Epilogue

24.7K 484 539
                                    

Jethro's POV

"Laya kana." sabi ng isang police sa 'kin. I smiled bitterly. I don't deserve to get out of here after of what happened.

Binuksan naman niya ang selda ko. "Sumunod ka sakin." sabi niya. Kaya dinala ko nalang ang mga gamit ko dito. Ilang taon din akong nakulong dito and I really deserved to be here.

Habang napadaan ako sa ibang mga selda ng ibang nakakulong dito ay hindi nila maisawang maging masaya para sa akin.

Dinala naman ako nitong pulis sa labas at doon ko nakita ang mga magulang ko. Mommy is alreadt crying for me.

"Anak!" at agad naman nila akong nilapitan. Maputi na ang buhok ni Mommy ganun na rin si Daddy. Ilang dekada na rin kasi akong nakakulong dito. Marami na ang nagbago. Si daddy ay naka wheel chair na kasi hindi na niya kayang maglakad mag-isa dahil sa katandaan.

Agad ko rin silang niyakap lahat. Nagpapasalamat talaga kasi ako sa kanilang dalawa kasi hindi nila ako iniwan at pinabayaang mag-isa. Hindi nila pinaramdam sa akin na mag-isa ako. Kasi palagi rin nila akong binibisita dito sa kulungan.

My Dad is also crying while hugging me and I can't also help to stop my tears from falling. Sa tanda kong 'to, ay umiiyak pa rin ako.

I almost stayed here in jail for 25 years and I can say that I really deserved it, all of it. Now, I'm already 45 years old. Maputi na rin ang mga buhok ko at mayroon na rin akong mahabang bigote.

Hindi ko inaakala na magiging ganito ang kahihinatnan ng buhay ko.

"Salamat naman at nakalaya kana, anak." nakangiting saad ng ina ko. Humiwalay na rin ito sa pagkakayakap sa akin.

Ngumiti naman ako. "Oo nga."

"You stayed here for so long, Jethro and I think because of that... you have already paid for the mistake you've cause." sabi sa akin ni daddy but I just shake my head.

No, dad. Alam ko sa sarili ko na kahit habang buhay pa akong makulong dito ay hinding-hindi ko mababayaran ang pagkakamali na nagawa ko.

Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko. "Oo nga, anak."

Hindi ko na lang sila sinagot at niyakap ko na lang sila ulit.

"Tayo na anak, it's time for you to go home. Umuwi na tayo marami kaming pagkaing hinanda sa bahay." sabi ni Daddy kaya napatango na lang ako sa kanya. Sa ilang dekada na pamamalagi ko sa kulungan ay hindi ko akalain na magkabalikan yung mga magulang ko. They have aldo changed a lot at nakuha ko na ring patawarin silang dalawa sa lahat-lahat.

Nagpapasalamat din ako sa pinsan ko na si Janine kasi she's the one who is running our business, and I will be forver indebted to her because I can't handle our business. My family and I trust her so much and we also did the right thing kasi hanggang ngayon ay wala pa rin namang problema. Minsan ay hindi ko maisip na mainggit kasi it should be me, ako dapat ang bumubuhay sa pamilya ko ngayon. Ako sana ang nagsusumikap, pero dahil sa nagawa ko ay hindi ko magawa-gawa ang mga bagay na iyon.

Pagkalabas namin ng presinto ay pumasok agad kami sa kotse ni daddy at inalalayan ko naman ang mga magulang ko. Meron na silang driver ngayon kasi hindi na kaya ni dad ang mag maneho.

Sa wakas ay nakalanghap na rin ako ng hangin galing sa labas. Ipinikit ko naman ang mga mata ko and I just want to enjoy this ride.

Alam kong hindi ko na deserve ang maging masaya sa buhay pero hindi ko naman maiwasang maging masaya ngayon. Kasi gustong-gusto ko na siyang makita kasi hindi ko man lang nakita si Vera sa huling pagkakataon. Ang sakit lang... kasi hindi ko man lang nagawang pumunta sa lamay nya because of his father. They didn't allow me to be there. Kahit makita man lang siya sa huling saglit ay hindi ko nagawa. Galit na galit ang ama ni Vera sa akin at lalo na yung pinsan niya at hindi ko naman sila masisisi. Kasi kasalanan ko naman ang lahat, kasalanan ko kung bakit siya namatay.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon