Chapter 44

932 52 15
                                    

Warning R-18 ....























char practice lang.

Umasa ka ba? 'Wag kana umasa masasaktan ka lang.

••••

Arabella’s Pov

Ang bilis ng panahon ano? Parang kanina lang june palang ngayon july na katulad nga ng sinabi nila mabilis ang panahon, mabilis na may nagbabago. katulad ng pagiging sweet niya sa’yo ang bilis mawala at naging cold siya.

Cold iyan?

Sa dami nangyari sa june wala na ako alam bakit nag july pa at malamit na ang exam. Pinuri ng mga teacher namin iyong room namin ang ganda daw sabi pa nga ng iba na. Linis now, vandelism later. Edi wow!!!!! Sila mama naman andito na ulit sila pati si Jays dito na ulit doon pala siya natutulog aba dapat lang.

Nagiging close ko na ang mga ka-seksyon ko pati mga ibang kasama ko sa club tsaka sila Logan bati kami hindi ako inaaway, si Ruru naman sinusungitan parin ako si Adrian bati na kami si Deven close na kami si Nathan pinapahiram na ako ng libro si Ruru lang talaga ang ang naiiba kaya dapat dinidispatcha na siya ng council.

Kase ang sungit sungit parin niya!

Nagiging busy nadin ako tapos hindi ako palagi nag g-gadget kaya dapat tinuturan niyo ako!

Totoo ’yon!

Naka-upo ako sa study table ilan besses ko na inaaral ang korean palpak parin, may sinaggest nga sa’kin si Kevin na manood ako ng k-drama kaso ayoko. Ano magagawa ko doon? Wala naman. Pati mas gusto ko ang disney kesa doon.

Sabado ng july ngayon at wala at gusto ko maggala kaso wala ako kasama naligo na ako kanina umaga at tanghali na ngayon. Kinuha ko ang dictionary at lumabas ako ng kwarto tsaka bumaba, kukuha muna ako ng tubig pumunta ako sa kusina pero hindi pa ako nakakapasok ng may narinig ako nausapan kaya nagtago ako.

“Ano bang nangyayari kay Gello?” Tanong ni Mama?

“Hindi ko nga alam at busy iyon, Jen.” Ani ni Tita emma?

“Hayaan niyo na makakaya naman ni Gello iyong kompanya.” Ani naman ni Tito klen?

“Nga pala ... Paano ’pag kinuha si Ara ng papa niya?” Rinig kong tanong ni Tita emma.

Papa ko? So hindi ko nga totoong tatay ang papa ni Jays?

“At sa tingin mo o, nila ay makukuha agad nila si Ara? Ako ang ina at ako ang masusunod.” Rinig kong matigas na sambit ni mama.

“Jenlliena, Baka nakakalimutan mo anak din niya iyan?” Rinig kong sabi ni Tita emma.

“Kung hindi lang niya sana ako–” Hindi ko narinig ang sumunod na sinabi ni Mama dahil may kumalabit sa’kin.

“Masama iyan, ihja.” Ani ni manang na bagong katulog napapikit naman ako at nagmulat.

“Manang, sa susunod po h’wag po kayo manggugulat. Gugulatin po kase ako.” Ani ko sakaniya ngumiti naman siya at tumango.

“Oh, siya sige na pumasok kana sa loob at h’wag ka makinig sa usapan ng matatanda.” Ani ni manang kaya napasimangot ako, pumasok ako sa kusina at kumuha ng tubig ramdam ko na tumigil sila sa pag-uusap.

Bakit kayo tumigil? Rinig ko naman kayo sa labas ng kusina.

Pagkatapos lumabas na ako ng kusina at tahimik parin kaya napabuntong hininga ako at lumakad na't lumabas papunta sa garden at pumasok sa maliit na bahay tsaka at humiga doon sa higaan at binuksan ang dictionary tsaka binasa.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon