Chapter 45

992 46 4
                                    


Arabella's Pov

Ang sakit ng katawan ko ang sakit ng singit ko ang sakit sakit tapos dumugo pa iyong sa tenga ko pero okay na. Tang'nang Ruru kase hindi marunong magkabit ng hikaw nanginginig kase ayan mali pag kapasok dumugo tuloy. nakakainis, sinasabi ko na ih! maluwag ang hikaw kaya gano'n pagkakabit ni tita kanina sa'kin kaninang umaga.

Andito ako sa room nagpapahinga malamang ang sakit ng pakiramdam ko andito ako sa kwarto dahil nga makulit at matigas ang ulo ko ilan days na naman ako hindi gagaling ayos na iyon kesa naman uminom ako ng gamot mapait.

Kakauwi ko lang din kanina kase ayoko mag-stay sa bahay nila Kevin feeling ko talaga lalagnatin ako! Sa nangyari kanina! kaya umuwi ako ng bahay si Deven ang naghatid sa'kin, tinanong pa nga niya ako kung ano nangyari pero hindi ko sinagot ang tanong niya tapos nagtataka ako bakit tumatawa sila Liam no'ng paika-ika ako lumakad.

May nakakatawa ba do'n?!

Asar na asar talaga ako kay Ruru! Humanda talaga siya't babalian ko siya ng buto kala niya ah! Ang sakit sakit!

“Ara,” Tawag nang kung sino kaya napabalikwasa ako ng bangon at napatingin sa may tao sa pinto.

“T-tita.” Nautal kong tawag.

“Anyare sa'yo? Bakit paika-ika ka maglakad kanina? Saan ka ba galing?”  Sunod-sunod niyang tanong. Akmang magsasalita ako ng may sumabat na epal.

Epal always.

“Tita baka nag pabuntis na iyan sa mga kaklase niya–” Hindi niya natapos ang sasabihin ng hampasin siya ni Tita ayan deserve.

“Jays, kapatid mo iyan tumigil-tigil ka sa mga nonsense mo.” Saway sa kaniya ni Tita kaya nag ‘Bleh’ ako kay Jays sinamaan naman niya ako ng tingin bago tumalikod at lumakad.

Papansin kase.

“Hayaan muna iyan ang mahalaga ayos ka.” Nakangiting sabi ni Tita sa'kin kaya napangiti ako.

Napaka understanding talaga ni Tita.

“Nga pala mga next week is may event so kailangan mo sumama ayos ba? At suotin mo ang binigay na dress sa’yo kung ayaw mo sa mama mo ikaw matulog.” Nakangiti niyang sabi alam niya talaga kung paano ako iblackmail.

Minsan lang niya ako iblack mail sa mga bagay-bagay.

“Okay, Okay.” Saad ko at nagtaas ng dalawang kamay para kunware nasuko.

“Good!” Saad niya habang nakangiti at sinarado ang pinto bago lumabas.

Huminga ako ng malalim at napailing bago mag lakad papunta sa veranda namimiss ko ang aso ko pero kailan nandoon parin iyon.

Saan kayang Event ang pupuntahan namin? At kailan kaya ang Event namin sa Vientes? Bakit kase kasali pa ako? Ah! Alam ko na! Maghahanap nalang ako ng kanta para kakantahin ko pag nandoon kami! Tama! Tama!

Kumuha ako ng papel at nilagay sa study table at pumunta sa cabinet bago kinuha ang nakatagong Laptop na binili ni Kuya Gello sa’kin. Nilagay ko ang laptop sa study table at sinaksak na ang charger na nito at binuksan bago nag connect sa wifi at nag search sa you tube.

May na search na ako at syempre secret lang baka pagtawanan niyo ako hahaha kabahan nalang kayo pag sumasayaw ako sa stage na parang sinisid ang napakadaming asin.

“1...2...3...Go!” Ani ko at nagsimula na mag humming ng intro.

“I believe i can fly~ tumalon sa tulay–i mean haist...” Napabuntong hininga ako dahil nakalimutan ko ang lyrics nito kaya nag search ako ng ganon.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon