa kahihiyan.

"Ano naman ang dahilan bakit ka napuyat?" tanong niya. Ang bata niya tignan kaso kung makapagtanong sobrang nakakatakot. Nagbaba ako ng tingin at pinagkiskis ang mga palad ko.

"Some family problems lang po ma'am." sinungaling yon. I know, okay? Please forgive me my lord for I have sins.

"Bakit anong problema sa inyo?" tanong niya ulit. Bapaka-chismosa naman nito. Pareho sila ni ma'am P.E. Hayst. Ipagpatuloy nalang sana niya ang pagtuturo, sabagay new teacher lang naman siya dito.

"Uhm..."

"Magsasalita ka ba or palalabasin kita dito sa klase ko?!" sigaw niya. Tumaas ang kilay ko, nakayuko parin. Ay wow, demanding ang teacher, 'teh.

"Ma'am, those kind of problems are too persona—" I said and I was cut off.

"Personal! Sana hindi ka ganyan para—"

"Ma'am,  that's too personal. Alexandria just can't tell anybody those kind of family problems. We should take that thing seriously and we must respect their situation. Hindi po kailangang ma-spill po ni Alexandria ang family problem nila, lalo na sa buong klass." si Anthony na nasatabi ko. Tumingin ako sa kanya. I'm shock. Nagbaba ulit ako ng tingin ng lumingon siya sa akin. "Sana po maintindihan niyo. Mas mabuting palabasin niyo nalang po si Alexandria kung ganon po...." nahulog ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sinabi niya. "At palabasin niyo narin po ako kung ganon." dugtong niya. Tumingin ulit ako sa kanya, gulat sa mga pinagsasabi niya.

"Okay. Miss Guerrero and Mr. Edrada, get out. I will mark you two absent for to day..." sabi ni Ma'am Wendy at bumalik na sa harap.

Tumayo na kami ni Anthony, siya pa talaga ang nagbitbit ng bag ko. Excited lumabas ang g*go. Nakatingin ang mga kaklase namin sa amin. Narinig ko pang dapat gayahin daw kami para makalabas din sila dahil bored na raw sila.

"Alex, isama mo ako." bulong ni Ley nung nadaanan namin siya. Mayor pa naman siya sa section na ito, tapos gayan siya?! The heck Ley!

"Mayor ka pa naman, gayan ang iniisip mo." mahinang bulong ni Ella na sakto lang para marinig namin na malapit.

Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now