39. Wrong Abduction

224 34 1
                                    

Julia

Nang makarating sa silangan ay hinarangan kami ng mga kawal.

"Patawad prinsipe, ngunit delikado ngayon sa palasyo." Sabi ng kawal.

"Nagpadala ng liham ang dama ng prinsipe sa'kin kaya ako pumunta rito." Sabi ng Prinsipe Aifrel at pumasok sa palasyo.

Sumunod kami sa kanya at halos mapatakbo kami upang makarating nang mabilis sa pinangyarihan ng gulo.

"Narito na tayo." Anito.

Nagmasid ako sa paligid, "Ako na lamang maghahanap, gawin n'yo na ang mga dapat n'yong gawin." Sabi ko.

"Fergus, pumunta ka ng bartolina at tingnan mo kung paano tumakas ang prinsipe roon, huwag kang mag-alala may mga kasama ka roon na mga kawal." Paliwanag ng prinsipe sa kanya.

Agad na sumunod si Fergus at lumisan ng silid.

"Magpapahinga muna ako, ang sakit ng katawan ko." Anito at humilata sa kama.

Naka-upo ako sa lapag at nagmasid ng maaaring gamiting ibedensya.

Iniusog ko ang paanan ni Prinsipe Aifrel nang may makita ako sa ibaba ng kama.

"Huwag mo nga galawin ang paanan ko." Reklamo nito.

Kinuha ko ang piraso ng butones at inilagay sa puting tela. Pamunas 'to sa kusina na naibulsa ko kanina dahil sa pagmamadali, malinis naman ito.

Dumako ako sa bintana at sumuri roon. Tama nga ang hinala ko...

May piraso ng tela na naipit sa hawakang bahagi ng bintana, tiyak na dahil sa pagmamadali ay hindi nito napansin. Inilagay ko rin iyon sa puting tela at binalot.

"Ito na ang ibedensya." Ibinigay ko sa prinsipe.

Binuksan n'ya ang puting tela at nakita ang dalawang bagay na iyon ngunit parang hindi s'ya sang-ayon.

"At paano naman naging ibedensya ang piraso ng tela at ang butones?" Pagtataka n'ya.

"Tiyak na galing sa salarin ang butones at sa prinsesa naman ang bahagi ng tela na iyan." Sabi ko.

Sinuri n'ya ang butones na tila'y may inaalala.

"Si Mustafa nga ang dumukot sa prinsesa..." Usal nito at rinig ko pa ang pag-hinga n'ya nang malalim.

"Paano mo naman nasabi? Masamang magbintang, kamahalan." Aniko at nagpatuloy sa paghahanap kung may ibedensya pa.

"Bibintangan ko kahit sinong gusto kong pagbintangan." Anito.

'Aba't sumasagot na 'to.'

"Hangga't wala ka pang sapat na ibedensya ay ipinagbabawal na magbintang ng isang tao." Sabi ko.

Bumangon s'ya upang harapin ako kaya walang takot ko s'yang hinarap pabalik.

Hinila n'ya ako at ibinagsak sa kama. Hinawakan n'ya ang pulsuhan ko upang hindi makawala, "alam mo naiinis na ako sa'yo."

"Dapat lang na mainis ka, kamahalan." Walang takot na sagot ko.

Mabilis na dumampi ang labi n'ya sa labi ko at mabilis ko ring isinipa ang pribadong parte ng katawan n'ya dahil sa gulat.

"Aray!"

Namilipit s'ya sa lapag at ako naman ay bumangon at sinamaan s'ya ng tingin.

"Iyan ang napapala mo, bwesit ka! Irereserba ko pa naman ang unang halik ko para sa babae at nanakawin lang ng prinsipeng katulad mo?!" Inis na hiyaw ko sa kanya.

Natawa s'ya bigla kahit ika-ika s'yang bumangon.

"Babae ka pa rin naman, malambot ang labi." Pilyong anito at pinadaan pa ng dila ang ibabang labi.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon