Prologue

1K 29 4
                                    

TRL

Manong o Don Leandro....

Serene's point of view

Humigpit ang hawak ko sa kadenang nakapulupot sa aking pulsuhan. My heart are racing, my body's are  shaking because of so much fear. I can only see the simplicity of the room because the only things here are two chairs and a double size bed. Walang kagamit-gamit kaya nagpadagdag 'yon sa takot ko. Tila ba kulungan talaga ito para sa isang tao lang.

"Bakit ba ako nandito?" I almost got stuttered because of fear. "Diyos ko, tulungan niyo po ako. Ilabas at iuwi niyo ako." I prayed.

Nakakangalay man ang posisyon kong nakatayo ay hindi ko pinutol ang pagtingin sa nakasaradong pinto na unti-unting umiingay. Marahil ay may sumusubok na buksan ito.

"Tulungan mo ako! Kung sino ka man! Please ilabas mo ako, ibabalik ko ang pabuyang nais mo, please-" natigilan ako ng tuluyang bumukas ang pinto. Hinihintay ko ang taong papasok mula sa bukas na pinto ngunit lumipas ang isang minuto ay walang nilalang ang pumasok.

Gusto ko na sanang mawalan ng pag-asa ngunit napaangat ako ng tingin ng makarinig ng tunog ng sapatos. Hudyat lamang na papasok na ang taong hinihintay ko. I blinked once pero pagkatapos ay hindi na ako kumurap at hinintay ang taong papasok. Unang nagpakita ay ang sapatos nitong mumurahin lang. Putikan at madumi. Nang humakbang pa siya ng ilang beses ay tumaas ang paningin ko mula sa kanyang pantalon na mukang luma na paitaas sa kanyang kulay kayumangging damit. Nang mapunta naman ang paningin ko sa kanyang mukha ay hindi ko agad ito naaninag dahil sa suot niyang kalo. Idagdag pa ang ilaw na nakatapat lamang sa akin kaya hirap akong maaninang ang kanyang pagmumukha.

Huminga ako ng malalim ng mapanatag. He looks like mabait. I hope he can help me.

"P-paano ako napunta dito? I-ibabalik mo ba ako sa'min? Pangako, p-papabuyaan ka namin, ni papang!" I desperately said, almost pleasing him–no, talagang nakikiusap na ako. Gusto kong punasan ang luhang nagbabadya pero hindi ko naman magawa.

My head are hurt, hindi ko alam kung anong oras ako nagising and since that time ng magising ako ay umiiyak na ako, because of this unfamiliar room–this place.

I heard his deep sigh, pero hindi parin nakita ang kanyang itsura. Nang makarating siya sa harap ko ay hinila niya naman ang upuan na katabi ng kama at ipinwesto sa harap ko. Sa lapit niya ay naaamoy ko na ang kanyang kakaibang pabango. I can almost fell asleep, napapikit ako sa uri ng kanyang pabanggo. Sandali lamang akong napapikit at nang iminulat ko ang aking mata ay sumalubong sa akin ang malapitan niyang mukha. His green eyes met mine, matangos ang ilong, maputi ang kanyang balat at mamula-mula ang kanyang magandang hugis na labi.

"S-sino ka?" I ask when I realize how we are so close. I distance myself from him, pero konti lang ang nagawa dahil sa kadenang pumipigil sa akin.

Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon sa mukha ng gawin ko ang paglayo sa kanya. Halos maihi lamang ako sa suot kong puting dress ng makita kung paano unti-unting kumurba ang kakila-kilabot na ngisi niya sa kanyang labi. Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay ng makita siguro ang sobrang takot sa akin.

"Bakit ako nandito?" medyo napalakas ang aking pagkakatanong kaya napamaang lang siya. Tila ba namamangha pa siya at nung tumabingi ng kaunti ang kanyang ulo at pagmasdan ako ng seryoso ay kinabahan na lalo ako. "S-sino k-ka b-ba? N-nasaan ang kidnapper? I w-will talk to him/her!"

THE RUTHLESS LUCIANO(ON GOING) Where stories live. Discover now