Ika-32

1.8K 43 7
                                    

A/N: Sa mga naka miss kay Csm. Sabaok nalang namimiss. Btw, magulo ang date. Kasi dapat yung time nung lockdown, Csm and Tyraene broke up. Pero dito sa Meteor parang nag aasaran palang sila. Yung u-mab-sent si Csm ng matagal dahil daw buntis si Csm kuno sabi ni Tyraene. Ito yung scene nayon. Andito sya sa Meteor. Nagulo yung date pero hayaan nyo aayusin ko na sya sa Sky. Wala po kasi talagang Meteor. Kasi dapat Mafia Series lang to. Si Csm lang dapat talaga ang bida hanggang sa na buo yung The Rank Series. So yun lang let's start.

CSM POV'

ANDITO AKO Ngayon sa bahay ni Meteor. Tsk. Langya. Nakakatamad na kasing pumasok. Lalo na kapag ang mukha ni Minchintaba ang sasalubong sayo. Langya. Sino ba namang estudyante ang gaganahang pumasok sa klase nya? Tsk. Pabigat talaga yung taba nayon eh. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko dito sa bahay ni Meteor na regalo sakanya ng asawa nya. Yung asawa nyang langya. Palaging na kulo ang dugo sa akin. Langya.

Sa itsura kung ito? Sa akin pa sya nag papakulo ng dugo ha? Tsk.

Nakita ko na andyan na ang sasakyan na sinakyan kanina nila Meteor. Mukhang ang dami nilang napamili ha? Sana all. May pera. Kapag ako nag kapera. Kailan yun? Excited na ako. Hindi na ako makapag hantay. Napasinghal ako at nag lakad pababa. Sana naman ay Pizza sila ano? Nakaka gutom kasing matulog. Lalo na kapag panaginip mo puro Pizza. Langya. Sino ang hindi magugutom nun?

Nang makababa ako ay nag lakad ako papunta sa bintuan para abangan sila. Naka cross arms akong tumayo sa labas ng pintuan habang nakatingin sa pababang sila Meteor at yung asawa nyang si Fuezca. Tsk. Napangisi ako sa loob ko nung makita ko ang hawak hawak ni Meteor. Limang box yun ng XL na Pizza. Nice. Worth it talaga na dito tumambay ha. Iba talaga kapag naka pangawasa kanang bilyonaryo.

Langya. Kailan kaya ako makakapangasawa ng bilyonaryo? Siguro kapag nag asawa na ako ano? Tsk. Napataas ang kilay ko nung makita ko ang naka busangot na mukha ni Fuezca. Langya. Mukha ba akong sama ng loob? Ang sama palagi ng mukha nya sa akin eh. Para syang si Minchintaba tapos si Imagination boy. Palaging naka busangot ang mukha pag dating sa akin.

Langya. Sa itsura kung ito. Wala kang makikitang sama ng loob. Ganda meron. Sure ako.

"Tsk! Grabe pala talaga ang asawa natin Marites. She's a good dog. Akalain mo yun? Inaabangan tayo." Sarkastikang saad ni Fuezca. Sininghalan ko sya. Nakita ko ang pag nguso ni Meteor. Bagay na sana sila ang kaso ang sama din ng ugali ng lalaking to eh. Sobrang sama. Langya. Kaya kahit gaano kayaman at kahit may magandang mukha pa sya. Langya. Wala akong pakialam. Kasi I don't care. "WHAAAAAAAAAAA! Sam sam! Kain tayo Pizza!" Nakangiting saad ni Meteor. Tumango ako sakanya bago sya tinalikuran.

"Tsk. Bad dog. Tinalikuran ang Amo." Dinig kung pabulong na saad ni Fuezca. Hindi ko sya pinansin. Kasi ayoko naman ng pag papansin nya. Langya. Palagi akong pinaparinggan. Daig nya pa ang Nanay ko eh. Tsk. Hindi na ako mag tataka kung kamag anak nya si Minchintaba. Parehas kasing humahaba ng nguso kapag nag paparinig eh. Tsk. Mga taong to ang sasakit sa ulo. Kinuha ko ang remote bago binuksan yung TV. Agad na bumungad sa akin ang balita.

"Mag sisimula na ang Lockdown sa mga na sabing lugar. Paniguruhing ligtas at nasa bahay lang upang maiwasan ang pag laganap ng covid-19."

Mahina akong na tawa dahil sa balitang to. Tsk. Matagal na namin tong na detect. Ngayon lang nila binigyan ng action ngayong matagal na. Langya. Mga gobyerno talaga. Hindi mo mapag kakatiwalaan. Tsk. "Stupid." Napairap nanaman ako nung marinig ko ang boses nung asawa ni Meteor. May mga dala itong box na napamili siguro nila. "Samsam! Kain tayo Pizza! Oh sayo to! Gusto mo bang lagyan ng gatas yung Pizza mo?!" Nakangiting tanong sa akin ni Meteor.

Mabilis nalang akong umiling. Nag simula akong kumain ng Pizza. Nilipat ko ang channel sa ibang palabas. Action ang palabas. Action ang hilig ko, nagustuhan ko din ang genre ng palabas kaya hindi ko na nilipat. Kaya naman ay nanood nalang ako habang nakain ng Pizza. Habang nanonood ako ng TV ay nag kukwento sa akin si Meteor. Ng kung ano ano. Hanggang sa makarating ang kwento nya sa COVID-19 daw kuno. "Lockdown daw bukas eh! Ibig sabihin dito kalang sa bahay Csm!" Tuwang tuwa na saad ni Meteor. Sya lang yata ang taong. Tuwang tuwa na makulong sa bahay.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon