KABANATA CCIV

4.8K 18 0
                                    

Sa prisinto.

May tatlong free time sa isang araw ang mga inmates at lahat ng ito ay pagkatapos kumain. May mga naglalakihang tao ang naglalaro sa basketball court, excited ang mga ito kahit na hindi sila kagalingan.

Ang mga hindi naglalaro ay nag checheer sa gilid. Pero may isang tao na tahimik lamang na nagbabasa ng libro.

Mukha siyang nasa thirties or forties, nasa gitna ang hati ng buhok nito at mukhang geeky.

Agad na nagkainteres si Darryl sa tao na ito dahil mas pinili nitong magbasa tuwing free time kaysa makihalubilo sa iba. Bahagyang tiningnan ni Darryl ang litrato ni Chester na binigay ni Megan at napagtantong ito pala ang target nila!

Hindi maaaring totoo na ito ang sinasabi ni Megan bilang isang high ranking member ng eternal life palace dahil dapat ay mukha itong makapangyarihan. Pero ang lalaki sa harap nito ay may mahinang aura kaya baka isa lamang siyang Level one master?

Isa pa, mukha talagang geeky at mahina itong si Chester! Ang libro na binabasa nito ay... SunTzu's Art of War?! Sinong magbabasa ng librong iyon sa loob ng prisinto?

Natatawang naisip nu Darryl. Nag isip ito kung paano ang magandang pag approach sa lalaki, nang may tumamang bola sa ulo nu Chester.

BAM!

Halos mahimatay si Chester, lumipad ang libro at ilang gamit nito.

"Oh no, pasensya na nadulas ang bola sa kamay ko." Sarkastikong sabi ng isang malaking lalaki.

Pamilyar ang mukha ng lalaki, hindi kaya... Trent Young?! Halos matawa si Darryl. Ang lalaki ay si Trent Young! Halos magsamantala ito kay Lily kaya naman binugbog siya ni Darryl at nakulong dahil sa dinulot nitong kaguluhan.

'Haha! Hindi pa pala siya nakakalabas?' namamanghang naisip ni Darryl.

Mahilig manakit si Trent Young kahit na may ari siya ng martial club at hindi na bago sa kaniya ang maglabas pasok sa prisinto.

Ang buhay sa prisinto ay dod eat dog kung saan ang malakas ay nambibiktima ng mahihina --- mayaman man o mahirap, kailangan mong sumunod sa rules sa loob ng prisinto. Pero naiiba si Trent Young dahil kaya nitong lumaban. Mayron din siyang ilang alagad kaya napakayabang nito sa loob ng prisinto.

Hindi pa napapansin ni Trent si Darryl nang mga sandaling iyon. Si Chester lamang ang nakikita nito --- ilang araw nang nasa prisinto ang nerd na iyon pero hindi niya parin alam ang rules! Sino siya para gawing library ang basketball court? Kaya binato na lamang ito ni Trent ng bola nang dahil sa inis.

Tila ba nakakita si Chester ng gold stars habang hinahanap ang salamin nito sa sahig. Nang makita na niya ito, agad siyang binatong muli ni Trent ng bola.

BAM!

Malakas na natamaan ang mukha ni Chester.

Tumayo ito at malamig na nagsalita. "Anong problema mo?"

Puno ito ng galit, sa kasamaang palad ay napunta siya sa prisinto at walang magawa kahit na hig-rank member ito ng eternal life palace sect. Paanong nabubully lamang ito ng ordinaryong tao? Gusto lamang niyang magbasa ng libro ng tahimik.

"Anong problema ko? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na naglalaro lang ako ng basketball? Naaapektuhan ang vibes ko pag nakikita kong nagbabasa ka." Hindi reasonableng sabi ni Trent.

Tiningnan nito ang libro at nagsalita. "My, my, SunTzu's Art of War. Mukhang may edukado rito, anong gagawin mo dito? Maglelead ng army para sa gyera? Nabubuhay na tayo ngayon sa high tech era at out of date na itong libro, idiot."

Tinuro ni Trent ang bola at malamig na nagsalita. "Pulutin mo ang bola at umalis ka dito dala ang libro mo!"

Galit si Chester pero hindi na nito nagawang magsalita.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now