Chapter 11 (4/6/15)

677K 17.6K 3.1K
                                    

Chapter 11

 

[Timi’s POV]

 

Timi, kalma.

            Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin ng comfort room dito sa mall. Nag smudge na ang eyeliner ko at nagkaroon ng dalawang itim na guhit sa gilid ng mata ko. Mukha akong lumuha ng tintang itim

            KASALANAN MO ‘TO MONASTERIO!

            Nag hilamos ako. Binura ang marka ng luha sa gilid ng mata ko. Nag-retouch ako ng bongga. Yung magandang-maganda. Yung blooming. Yung mukhang masaya.

            Kahit deep inside mukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa.

            Matapos kong magpaganda ay taas noo akong lumabas sa restroom. Oonti na lang ang tao sa mall. Halos pasara na kasi ito.

            Tumingin ako sa kaliwa’t-kanan ko. Ewan. Nagbabakasakali na nandoon si Ice? Na baka sinundan niya talaga ako? Na magpapaliwanag siya sa akin at gagawin niya ang lahat pakinggan ko lang siya?

            Alam kong hindi na ako makikinig sa kanya. Hindi ko na kayang maniwala sa mga sasabihin niya.  

            Pero nakakainis. Yung hindi ko siya nakita, I feel disappointed.

            Timi, tama na.

            Napa-hinga na lang ako ng malalim at naglakad na ako papunta sa parking lot.

            Ang bigat sa dibdib.

            Nag e-echo ang boses ni Ice sa tenga ko.

            “I love you.”

            Five years ago, sinabi rin niya sa akin ‘yan. Hindi ko na matandaan ang pakiramdam ko nang banggitin niya yun. Hindi ko na matandaan kung gaano ako kasaya nun.

            Pero tandang-tanda ko pa kung gaano ako nasaktan.

            Nakakabaliw na sakit.

            Yung tipong gabi-gabi ako nagdarasal na sana panaginip lang ang lahat. Yung tipong pag gising ko, walang Ice na nag e-exist sa mundo ko. Na nasa panaginip ko lang siya.

            Naranasan ko nung panahon nay un ang kung paano magsisi ng husto na nakilala mo ang isang tao.

            Bakit ba siya nag transfer sa eskwelahan namin? Bakit ko ba siya nilapitan at sinubukang maging akin?

            Ang dami kong pinagsisisihan.

            Game over.

            Natalo ako noon.

            Noon.

            Ayoko nang maulit yun ngayon.

            Gustong gusto kong maniwala sakanya. Pero wag na. Nakakatakot.

            Ayoko nang matalo ulit.

            Pagkabalik ko sa apartment, nakita ko si Rika na nakasalampak sa sofa habang nanunuod ng movie at kumakain ng ice cream.

            Naupo ako sa tabi niya at tinignan ang pinapanuod niya. Doon sa movie, may isang multong nasa ibabaw ng cabinet habang nagtitilian yung mga nakakita.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon