Chapter 25

8K 648 228
                                    

Tris

Walang ganang itinaklob ko lang sa ulo ko yung kumot nang bumukas yung pintuan ng kwarto ko.

It's been days since Eris left. Yet, it still feels like it just happened yesterday.

Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob ko kay Mama. Galit pa din ako kay Mommy. Ayoko pa din makipag-usap kahit kanino.

I haven't heard anything from the Silvas. Kahit pa inaasahan ko na magwawala silang lahat matapos kong ipagpopost sa social medias ko lahat ng photos ni Eris na kasama ko sya. Lalo na yung mga photos na halatang wala itong saplot sa ilalim ng kumot ko.

I made it clear that no other person can own Eris other than me. She's mine! A clear statement na kung sino man ang magtangka na agawin ito ay masasaktan lang dahil hindi kailan man mapapasakanila si Eris na gaya ng kung paano naging akin yung babae na iyon.

I want to piss off all of the Silvas. Yung magwawala ang mga ito at susugurin ako. Pipilitin ako na pananagutin sa ginawa ko kay Eris.

And I will be more than willing to marry Eris and get this shit all done.

It's been days.

Days.

But I haven't heard anything at all.

Para bang bula lang ako sa lahat ng mga Silva na hindi man lang pinag-aksayahan ng mga ito ng oras.

Ni isang tawag nga sa kahit sinong myembro ng pamilyang iyon ay wala akong natanggap.

Mom isn't even forcing me to go and chase Eris. Hinahayaan lang ako nito magmukmok dito sa kwarto. Gaya noon, wala pa din itong pakialam kung nasasaktan man ako o hindi.

No one's even asking me if how I am coping up.

Damn! I am starting to think on what's wrong with me. Bakit ba paulit ulit akong tinatanggihan ng mga taong gusto ko?

Una si Elle. Pagkatapos naman ngayon ay si Eris. Yung pandak na bubwit na yon na akala mo pinagpala naman sa kagandahan matapos akong sabihan na sawa na daw sya sakin at may bago na syang prospect.

Letseng pandak na yon. At kung sino naman yung bagong prospect nya? Sigurado ako na saksakan ng pangit yon!

"How long are you planning to stay here, Tris?"

Napaungol ako ng malakas nang may naghawi ng kurtina ng kwarto ko kasabay ng pagbaha ng sinag ng araw sa loob ng kwarto ko.

It's been days that I haven't seen how beautiful every day was. Ngayon na lang ulit.

"Get up. Maligo ka na muna para pumresko naman yang pakiramdam mo. Hapon na pero nakapantulog ka pa." Hinatak pa ng pangahas na iyon yung nakataklob sa akin na kumot.

"Get out, Ma. I've got no time to pretend oblivious right now." I dismissed her using a cold tone na hindi ko masyadong ginagamit dito dahil nga sa sobrang matampuhin nito.

"Anak.."

Kung dati ay matataranta na ako pag naririnig yung tono nitong ganoon, ngayon ay mas gusto ko na lang na pumikit at matulog ulit. Nagtatampo pa din ako dito.

"I want to be alone, Ma. So please?"

"Galit ka pa din ba?"

Nang hindi ako sumagot ay naramdaman ko yung marahang pag-alog ng kamang kinahihigaan ko. Indikasyon na umupo ito sa gilid niyon.

"Tumawag ako sa bahay nila Eris kahapon."

Agad akong napatanggal ng talukbong at napaupo nang marinig yung sinabi nito.

AeipathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon