Chapter 143

827 57 5
                                    


Blangkong ekspresyon sa mukha ni Prinsesa Eglantine habang nakadungaw siya sa bintana ng karwahe na kaniyang sinasakyan. Inabot na siya ng gabi mula sa pagtitingin niya sa mga naiwan na trabaho ng dating prinsipe na ngayon ay hari na ng Aliron, si Mival.

Para sa kaniya, hindi naman siya nahirapan habang sinasabi sa kaniya ng mga nakausap niyang Biconde at Baron tungkol sa trabaho. Bagamat, mas nadadalian pa siya dahil na rin sa pamamagitan ni Rini, hindi mababa ang tingin sa kaniya ng mga opisyal. Maganda ang trato ng mga ito sa kaniya. Bukod pa doon ay walang labis at walang kulang sa mga impormasyon na kaniyang hinihingi kaya naiwasan niyang malito. Labis siyang nagpapasalamat sa mga librong nababasa niya sa silid-akalatan sa mahabang panahon. Laking tulong ng mga kaalaman na naipon niya upang mahawakan niya ng maayos ang trabaho na ibinigay sa kaniya ng emperador ng Thilawiel, si Emperador Audrick.

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga sa mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa salamin ng bintana saka nagpangalumbaba. Mula sa kaniyang kinalalagyan niya ngayon, tanaw niya ang magandang Palasyo ng Thilawiel. Lihim siya napangiti habang sinasariwa ng kaniyang isipan ang mga alaala na pananatili niya sa lugar ng kaniyang tiyuhin. Hinding hindi niya makakalimutan ang panahon na unang beses siyang tumapak doon buhat na inilibing na ang kaniyang ina, ang dating prinsesa at kapatid ni Emperador Audrick.

Isang tahimik at mahiyain na batang Eglantine ang sumulpot sa harap ng mga Cairon ng mga panahon na 'yon. Bagamat kilala niya ang mga prinsipe ng Thilawiel, ni minsan ay hinding hindi niya ito nakakausap o malapitan man lang dahil inuunahan na siya ng hiya at takot. Subalit, hindi niya sukat-akalain na ang mga ito pa ang lalapit sa kaniya. Itinuring siyang kapatid ng mga ito. Ibinuhos ng lahat ng makakaya ng mag-aamang Cairon ang atensyon at karangyaan na mayroon ang mga ito. Sinubukan man niyang itugma ang kaniyang sarili kabilang isa sa mga myembro ng Pamilyang Imperyal subalit hindi maiwasan na nanunumbalik sa kaniya ang mapait niyang nakaraan. Lalo na't nasaksihan niya kung papaano pinaslang ng mismo niyang ama ang kaniyang ina. Ginapangan siya ng takot na sa oras na malaman ng mga opisyal at ang grupo ng mga lipunan tungkol sa insidente na 'yon ay umiba na din ang tingin sa kaniya---na anak siya ng kriminal. Kung kaya't pinili niyang magkulong sa apat na sulok ng Palasyo.

Naputol ang paggugunita niya nang tumigil ang karwahe. Napaupo siya ng tuwid. Kusang kumunot ang kaniyang noo sa pagtataka. Nang umahon na ang kuryusidad sa kaniyang sistema, pinihit niya ang pinto ng karwahe hanggang sa tumapak na ang kaniyang mga paa sa lupa na nasa pusod ng kagubatan. Tumambad sa kaniya ang mga kasama niyang mga nakatalagang tagapagbantay na mismo ang kaniyang tiyuhin ang pumili para sa kaniya. Nang natunugan ng mga ito ang kaniyang paglabas ay agad siyang nilapitan ng mga ito.

"Anong nangyayari?" hindi niya mapigilang magtanong. May bahid din doon ng pag-aalala.

"Mahal na prinsesa, nakikiusap po kami na manatili po kayo sa loob." wika ng isa sa mga tagapagbantay. "Nakutuban po namin na hindi maganda ang pagtawid dito. Naisip po namin na dadaan nalang tayo sa ibang ruta."

Susundin na sana niya ang payo ng tagapagbantay na 'yon nang bigla sila nakarinig ng yabag ng mga kabayo na hindi kalayuan sa kanila. Agad niya nilihis ang kaniyang tingin sa direksyon kung saan nanggaling ang tunog na 'yon. Naniningkit ang mga mata niya. Hanggang sa natatanaw na niya ang mga kabayo na 'yon na hindi lalagpas sa sampu. May mga sakay ang mga 'yon. At base sa kasuotan ng mga ito, matutukoy nilang mga nagbabantay din ang mga ito sa Palasyo. Pero bakit?

Nang tumigil ang mga bantay ng Palasyo sa harap nila, ay agad din bumaba ang mga ito saka mabilis siyang dinaluhan. Lumuhod ang mga ito sa harap niya.

"Prisesa Eglantine, narito po kami upang sunduin namin kayo." wika ng mga ito. "Kailangan ninyong magmadali dahil may masamang nangyari sa mahal na emperador."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon