33. Summon

257 32 3
                                    


Farrah

"Sino yun?"

Agad akong hinila ni Aifrel upang lumabas mula sa lagusan nang makarinig kami nang may sumipol sa lagusan.

Inihipan ni Cain ang apoy mula sa kanyang lampara at naghanda kami sa silid.

Inihanda ko ang aking pana habang nakatapat sa aparador.

Palapit nang palapit ang sipol kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa tali ng pana.

Nang matulak na ang pintuan ng aparador ay binitawan ko na ang tali at muntik na ito tumama sa ulo ng binata, sinadya kong iiwas yun.

"Woah! Woah! Saglit!" Pigil ng lalaki at inilapag ang dala n'yang supot.

"Sino ka?" Tanong namin.

"Ako lang 'to, ang gwapong si Lupin—"

Tinutukan s'ya ni Cain ng espada,

"Ako si Lupin, magnanakaw mula sa bayan, 'wag n'yo akong paslangin pakiusap." Mabilis na pakilala n'ya at lumuhod pa.

"M-magnanakaw? Paano mo naman nalaman ang lagusan?" Tanong ni Cain.

"Ewan, may tanga kasing nag-iwan na bukas ang pinto roon sa balete kaya pumasok ako." Sagot n'ya.

Umiwas kami ng tingin ng kapatid ko at umubo pa s'ya.

"Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng sahig." Biro ko habang nakatungo.

"Kayong dalawa talaga..." pilit na sambit ni Cain.

"Ano ang nanakawin mo sa palasyo?" Tanong ni Cain.

"Hala, mahal na duke ibibigay mo ba—"

"Hindi, tinatanong ko lang." Putol ni Cain sa sasabihin ni Lupin na ikinatawa namin ni Aifrel.

"Galing ka sa labas diba? Ano ang nangyayari sa labas?" Tanong ni Cain sa magnanakaw.

Sasagot na sana ang magnanakaw nang makaramdam kami ng lindol likha ng malakas na pag-sabog.

"M-may gyera nang nangyayari sa labas." Sagot ng magnanakaw.

"HALUGHUGIN ANG MGA SILID AT HANAPIN ANG PRINSESA!" Isang pamilyar na boses ang narinig mula sa labas ng pinto.

"Prinsesa?" Pagtataka ko.

"Oo kapatid ko, hinahanap ka ni Adam." Sabi ni Aifrel at hinila ako pabalik sa aparador.

"Umalis na tayo rito, tiyak na mapapalibutan tayo kung mananatili pa tayo rito." Sabi ni Aifrel.

"Cain, saan ang susunod na daanan?" Tanong ni Aifrel.

"Sa kanan tayo, may gagawin ako sa kwarto." Anito at naunang mag-lakad.

"Ganito pala talaga kalapad ang palasyo?" Mangha ng magnanakaw.

"Tumahimik ka kung ayaw mong ihulog kita sa bangin." Banta ng kapatid ko.

"Pagpasensyahan mo na kapatid ko, masama kasi loob nito ngayon." Bulong ko kay Lupin.

"Ayos lang prinsesa, sanay na ako na ganito ang ugali ng mga nasa mataas na antas." Tugon n'ya.

Tinaasan ko s'ya ng kilay, "ang lakas mo magnakaw tapos mahirap ka pa rin? Anong klaseng diskarte ba ginagawa mo?"

"Naku prinsesa, kahit magaling ka mag-tago mula sa mga kabalyero at kahit gaano ka kagaling magnakaw, napakahirap talaga ng buhay sa bayan. Hanggang salita lang talaga ang mga tao mula sa imperyalismo." Kwento nito.

Napatigil ang dalawa sa sinabi ni Lupin na animo'y hindi nakailag mula sa kanyang mga salita.

"Sabi ko nga tatahimik na." Pilit na ngumiti si Lupin.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon